A/N: Hey guys! So ano ang point of view niyo sa title ng chapter na 'to? May kademonyohan na naman bang magaganap?
------------------------------------------------------Nyle
Pauwi na kami sa mansion and so far maayos naman ang usapan namin ni Zsolt. Feeling ko nga naging komportable na siya sa'kin
and it is a good thing. Sana madali niya ring maka-close ang iba naming mga kapatid. I already texted Mom and Dad na pinaubaya na ni Gracie si Zsolt sa akin and they were so happy. Sabi pa nga ni Mom ipag-shopping ko daw si Zsolt at isama ko na rin si Vyke. Wala kasi sila sa mansion ngayon eh. They are in Palawan kasama ang mga kaibigan nila.Just few meters away from the mansion, nakarinig kami ng tunog ng nagka-banggaang mga sasakyan followed by loud screams asking for help and then when we slowed down, we saw wounded people. Actually mga estudyante sila kasi familiar 'yung uniform nila eh. It's a private school from here na pang-all girls school. Sa kabilang lane naman ay isang SUV kung saan dalawa lang ang pasahero at pareho silang walang malay. Nagsibabaan kami nina Mang Dante at Zsolt gayun din ang ibang drivers at tinulungan ang mga naaksidente. Since karamihan ay tinutulungan na ang mga sakay ng school bus, nilapitan ko ang SUV at pinilit itong buksan. Wala pa ring mga malay ang dalawang lalaking pasahero at may mga sugat sila sa ulo.
"Sir! Sir! Can you hear me? Maghintay lang po kayo kasi paparating na ang ambulance.." pasigaw kong saad at tinignan ko kung may pulse rate pa ba sila or wala na
Parehong meron ang dalawa kaso 'yung isa sobrang namumutla na. Marami ng dugo ang lumalabas sa ulo niya at sa takot ko na baka tuluyan na siyang mawalan ng dugo ay pinunit ko ang suot kong long sleeves at tinali ito sa ulo niya to stop the bleeding.
"Sir! Kapit lang po kayo kasi paparating na ang tulong..." sabi ko ulit and this time dumilat ang mga mata ng isang lalaki
"Unahin mo siyang dalhin sa ambulance please..." sabi niya at pumikit ulit
After few seconds ay dumating na rin ang ambulance at sa wakas ay dinala na sa ospital ang mga na-aksidente. Sabi ng isang witness, matulin daw ang takbo ng school bus hanggang sa nawalan siya ng preno at binangga ang SUV na kulay itim. Sumunod kami sa ospital at nagpatingin na rin ako ng blood pressure kasi pakiramdam ko'y tumaas ang presyon ko. Tsk.
We waited for almost an hour bago lumabas ang doktor matapos tignan ang mga pasyente niya.
"You guys are the Good Samaritans who helped these two patients, right?.." tanong ng doktor at mabilis naman akong sumagot
"Yes. How are they?" tanong ko at ngumiti naman si doc
"They are safe now and I just want to thank you for helping them. One of them is Dr. Kyle Deloscovo, a resident physician here.." dagdag niya pa at doktor pala 'yung isa sa mga naligtas namin
"Actually, ginawa lang po namin ang dapat naming gawin.." sabi ko at tumango naman si doc
"And it was a very good job, Mr. Venereza. If you're wondering kung bakit kita kilala, just blame the magazines and news and the good deeds you've been doing for our country. Anyways, I have to go and I'll be back. You can now go and see the both of them..." sabi ni Doc at nag-wave pa
Pagkaalis ng doktor ay pumasok na kami sa room kung saan nakahiga at natutulog pa rin ang dalawang lalaki.
"Thank goodness they're okay.." sabi ni Zsolt na kumuha pa ang apple at agad itong kinain
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...