/Chapter 105: Rehas/

3.1K 49 1
                                    

A/N: Sa totoo lang, nawalan ako ng ganang magsulat kaya sobrang natagalan din bago ako nakapag-update. Minsan kasi dumadating tayo sa point na parang ayaw na natin. Hays. Kaso sobrang mahal ko ang kwento na ito at hindi ko maatim na hindi ito matapos. Sorry guys ha? Nawa'y maintindihan niyo. Here it is! :)
------------------------------------------------------

Nyle

Sobrang nanggigigil at nag-uumapaw ang galit ko sa walang hiyang Sebastian na 'to at kung wala lang mga pulis dito ay baka tinadyakan o pinagsusuntok ko na 'to. Seeing him for the very first time again matapos ang ilang buwan makes my blood boil in anger. Pasalamat lang talaga ang mokong na ito at may awa pa ako sa kanya kasi frankly speaking lang, baka napatay ko na siya and hindi ko na alam kung ano pa ang makakaya kong gawin sa demonyong ito.





Parang maamong tuta lang na nakaupo habang ini-interrogate ng mga kapulisan si Sebastian. Best actor pa ang gago kasi umiiyak pa talaga siya habang kinakausap ng mga kinauukulan. Ako naman nakaupo lang sa isang sulok habang pinagmamasdan at pinakikinggan ang mga kasinungalingan na pinagsasasabi niya.




"Mr. Ferratti, gaya nga ng sabi ko ay may karapatan kang kumuha ng abogado para maipagtanggol mo ang sarili mo at depensahan ang mga paratang sa inyo..." sabi ni Tito General sa kanya at tumango-tango lang ang gago



"Sure. Thank you, General..." malumanay nitong sagot at parang masusuka na ako sa kadramahang ipinakikita niya ngayon




"Pero sa oras na mapatunayang may sala ka nga, hindi kami magdadalawang-isip na ikulong ka. Kaya ngayon pa lang ay binabalaan na kita na huwag mong pagtatakpan ang mga kasalanan mo kasi lilitaw at lilitaw din ang katotohanan..." sabi ulit ni Tito General habang tinitignan mata sa mata si Sebastian




"Okay..." sabi pa ulit nung gagong Sebastian





"Dalhin na 'yan sa interrogation room para sa further questioning. Pigain ng pigain hanggang sa umamin..." lumapit sa kanya ang dalawang pulis at pinosasan siya ulit






Bago umalis si Sebastian ay tumingin siya sa akin at ngumisi pa. What the fuck?! 'Yung ngiting nakakabwisit pa ha. 'Yung ngiti ng kampon ni Hudas at Santanas.




Nang tuluyan nang lumisan si Sebastian ay nilapitan ako ni Tito General at inakbayan.




"Hijo, huwag kang mag-alala. We will do everything para mapaamin si Sebastian..." sabi niya sa akin sabay gulo ng buhok ko





He's been like my third Dad ever since, syempre pangalawa si Mang Dante. Matagal na silang mag-kumpadre ni Daddy and they know each other mula pa noong mga high school pa lang sila. Kaya close na rin ang mga pamilya namin. 'Yung anak din nga niya na si Lancho ay closefriend at teammate ko rin dati sa basketball team.



"How's Taron?" bigla niyang tanong kaya naalala ko si Dad at kung ano ang kalagayan niya ngayon





"He's still in a coma, Tito. Wala pa rin kaming idea kung kailan siya magkakamalay but the doctors are doing their very best to make sure he's okay..." sagot ko and he just tap my shoulder





"Kaya niya 'yan, hijo. Siya pa eh mas matigas pa sa bato ang ulo 'nun at fighter 'yun eh..." pareho kaming napangiti sa sinabi niya and Tito is right. Dad is as strong as Hercules. He will be fine soon. :)






"Thanks Tito for always being there for us.. " sabi ko then gave him a hug







"Anytime basta para sa inyong mga pangalawa kong mga anak..." sabi niya and hugged me tighter

------------------------------------------------------

Sophie


Bakit kaya ang tagal naman ni Nyle? Sabi niya may babalikan lang siya sa VGC kaya iniwan niya muna ako sa The Trends. Wala dito ang mga business partners ko at tanging ang manager lang na si Layla ang nandito. She's so busy making sure everything is fine kaya naiwan akong mag-isa sa office ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinext ang asawa ko. Baka kasi magtaka si Wafi kung bakit ngayon ay wala pa kami.



To: Wafi Deloscovo

Hi Waf. Sorry ha if medyo na-delayed kami papunta diyan. May emergency lang kasi si Nyle eh. We will be there after a while. Kamusta na?







*beep




From: Wafi Deloscovo

It's okay, Soph. It's Kyle nga pala, your super macho and gwapito bestfriend. Tulog si Wafi eh. HAHAHAHAHAHA.








Nakakainis talaga 'tong mokong na 'to. Feeling masyado eh. Hahahaha. Ang sarap sipain sa thyroid glands.




Tinext ko rin si Nyle para tanungin kung tapos na siya sa VGC. Sabi niya kasi may kukunin lang siya na mga documents eh. What's taking him so long? Naiinip na ako dito eh. Gusto ko nang makita sina Wafi.

------------------------------------------------------

Kyelus



Ginawa na namin ni Vyke ang lahat para lang ma-comfort si Zsolt. He's been crying since he heard that his Mom is dead and was killed by Sebastian Ferratti. Kung ako din naman ang nasa posisyon niya I will lose my mind upon hearing that sad news. Deserve na deserve ni Sebastian ang makulong sa rehas sa lahat ng kahayupang ginawa niya.




"Dude, let's leave him alone first. Come on..." sabi ni Vyke sa akin at tumayo na ako para samahan siyang lumabas ng kwarto






"Z, basta nandito lang kami para sa'yo. Be strong dude. We love you.." sabi ko kay Zsolt bago isinara ang pintuan ng kwarto nila ni Vyke








Nasa labas na kami ni Vyke at doon na namin narinig ang malakas na paghikbi ni Zsolt. Damn. I feel really sad and bad for him. Hays.





"Let's go eat something. We've been hungry since hours ago..." sabi ni Vyke at sumang-ayon naman ako sa kanya







Hindi na kami nakakain pa kasi natatakot kami sa mga pwedeng gawin ni Zsolt. Baka kasi magpakamatay siya or what. Masama pa naman kapag nadi-depress 'yun. Hays.



"Mga anak, anong gusto niyong kainin? Ipagluluto ko kayo..." tanong ni Manang Ludy nang pumasok kami sa kitchen at naghanap ng makakain






"Kahit ano na lang po. Thank you Manang..." sabi ko kay Manang at nakita ko si Kuya Duke na pababa ng hagdan






Halatang kakagising niya lang kasi sobrang gulo ng buhok niya at bakat na bakat pa sa shorts niya ang kanyang 'morning wood'. Lol.





"Guys, is Z okay? I heard him weeping..." tanong ni Kuya habang kinukusot ang mata niya







"He's Mom is dead, Kuya. Pinatay ni Ferratti..." sabi ko kay Kuya Duke and I heard him cursed









"Holy shit! Seriously?! Kawawa naman si Z. Let's comfort him..." sabi ni Kuya kaso pinigilan ko lang siya







"We've done that. I guess he needs some time alone..." sabi ko at nagsi-datingan naman sina Kuya Heath at Flint galing sa mga trabaho nila





Kuya Jarri and Ate Cheska aren't here kasi pumunta sila sa bahay ng parents ni Ate Ches. They brought Hoyle with them. Kaya walang playmate si Rave this week.







"Okay. Let's eat then. Ako na lang ang magdadala ng pagkain ni Zsolt sa kwarto niya..." sabi ni Kuya Duke at hindi ko alam kung alam na nila Kuya Heath at Flint ang balita



------------------------------------------------------

A/N: After a week of hiatus, here I am again. Sobrang busy guys kaya pasensya naman ah? Lablablab.

3/27/18
11:19 AM.

The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon