A/N: Ang pamilya nga naman ang rason kung bakit masayang mabuhay sa mundong ito. Without it, hindi ko na alam kung ano pa ang kahulugan ng pagmamahal.♥
------------------------------------------------------Sophie
Sa sobrang pagmamadali ko na makapunta sa Venereza Group of Companies ay nakalimutang kong bumili ng panulak. May tubig sila sa office kaso gusto ko at ni Nyle uminom ng milktea eh... para refreshing at somehow makakapag-alis ng stress. So iniwan ko na muna si Rave sa daddy niya at ako na lang ang bibili sa katabing café ng VGC. Naaawa din kasi ako kay Mang Dante na kanina pa nagda-drive at kay Hank na kanina pa inuutusan ni Nyle.
Pumasok ako sa katabing café na Toco Tefo ang pangalan at grabe ang pila ng mga tao. I heard masarap daw kasi ang mga coffee, milkteas, and other beverages nila dito. First time kong bumili dito so malalaman natin kung masarap nga ba talaga o hindi. :)
Pumila na ako at agad kong napansin ang batang nakapila sa harapan ko. Naglalaro siya ng isang game sa phone niya at naka-headset pa. Siguro mga 11 years old siya or younger kasi ang bata-bata niya talaga tignan eh. Almost five minutes akong pumila at nakahinga na ako ng maluwag nung ang bata na sa harapan ko ang o-order.
"Isang winter melon please..." sabi ng bata sa server na babae
"Okay po. That will be 195 pesos..." sabi ng babae at dudukot na ng wallet ang bata
Ako na ang next. Yes! :)
Napansin namin na ilang beses kinapa ng bata ang pantalon niya na tila ba hinahanap ang wallet niya.
"Sir? 'Yung bayad niyo po..." sabi ng server at nakakarinig na ako ng reklamo mula sa mga taong nakapila pa sa likuran ko
"Where is it? Oh crap!" sabi naman ng bata at dahil hindi ko na kayang tumahimik na lang ay kinalabit ko siya
"Excuse me. Did you lost your wallet?" tanong ko sa kanya at tinignan niya lang ako na parang iiyak na siya
"I don't know. How will I be able to pay for this?" sabi niya at may tumulo ng luha sa mata niya
I hugged him right away at agad na binigay ang credit card ko sa babae.
"Miss, ako na lang ang magbabayad ng order niya. Kindly give me one Hokkaido milktea and one Okinawa milktea. Thanks..." sabi ko sabay haplos sa likuran niya para mapatahan siya
Mabilis namang dumating ang order at dahil hindi pa rin tumatahan ang bata ay umupo na lang muna kami sa isang corner.
"Tahan na. Hindi mo naman kasalanan kung bakit nawala ang wallet mo eh. Baka nalaglag mo lang on your way here..." sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya
He just look at me and smiled.
"Thank you, Ate. Hindi ko talaga alam kung saan na napunta 'yun eh. Buti na lang po talaga at tinulungan niyo ako..." sabi niya and finally ay tumahan na siya
"It's okay, walang problema. Matanong ko lang ha...nasaan ba ang Mommy mo?" tanong ko at bigla siyang umismid
"I don't know where the hell she is. We're not on good terms right now eh. Pilit niya pa akong isinasali sa mga plano niya..." sabi ng bata habang tinext ko si Nyle na matatagalan ako dito
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...