A/N: Bibitinin ko muna kayo sa kwento ni Flint. Suspense is the game dito eh. Hahaha. And let's pray po pala para sa mga kababayan natin sa Marawi at Zambales. Sobrang rami ng nangyayaring masama sa bansa. Pray lang tayo guys and keep safe.♥
------------------------------------------------------Nyle
After a stressful week finally ay nakapagpahinga na ako. Nasa biyahe kami ngayon papunta sa Resthouse Venereza sa Tagaytay. Magbabakasyon kasi kami para makapag-relax at dahil noong nakaraang linggo pa ako kinukulit ni Vyke at Kyelus na mag-out of town kasi parang malulumutan na raw sila sa mansion. Ang gwapo ng driver nila ngayon kasi ako lang naman. HAHAHA. Kasama rin naman namin si Mang Dante kaso pinagpahinga ko lang muna siya kasi alam niyo naman, medyo may edad na so dapat pahinga rin. Nagpaiwan naman si Manang Ludy sa mansion at si Heath kasi may conference siyang kailangang puntahan mamaya. Pero hahabol naman siya and that's a good thing. Ang hirap kayang i-babysit ni Vyke. Daig pa ang may ADHD sa sobrang energetic eh.
"Aray naman! Vyke, tigilan mo nga ako. Kuya oh, si Vyke kinagat ako..." sumbong ni Kyelus at humalakhak lang si Vyke
"Vyke, for the nth time, would you please behave? You're not a toddler anymore.." badtrip na saway naman ni Jarri kay Vyke
"I just wanna play..." sabat naman ni Vyke na like what was he told to do, ay nagpakabait na sabay kabit ng earphones sa magkabila niyang tenga
Tulog naman ang maganda kong fiancé sa tabi ko at yakap-yakap niya ang hiniram na unan kay Vyke na Barney pa ang design. Lately ay matakaw na sa tulog si babe kaya kahit na wala na kaming spg scenes ay hinahayaan ko na lang siya. Pagkapanganak niya ay makakabawi naman kami so okay lang. For now, kapakanan lang ni baby ang mas importante. :)
Napatingin ako sa mga kapatid ko at may kaniya-kaniya silang ginagawa. Si Jarri naglalaro yata ng games sa phone niya. Si Vyke na mabait na ngayon ay nakikinig na lang ng music. Si Duke naman parang may sinusulat kasi may notebook siya at ballpen. Si Kyelus nakatingin lang sa view na dinadaanan namin ngayon. At si Flint naman ay tulog at kasabay na humihilik si Mang Dante.
May kalayuan din ang binyahe namin pero after two hours ay nakarating na rin kami sa resthouse. Thrice a month lang ako nakakapunta dito kasi busy pero may caretaker namin kami na kinuha para mapangalagaan ang kagandahan nito.
Pagka-park ko ng sinakyan naming van ay sakto namang nagising si babe at sina Mang Dante at Flint. Agad namang lumabas ang iba ko pang mga kapatid at inalalayan pa ni Duke si Sophie. Almost two months pa lang ng pagbubuntis ni Sophie pero sobrang laki na ng tiyan na. Mga pang-apat na buwan na. Sobrang lusog yata ni baby boy o baka naman may nabuo ulit sa mga maiinit na mga gabing pinagsaluhan namin ni Sophie. Hahaha. Kidding.
"Good morning po,Sir! Buti naman po at sinama niyo na ang mga kapatid at asawa niyo..." bati ng caretaker na si Mang Fabio na dalawang dekada nang nagtatrabaho sa amin.
"Hello po, Kuya. Ang ganda naman po dito.." sabi ni babe at nakipag-kamay pa kay Mang Fabio
Parang na-star struck naman si Mang Fabio na alam kong sobrang nagandahan kay babe. Namula ang pisngi nito at hindi makatingin ng maayos kay babe. Naks naman, binatang-binata si Mang Fabs ah? Hahahaha. :)
"Vyke, huwag mo nga akong habulin!" narinig ko na namang sigaw ni Kyelus
Hinahabol siya ni Vyke kaya todo takbo naman ito. Ewan ko ba sa mga 'to, parang aso't pusa.
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...