/Chapter Eighty-Five: Evening With Venerezas/

4.1K 48 0
                                    

A/N: In case you're wondering why wala pang lovelife si Duke, ganito kasi 'yun guys..kami kasi ni Duke ang meant to be so ang hirap pang mag-let go. HAHAHA. Anyways, thanks for reading TFG! Marami pang pasabog guys at alam kong medyo nahahabaan na kayo pero kapit lang. Love you, Penguins!♥
------------------------------------------------------

Sophie

Nagulat ako dahil may congratulations banner na sumalubong sa amin 'nung makarating kami sa mansion. Kumpleto ang angkan ng Venereza at Sanchezo ngayon at hindi ko na napigilang maiyak kasi sobrang nakakatuwa lang na masaya sila para sa amin.


"Ang dami mo namang fans, Babe.." sabi ni Nyle sabay hawak ng kamay ko





"Sophie, we are so happy na finally ay magiging kuya na rin si Rave..." sabi ni Mommy Elaine at pagkatapos ay niyakap ako




"Pasok na lang muna tayo sa loob kasi baka mahamugan ang mag-ina ko eh. Let's go, guys..." muling sabi ni Nyle at pumasok na nga kami





Pagpasok namin sa loob ay may pa-catering pa tapos may balloons at parang may pa-party talaga. Grabe talaga ang mga taong 'to. Gusto pa yatang mas umiyak pa ako.♥



"Babe, kakausapin ko lang si Jarri" sabi ni Nyle at nilapitan muna si Jarri na nasa gilid lang at umiinom na ng wine. Si Nyle na ang bumuhat kay Rave since siya na mismo ang nagsabi na ayaw niya akong mapagod. Talaga lang Nyle ha? Kung ayaw mo akong mapagod bakit buntis ako ngayon? Lol




"Uy Sophie, siguro wala kayong pahinga ni Nyle noh? Kita mo naman nasundan agad si Rave..." grabe talaga 'tong si Cheska. Makawalwal parang wala ng bukas eh.





Kandong-kandong niya si baby Hoyle na most well-behaved naman ngayong gabi.


"Ikaw talaga kung anu-ano na ang sumasagi sa isip mo. Sabihin na lang natin na binigay 'to ni God sa amin..." sabi ko at ngumisi lang si Ches. Haynako! Pervert din 'to kagaya ni Jarri eh. No wonder na match sila. Lol





"Sabi nga nila, nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa. Halata namang tinrabaho talaga eh. Proud ako sa'yo girl!" Grabe talaga siya!





"Buti pa kumain na lang muna tayo. Tara 'dun...ang sarap ng brownies oh..." sabi ko at pumunta kami ni Cheska sa buffet table kung saan naroon ang mga brownies







"Diet ako eh and sugar 'yan so ikaw na lang, Soph..." sabi ni Cheska at ewan ko sa babaeng 'to. Sobrang health conscious! Hindi halatang sobrang takaw niya lastweek. Naimpluwensiyahan kasi ni Jarri na nagpapa-abs ngayon.






Bumalik si Nyle sa tabi ko at nakita kong pinakain niya ng icing ng cake si Rave. 'Yung flower na icing 'yung may color blue, yellow, and pink. Panay ang dila ng anak namin sa kulay blue na icing at madungis na ang mukha nito. Tinignan ko ng masama si Nyle at nginitian pa talaga ako.







"What?" tanong niya pa





"Look at Rave, babe. Ang dumi-dumi niya na at wala ka man lang ginagawa? Oh gosh...bigay mo na lang siya sa'kin. Rave, come to Mama..." kukunin ko na sana si Rave kaso lumayo si Nyle sa akin





"Babe naman! Kita mo namang nagba-bonding kami eh. Just chill and enjoy the night. This is all for you and the baby..." sabi niya pa at nakakainis lang kasi pinapabayaan niya lang ang anak namin kahit madungis na ito








The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon