/Chapter Ninety-Five: Pag-amin/

3.6K 54 0
                                    

A/N: Nasa point ako ngayon kung saan pinag-iisipan ko kung itutuloy ko pa ba ang pagsusulat ng story na ito. May times talaga na nawawalan tayo ng faith sa mga sarili natin. I questioned my skills as a writer at naisip ko pa na maybe...maybe hindi talaga para sa akin ang writing career na ito. Pft. I really want to give up this story pero something within me keeps on telling me na kaya ko at kakayanin ko. So...here I am now writing this chapter. Dapat talaga huwag panghinaan ng loob. Fighting lang!

Ps. Kaya natagalan ako bago nakapag-update ay dahil tingin ko hindi ako good enough. Hays. Sorry guys. Emote lang 'yun pero kicking ass na ako ngayon. Kausapin niyo ko. Leave a comment please?♥
------------------------------------------------------

Sophie

Nakarating na kami sa ospital at kanina pa ako kinakabahan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko and at the same time ay hindi na ako makapaghintay pa na makita si Wazi. I really thought that he's dead. Lubos akong nagulat nang malaman ko na isinugod siya sa ospital ngayon.


Kakapasok lang namin ni Nyle sa loob ng ospital at agad niyang hinawakan ang kamay ko.




"Babe, ang lamig ng kamay mo. Okay ka lang ba?" tanong ng asawa ko at mabilis naman akong tumango sa kanya




"Oo naman, Babe. Hindi lang talaga ako makapaniwala na buhay pala si Wazi..." sagot ko sa kanya at bigla niya akong niyakap





"Ssssssshhhhhh. Okay lang 'yan, Babe. Basta nandito lang ako sa tabi mo lagi. Sabihin mo lang kung kinakabahan ka para maibsan ko man lang 'yang nararamdaman mo..." sabi ni Nyle sabay kurot sa pisngi ko







"Sure. Let's go?" nagsimula na kaming maglakad papunta sa Room 12-A kung saan naroroon si Waz at Wafi




"Ready?" tanong ni Nyle at nasa labas na kami ngayon ng Room 12-A

Tumango ako as a response at kumatok na si Nyle sa pintuan. Mabilis naman itong bumukas at bumungad sa amin ang pagmumukha ni Wafi. He looks exhausted. Halatang pagod na pagod siya at namumutla pa nga.



"Hey guys. Tara...pasok kayo.." sabi ni Wafi at pinapasok na kami ni Nyle





Napatakip ako ng bibig sa gulat nang makita ko si Wazi na natutulog sa hospital bed. Namamaga ang mukha nito at tadtad ng mga pasa.





"Si Wazi nga. Oh gosh! Akala ko talaga patay na siya..." sabi ko at agad na hinawakan ni Wafi ang kamay ko





"I'm so sorry that I lied to you, Soph. I owe you an explanation pero hindi pa siguro ngayon. Kapag maayos na ang lagay ni Waz, I'll tell you the truth...." sabi ni Wafi at ngumiti ako sa kanya





"It's okay. Ang mas importante ngayon ay maging okay na si Wazi. Ano nga pala ang sabi ng doktor?" tanong ko






"Maraming dugo ang nawala kay Waz pero tinitignan pa nila kung kailangan ba ng blood transfusion o hindi na kailangan. He's stable now..." napayakap ako kay Wafi sa sovrang tuwa. Thank you Lord! Buti na lang at hindi malala ang nangyari sa kaibigan namin




"Soph, thank you for being here. Kailangan na kailangan talaga kita ngayon...." sabi ni Wafi na parang papaiyak na ang boses





"Nyle and I will always be here for you, Waf. Mahal na mahal ka namin..." sabi ko at si Nyle naman ang niyakap ni Wafi


"Bro, thank you..." sabi nito kay Nyle




"Anything for the people I love..." sabi ni Nyle at napatingin ako kay Wazi






Nakita ko mismo ang paggalaw ng isa niyang daliri at ang unti-unting pagbukas ng mga mata niya.




"Waf, tignan mo si Waz...." sabi ko at nakita naming tatlo ang pagmulat ni Wazi







"WHERE AM I?" agad niyang tanong at iginala ang paningin sa bawat sulok ng private room







"Wafi..........." tinawag pa ni Wazi si Wafi kaya agad na lumapit si Wafi sa kakambal niya




"Waz, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" tanong agad ni Wafi sa kakambal niya at ngumisi lang si Wazi






Napatingin siya sa direksyon namin ni Nyle kaya nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko at bigla na lang itong pumatak.





"Sophie...." ngumiti si Wazi sa akin at agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya







"Waz!!!!!! Namiss kita. Adik ka talaga. HUHUHUHUHU...."humagulogol ako ng iyak kaya tinawanan ako ni Wazi






"Ikaw nga talaga si Sophie. Iyakin ka pa rin...." sabi nito sabay gulo ng buhok ko








Tumingin si Wazi kay Nyle.


"Mr. Venereza, alam kong alam mo na ako 'yung nag-iwan ng mga bulaklak na pangpatay at ang nagpapadala ng death threats sa'yo. I just want to say sorry sa lahat ng ka-demonyohang nagawa ko...." tumango lang si Nyle at ngumiti kay Wazi






"Hindi ganun kadali kalimutan ang lahat but I forgive you. Would you mind telling me kung kanino ka nagtatrabaho? Sino ang boss mo? Si Sebastian Ferrati ba?" tanong ni Nyle at so far, kalmado naman siya at parang hindi naman mananapak





Tumingin muna si Wazi kay Wafi bago ako sagutin.






"Oo, tauhan ako ni Sebastian. Gusto ka niyang ipapatay para makuha niya daw ulit si Sophie. Obsess na obsess na siya kay Sophie ngayon. Kaya ako tumakas ay dahil kinokonsensya na ako at hindi ko kayang pagtaksilan ang kaibigan ko. Hindi ko pwedeng patayin ang taong mahal niya...." sabi ni Wazi at lumapit sa amin si Nyle






"Thanks for your honesty. Isinusumpa ko na mabubulok sa impyerno ang taong 'yun.." sabi ni Nyle at nakita ko ang pag-igting ng panga niya





"Maraming tauhan si Sebastian. Mag-iingat kayo lagi...." sabi pa ni Wazi at biglang natumba si Wafi








"WAFIIIIIIII!" napasigaw ako sa gulat at agad siyang tinulungan ni Nyle



------------------------------------------------------

Wafi

Nagising ako at nakahiga na ako sa hospital bed. Teka...ano nga bang nangyari kani-kanina lang? Ang tanging naaalala ko lang ay sobrang sama talaga nga pakiramdam ko kanina.



Iginala ko ang aking mga mata at nakita ko si Sophie at Nyle na nasa sulok. Pareho silang tulog at nakahiga sa lap ni Nyle si Sophie. May kung ano sa loob ng puso ko ang kumirot pero gayon pa man ay ngumiti ako dahil sa nakita ko. They really deserve each other. They look good and they are a perfect fit for one another. :)




Tama nga sila. Everything happens for a reason. Siguro kaya dahil nangyari sa akin ito ay dahil sa iba nakatadhana si Sophie. Hindi sa akin. Nakatadhana lang akong maging bestfriend niya. :)

------------------------------------------------------
A/N: Guys! May nabasa ba kayo sa Chap 93 o blank ang lumalabas sa inyo? Kainis naman kasi eh! Bakit ganun?

Anyways, sorry kasi ngayon lang ako nakapag-update. I'll do better. Love you all x

1/21/18
7:43 A.M

The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon