A/N: Kung may isang bagay man ako na natutunan kay love 'yun ay huwag agad umasa kasi masasaktan ka lang. Hahahaha. Duke naman kasi! Hinintay kita kagabi eh. Sabi mo magtatanan tayo? Djk♥
-------------------------------------------Sophie
Pagkatapos naming mag-lunch kasama ang kaibigan ni Nyle ay pumunta na ako sa kwarto para sa bath time ni Rave. Para mabango at gwapito ang baby namin diba? Hahaha. Para maging kagaya ni Daddy niya na hindi lang pogi kundi may nakakaakit na amoy. Naks. :)
Habang hinahanda ko na ang pampaligo ni Rave ay biglang tumunog ang phone ko. Oo nga pala, nakalimutan kong tignan kung sino ang nagtext kanina. Nakakailang ring na 'to eh pero dahil sobrang abala ako kay Rave ay nakalimutan ko na. Busy Mommy na talaga si ako. Pasimple kong kinuha at tinignan ang phone ko para malaman kung sino ang nagtext sa'kin. Wow ha. 11 messages lahat galing kay Rafa. Ano kayang kailangan niya?
Ate, going na kami sa resort.
Ate, alam ba ni Kuya Nyle na pupunta kami diyan?
Ate, saan nga banda ang resort? Please reply. ASAP.
Ate?
Ate?
Ate?
Ate?
Ate?
Ate, nasa resort na kami. Since hindi ka naman nagre-reply and I know busy ka kay Rave, lilibutin na lang muna namin ang resort.
Ate, gutom na us. HAHAHAHA.
ATE, NASA LABAS NA KAMI NG VILLA NIYO.
Agad akong dumungaw sa bintana at nakita ko nga si Rafa, Blake, Sander, Rigx, at Diego na nakatayo sa labas at may dala-dalang mga bag. Napatingin sa direksyon ko si Rafa kaya nagtagpo ang mga mata namin. Agad siyang kumaway kaya kinawayan ko rin siya.
"Baby, let's go downstairs muna and go see your uncles..." binuhat ko si Rave at lumabas na ng kwarto
Pagkarating namin sa sala ay pinapasok na pala ni Nyle ang mga pinsan ko at sa katunayan ay nagkwe-kwentuhan na sila.
"Babe, hindi mo naman sinabi na papunta ang mga pinsan mo dito. You should have told me para napa-ayos ko 'yung other rooms dito..." sabi ni Nyle the moment na nasa sala na kami ni Rave
Isa-isa ko silang bineso at pina-kiss ko rin si Rave sa kanila.
"Sorry babe. I totally forgot about them coming over here. Don't worry, ako na mismo ang maglilinis ng mga bakanteng kwarto..." sabi ko pero umiling lang si Nyle sabay kuha kay Rave sa akin
"Don't worry about it. May room service naman eh plus I don't want you to get tired. You're my wife and not my servant..." Naks naman. Ang aga-aga naiihi na ako sa kilig dito HAHAHAHAHA
Pinakain ko muna ang mga pinsan ko kasi for sure ay gutom 'tong mga 'to. Kami lang ni Nyle at Rave ang nasa villa kasi lumabas 'yung iba at magsisi-ligo lang daw at magbaba-banana boating.
"Ang layo pala ng resort niyo, Ate. Nakatulog ako sa biyahe sa sobrang tagal naming makarating dito..." sabi ni Rigx sabay subo ng roasted chicken na niluto siyempre ni Manang Ludy
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...