/Chapter Fifty-Seven: HAPPY NEW YEAR!!!!/

5K 56 0
                                    

A/N: Bagong taon na naman sa kwento ko. Pero bakit hindi pa rin nagbabago ang feelings ko for Duke? Charot lang. Hi guys! Happy 2.76K reads! Dumadami na tayo ah. Thank you for the love! Muaaaah♥
------------------------------------------------------

Sophie




New Year na mamayang hating-gabi at hindi na magkanda-ugaga ang mga tao dito sa paghahanda. Sabi nga nila, it's the most wonderful time of the year daw.
Nasa kusina ako ngayon at kasama kong nagluluto ng mga menu namin for later si Manang Ludy at si bebe Kyelus. Hapon na at hindi pa rin nakakauwi si Nyle at Duke. Buti na lang talaga at nagkaayos na 'yung dalawa kasi kung hindi pa, iisipin kong baka inilibing na ng buhay ni Nyle ang kapatid niya. Hahahaha. Joke lang. Bumili kasi ng fireworks ang dalawa kasi nakalimutan naming mamili kahapon. Si Mommy Elaine at Daddy Taron naman ay pumunta muna sa bahay ng business partner nila kasi may pag-uusapan daw na mga bagay-bagay.





Ang lulutuin namin ay adobong baboy, ham, baklava, muffins, carbonara, friend chicken, roasted turkey, grilled chicken, baked and buttered oyster, chocolate cake na gagawin ni Kyelus, sushi, kimchi, bibimbap, at madami pang iba. Hahaha. Andami noh? Pero sure akong ubos ang mga 'yan mamaya. Sa takaw ba naman ni Flint.
Speaking of Flint, may iba sa kanila ni Lucy kanina. Para silang inlove sa isa't-isa. Hmmmm. Baka naman umamin na rin si Flint na may gusto din siya for Lucy? Tatanungin ko nga sila later.








Pumasok pa sa loob ang usok na mula sa nile-lechong baboy nina Heath at Flint. Ang gwapo ng mga taga-lechon namin noh? :)








"Ate, why did you leave Rave to Kuya Jarri? Baka mapano 'yun..." sabi ni Kyelus habang naghihiwa ng sibuyas








"For sure naman aalagaan niya ng mabuti si Rave. Takot lang 'nun kay Kuya Nyle mo noh.." sabi ko naman habang hinahanda na ang mga ingredients sa gagawin kong muffins








"We all know Kuya Jarri....
adventurous 'yun. Baka karate-hin 'nun si Rave kung manggigil siya..." tumawa pa si Kyelus kaya napangiti na lang kami ni Manang Ludy








Nasa kwarto lang nila ni Cheska si Jarri kaya iniwan ko na lang muna si Rave sa kanya. Ang himbing pa naman kasi ng tulog ni Cheska eh at wala naman kasing ibang magbabantay pa kay Rave. Buti sana kung nandito si Natalie kaso wala eh. Umuwi kasi siya sa kanila para 'dun mag-New Year. :)










"Rave! Here comes the train. Tsug! Tsug! Tsug! Tsug!..." bigla naming narinig ang boses ni Jarri from upstairs









"I told you, Ate. Si Kuya Jarri pa talaga ang pinagkatiwalaan mo ha.." sabi ni Kyelus at ngumiti pa










"Bigyan na lang natin ng chance si Sir Jarri. Magiging daddy na rin siya kaya hayaan na muna natin siyang mag-practice..." sabi naman ni Manang Ludy na nagbabati na ng itlog para sa cake na gagawin ni Kyelus









"Alright, Manang. Sana lang talaga huwag ma-injured si Rave..." sabi ulit ni Kyelus sabay ngisi

------------------------------------------------------

Nyle




Namimili kami ng bibilhin naming fireworks nang biglang may lumapit sa aming lalaki. He's not just some other guy kasi siya lang naman ang ex-boyfriend ni Sophie. Yep. Sa lahat ba naman ng lugar sa Pilipinas, sa Bulacan pa kami nagkita ni Sebastian Feratti. He gave me the look na para bang may atraso ako sa kanya.








The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon