A/N: Pati ako na-curious na kung ano ba ang meron kay Wafi. HAHAHAHA. Thank you sa mga readers na nag-message na mag-update na daw si ako. Busy talaga kami ni Duke eh. Hahahaha.♥
------------------------------------------------------Nyle
Ibinalik ko muna si Rave kay Sophie kasi magpapalit lang ako ng damit. Pinakain kasi ni Jarri ng cake si Rave kaya nadumihan 'tong suot ko. Kahit kelan talaga perwisyo si Jarri. Hahaha.
Paakyat na ako ng hagdan papunta sa kwarto namin nang makasalubong ko si Wafi. Nagkatitigan lang kami at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa taong 'to. Laking pagtataka ko lang kung bakit niya ako gustong patayin. Hindi ko alam kung dahil lang ba kay Sophie o may iba pang rason.
"Uhm...nakigamit pala ako ng banyo niyo..." sabi niya at tumango lang ako at hahakbang na sana kaso muli siyang nagsalita
"Nyle, pwede ba kitang makausap? May gusto lang akong iklaro sa'yo.." sabi ni Wafi at tumango naman ulit ako
I think he will confess his wrongdoings now.
"Sure. Tara sa office ko..." sabi ko at naglakad na kami papunta sa kwarto ko at ni Sophie. Nandoon kasi ang office ko.
"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin? Wait...wala ka bang dalang armas diyan? Baka kasi barilin mo 'ko ng walang kalaban-laban eh..." sabi ko habang naglalakad kami papunta sa mini-office ko sa kwarto
I look at Wafi and he looks so clueless about what I said. Great acting though! Best actor 'to ng taon.
"WHAT?! Bakit naman kita papatayin? I am not a criminal..." sabat naman ni Wafi at nasa office na kami
Napangisi ako sa sinabi niya. HAHAHAHA. Matatalo pa nito si Tom Cruise sa galing niyang umarte. Hanep 'tol!
"Oh really? Hindi ka kriminal? So bakit mo ako gustong mamatay? May pa death threats ka pang nalalaman..." sabi ko at tila hindi makapaniwala si Wafi sa narinig niya mula sa akin
"Are you crazy? Anong death threats? Nyle....utang na loob naman! Bakit kita papatayin?!" napasigaw na si Wafi habang pilit na nagmamaang-maangan sa kasalanan niya
Hindi na ako nakapagpigil pa at nasuntok ko na siya sa mukha. Gumanti siya hanggang sa nagkasapakan na ng tuluyan.
------------------------------------------------------
Kyle
"Kyle, where's Wafi?" agad na tanong ni Illya nang makabalik siya after a couple of minutes
Hindi talaga obvious na may pagtingin 'to kay Wafi. HAHAHAHA. Super obvious kasi eh. Gwapo kasi ang lahi namin kaya hindi mo naman masisisi ang mga girls. Lol. Pero siyempre may Gertrude na ako noh.
"Nagbanyo lang. Saan ka ba galing?" tanong ko kasi baka sabihin ni Gerts na pinabayaan ko ang pinsan niya dito
"Sa tabi-tabi lang. Kanina pa ba umalis si Wafi?" Wafi na naman! Parang mabibingi na ako sa pangalan ng pinsan ko lol
"Ills, buti pa kumain ka na lang. Babalik din 'yun, okay?" sabi ko sa kanya at pagkatapos ay uminom ako ng wine
Kung hindi lang mahal ni Wafi si Sophie baka may chance pa sila ni Illya. Kaso hindi mo naman nape-peke ang pag-ibig eh. Simula kasi noon pa lang it's always been Sophie. Kaya sobrang hanga ako sa pinsan ko na mas pinili niyang umuwi dito at makasama si Sophie. Kung alam lang sana ni Sophie ang sitwasyon. Tsk.
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...