/Chapter 142: Ang Paghaharap/

2.6K 37 3
                                    

A/N: Kung may mga bagay man tayo na matututunan sa buhay isa na 'dun ay ang acceptance. Pagtanggap na may mga bagay talaga na kahit anong gawin mo ay hindi mo maipipilit o dili kaya'y hindi mo maiiwasang mangyari. This chapter is all about ACCEPTANCE. Nawa'y hindi lang kayo magulat sa mangyayari kundi may mapulot din kayong aral. Andami ko nang sinasabi. HAHAHA.
------------------------------------------------------

Nyle

Hindi pa ako nakakapag-breakfast kasi parang busog pa talaga ako. Marami akong nakain sa 'mukbang' namin sa mansion at feeling ko talaga ay puno pa ang tiyan ko. Maaga akong umalis at nagbiyahe papuntang Cavite at kasa-kasama ko ngayon si Duke at Jarri. Kagabi kasi ay nakatanggap ako ng tawag mula sa private investigator na kinuha ko para hanapin ang pamilya ng tunay kong ina. Sabi niya ay alam niya na raw kung nasaan ang pamilya ni Damaris at binigay niya sa akin ang address nila. Ayokong pumunta mag-isa doon kaya sinama ko si Dukey at Jarri. Sakto din kasi wala silang work today so nagpasama na lang ako. I honestly don't know what I'm feeling right now, kesyo masaya ba o kinakabahan o natatakot. I really don't know! Basta ang gusto ko lang ay mabuo ang pagkatao ko at makilala ang nanay ko. I know she's in heaven now but maybe she had something left for me, marahil ay may iniwan siya sa mga kamag-anak niya para sa'kin. I hope meron nga. Hindi ko pa kasi natatanong si Dad tungkol kay Damaris kasi hanggang ngayon ay nagkukulong pa rin si Dad sa kwarto niya. Hindi na siya namin nakakausap nang matino and feeling nga namin may depression siya. We want to consult a therapist kaso ayaw ni Dad. Ang gusto niya raw ay mamatay na. Hays. Sana ako na lang ang nahihirapan at hindi siya. :(






"Bro, sure ka ba na pupunta tayo 'dun? Pwede ka pang mag-backout..." sabi ni Jarri at ilang metro pa lang kaming nakakalayo sa mansion






"Yeah, I'm so sure. Gusto ko tapusin na lahat ng 'to and find out more about Damaris..." sagot ko at napilitan akong ihinto ang sasakyan kasi naka- 'stop' sign




"Sabi nga sa quote na nabasa ko, "Do one thing that scares you everyday..". Atleast hindi na magiging paisipan pa 'yung about sa Mom mo and it's always a best choice to find out the truth..." sabi naman ni Duke at go sign na






"Pero minsan truth hurts din. What if may malaman siya about himself na sana hindi na lang niya nalaman?" sabi naman ni Jarri at narinig ko pa na may binuksan siyang chips. Pringles yata 'yun eh. Adik kasi sa Pringles ang taong 'to.





"Gaya ng ano? Ikaw talaga kung ano-ano na lang sinasabi mo..." sabi ni Duke kay Jarri at tahimik lang ako habang nagda-drive






"What if magkaroon ng major plot twist at malaman niya na kapatid niya pala si Sebastian Ferratti? O diba! Dapat pala ako ang naging writer at hindi ikaw eh..." nagyayabang na naman si Jarri. Ewan ko na lang. Lol







"Paano naman mangyayari 'yun, aber? That is one nonsense twist. Thank goodness you're not a writer or else it will be one boring story..." sabi ni Duke







"Syempre hindi naman mangyayari 'yun na magkapatid sila. Kakain ako ng tae if magkapatid sila..." sabi naman ni Jarri at ang daldal na niya













Ginutom kami sa biyahe at sakto namang may nadaanan kaming isang karinderya sa gilid ng daan kaya huminto muna kami para kumain. Libre daw ni Jarri kaya game kami. Madamot 'to eh at minsan lang manlibre kaya lubus-lubusin na namin.

Ayos naman 'yung place nila. May pa wall art and ang bango the moment you go inside. Mga silog ang specialty nila and brewed coffee.





"Hi po! Pili lang po kayo..." sabi ng parang waiter nila dito sabay abot ng menu sa amin




Panay ang pa-cute nito kay Duke kaya binulungan ko si Duke na humingi ng discount. Joke!



Cornsilog ang akin tapos tapsilog naman kina Duke at Jarri at kape syempre. Usap-usap lang kami habang hinihintay ang orders namin at sinabihan ako ni Duke na siya na raw ang magda-drive para makapag-pahinga ako.





"Duke, so kamusta si Drew?" tanong ko bigla at namula ang magkabila niyang tenga





"Oh shit. He's blushing!" medyo napalakas na naman ang boses ni Jarri kaya pinagtinginan kami





Nahawa na yata sa asawa niyang parang talkshow host. HAHAHA. Peace out, Cheska! :)






"Drew and I are taking it slow. She's very special for me..." sagot ni Duke at padabog na inilapag nung waiter na may crush kay Duke ang orders namin noong narinig niya ang sinabi ni Duke





"Ang hirap talagang magmahal sa panahon ngayon. Hindi mo alam yung mahal mo may mahal na palang iba..." sabi nung waiter na humugot pa






Pinipigilan ni Jarri tumawa at ang sarap niyang pakainin ng baso. Hahaha. Pati ako natatawa na tuloy.






"Magbabayad na lang kami later, Miss. Thank you..." sabi ni Duke kay ateng waiter





"Kahit huwag na. Hindi mo naman ako susuklian ng pagmamahal eh..." sabi ng waiter at umalis na




Nagtinginan na lang kaming tatlo sabay pigil ng tawa. Baka kasi magalit si ateng waiter kung makita niya kaming nagtatawanan eh.


------------------------------------------------------

Duke

Sumakit ang puwet ko sa sobrang haba ng biyahe namin but it's okay. Ilang minutes na lang ay makakarating na kami sa Cavite and Kuya Nyle looks nervous. I admire him though kasi kung ako ang nasa sitwasyon niya I don't know if gugustuhin ko pang kilalanin ang pinagmulan ko or know more about my Mom. Minsan kasi may magandang maidudulot ang katotohanan but at the same time may masama rin. I just hope that everything will turn out okay. My brother deserves the best. He deserves everything. :)



My phone keeps buzzing inside my pocket and I hope it's not Drew kundi patay ako. I forgot to tell her where I'm going so I bet she's freakin' mad now.




"Ang boring! Kanta kaya ako?" sabi ni Kuya Jarri





"No need. Play mo na lang mga songs ni Ed Sheeran diyan..." sabi naman ni Kuya Nyle






I'm the one driving so that explains why I'm silent. My eyes are all on the road. I turned on the stereo and Ed Sheeran started singing 'Perfect'. This reminds me of Drew, my Drew.





Biglang may tumawid na bata kaya napa-preno ako.





"What the hell!" narinig kong sumigaw si Kuya Jarri






"Bakit ka nag-preno ay wala ka namang masasagasaan ah?!" sabi naman ni Kuya Nyle






What?






"May batang tumawid..." sagot ko






"Bata? Walang bata, bro. I swear to God wala akong nakitang bata..." sabi ni Kuya Jarri at bigla akong nanlamig at naramdaman kong nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan


------------------------------------------------------

A/N: Abangan na lang po ang next chapter for the real exposé. Mwaaah! Happy 102K reads! :)

HAPPY BIRTHDAY CATHERINE SESBINO! xxx

11/9/18
6:45 PM.

The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon