A/N: Hi guys! Kamusta ang weekend niyo so far? Nawa'y nag-eenjoy kayo at masaya ang Sabado niyo. Thank you for supporting TFG and me. I love you guys! Solid tayo~
------------------------------------------------------Sophie
Nasa NAIA na kami ngayon and it feels good to be back. It's been almost three and a half months din kaming namalagi sa Boston and guess what? Nyle is finally okay. Thank you so much Lord! Huhuhu. Hindi magiging posible ang lahat ng mga ito kung pinabayaan kami ni Lord. Ayokong maiyak kasi happiness lang dapat ngayon kasi nakauwi na kami sa Pilipinas.
"Babe, let me hold Kael..." sabi ni Nyle sa akin habang hinihintay namin ang sundo namin
Kinuha niya sa akin si Kael, short for Mikael. Yes, nakapanganak na ako to a bouncing baby boy. It's been almost a month na rin simula noong ipinanganak ko si Mikael and sa Boston ko rin siya ipinanganak since we stayed there for his Dad's medication. The moment Kael came out, halos maiyak-iyak ako. Why? Kasi if I'm not mistaken mga almost a couple of hours din bago ako nakapag-labor. Thank goodness I have Nyle beside me who even took a video of everything. Ang saya lang ng mga nangyari. Ngayon ay okay na okay na si Nyle at kuya na si Rave. Speaking of Rave, sina Rafa muna ang nagbabantay sa kanya kasi palagi niyang kinukurot 'yung kapatid niya eh, nanggigigil siguro. HAHAHA. Ang kyuuuuuut!♡~
Medyo nagdaramdam nga ako eh kasi kamukha na naman ni Nyle si Mikael. Lahat na lang, babe? Hahahaha. Sana sa third babay namin ako naman ang kamukha. Third baby agad! Lol.
Ang laking tulong pala na kasama ko ang mga pinsan ko kasi they made my life easier back in Boston. Ultimo pati grocery shopping ay sila rin ang gumagawa which is sobrang na-appreciate ko. Bago kami umuwi ay ipanag-shopping sila ni Nyle kaya halos sneakers ang laman ng mga luggages nila. Lels.
After ng ilang minutong paghihintay ay dumating na din sa wakas si Mang Dante at kasama niya ang buong pamilya kaya ang ending hindi pa rin kami kakasya sa van. Lol. Buti na lang at may isa pang van na si Duke naman ang nagda-drive. Mabilis na nagtakbuhan si Vyke, Kyelus, at Zsolt sa amin at niyakap kami ng sobrang higpit.
"I miss you po, Ate..." sabi ni Kyelus sa akin habang magkayakap kami
"I miss you too, Kye. Parang tumangkad ka lalo ah...." sabi ko sabay gulo ng bagong wax niyang buhok
"Ate naman! Pinaghirapan ko 'to eh...." at agad niyang inayos ang nasira niyang hairstyle
"Hi Ate Sophie! I missed you bigtime..." si Vyke naman ang lumapit sa 'kin
Ang iingay namin sa airport at bago pa kami mag-iyakan dito ay sumakay na kami sa van at bumiyahe na pauwi. Lahat sila gwapong-gwapo kay Mikael at pinipikon nila si Rave na mas love na daw nila si Kael kaysa sa kanya kaya ayun umiyak si Rave.
"Nyle anak, masaya ako na okay ka na. Hayaan mo, araw-araw akong magluluto ng gulay para sa'yo..." narinig kong sabi ni Manang Ludy kay Nyle
Narinig ko lang ha. Hindi po ako chismosa. HAHAHAHA.
"Thanks po, Manang. Namiss ko nga rin luto niyo eh..." sabi naman ng mister ko
"Tamang-tama 'nak. Nagluto ako ng kare-kare, chicken parma roll, at vegetarian salad..." sabi ulit ni Manang
Around 11:45 AM pa lang naman pero nagutom kami eh sa flight eh. Buti na lang at kasa-kasama ko si Netflix kung saan nanunuod ako ng samu't-saring series.
It feels good to be back. This is home. This is where we belong. Charot.
------------------------------------------------------
A/N: Super lamig guys! Ang aga-aga ko nagising para lang i-type 'to. Hopefully magustuhan niyo siya. Mwaaaah.
10/8/18
4:10 A.M.
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...