A/N: So may bagong addition sa Venereza hotties? Ready na ba kayong mas makilala pa si Zsolt?
You better watch out, dudes!♡
------------------------------------------------------Sophie
Kung gaano ako na-bwiset sa pagkikita namin ni Sebastian ay mas higit pa ang sayang naramdaman ko nang makita ko si Kyle at Wafi. It's been almost ten years na hindi ko sila nakita at kung hindi pa ikakasal 'tong si Kyle ay hindi rin kami magkakasamang muli. Kulang nga lang kasi wala si Natalie pero okay lang kasi nandito ang dalawang mokong. Kung hindi niyo naitatanong ay si Wafi ang childhood sweetheart ko. Lagi kasi kaming tinutukso sa isa't-isa pero never kami dumating sa point na nagkagustuhan. He's like my guy bestfriend along with Kyle at more like kapatid na nga ang turingan namin. Madali lang naman kasi sila maka-close eh. Si Kyle ang komikero or ang palabiro type at si Wafi naman ang sobrang talino na kakaibiganin mo talaga para may kopyahan ka ng assignment. HAHAHA.
"Sorry nga pala ah kung hindi kami nakarating sa kasal mo.." sabi ni Wafi at kaming tatlo lang ang nandito kasi lumabas muna sila Nyle para mag-kape
"Okay lang 'yun. Alam ko namang busy din kayo eh so walang anuman. Basta promise niyo ha na magba-bonding tayo ng bongga.." sabi ko at tumango naman agad si Kyle
Wala na din ang fiancé niya dito kasi bibili daw ng fruits.
"Oo naman. Balita ko nga may resort si Nyle. So ano? 'Dun ba tayo sa susunod?' sabi ni Kyle sabay ngisi sa akin
Hindi pa rin talaga nagbabago ang mokong na 'to. Siya pa rin ang walang hiya na bestfriend ko at 'yung tipong maiinis ka kasi sobrang kulit na ang sarap na lang ipakain sa leon. Lol
"Kyle, walang hiya ka talaga noh? Magbayad ka uy! Doktor ka na kaya. Malaki na sweldo mo so marami ka ng pera..." sabi naman ni Wafi sa kanya
"Kontrabido ka talaga, Waf. Ewan ko sa inyo..." Naks. Nag-inarte na parang nagtatampo si Kyle at nag-apir lang kami ni Wafi
Tawa lang kami ng tawa nang biglang sumagi sa isipan ko na may kasama palang binata si Nyle kanina. Pinilit kong huwag mag-isip ng kung anu-ano pero sabi ng isip ko baka anak niya 'yun. Hays naman! Grabe talaga ang mga hinala ko eh. Grrrrrrrr.
"Uy, bakit bigla kang tumahimik? Siguro na-realize mo na 'yung kasalanan mo sa'kin noh? Okay lang Soph, I forgive you..." sabi ni Kyle na feeler as always
Isang malaking 'DUHHH' talaga ang deserve ng mokong na 'to. Haynako na lang!
"I knew it. Sumagi sa isipan mo na anak ni Nyle 'yung batang lalaki noh? Don't worry, I heard him calling Nyle as his kuya. Kapatid niya ba 'yun?" sabi bigla ni Waf at mula talaga noon nagi-gets na niya ako
"Really? Hindi ko rin alam eh...Kilala ko naman ang mga kapatid niya at 'yung binata kanina hindi talaga eh. Ngayon ko lang nakita..." sabi ko and speaking of the teenager, biglang bumukas ang pinto at pumasok siya sa loob ng room
"Ate Sophie, right? Pinapabigay ni Kuya Nyle..." sabi niya sabay abot ng isang bouquet ng pink roses sa akin
Wow naman. Ang sweet naman ng asawa ko. Nag-effort ha? Kinilig naman si ako. ♥♥♥
"Where is he? Sabihin mo please thank you ha? By the way, kaano-ano mo si Nyle?" hindi ko na napigilan pang mapatanong
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...