/Chapter Forty-Two: Pasko ala Venereza/

7.4K 69 3
                                    

A/N: July na july pa lang pero Christmas na sa story ko. Hahaha. Merry Christmas, Venerezas! Pwede si Duke at Kyelus na lang ang gift niyo sa'kin? Lol♡
------------------------------------------------------

Sophie




Ilang oras na lang ay Pasko na kaya abala ang mga tao sa loob ng villa sa paghahanda. Ngayon pa lang nagkakabit ng christmas decors si Vyke at Kyelus kasi laging tambay sa beach at nagpapa-tan. Si Manang Ludy naman at Mang Dante ay sweet na sweet sa kusina habang nagluluto ng handa namin para sa noche buena. Si Duke missing in action na naman kasi nagkukulong na naman sa kwarto niya at alam naming tinatapos niya ang novel niya. Si Heath at Natalie napagod yata sa exercise nila kanina kaya ayun tulog pa rin. Hahahaha. Ang ingay nila grabe. Tawa na nga lang kami ng tawa ni Nyle eh. Si Flint naman nag-aarrange ng mga gifts na ipamimigay namin sa mga empleyado ng resort mamaya. Kami naman ni baby gwapito Rave ay nakaupo lang habang pinapanuod silang lahat. Naka-barney na pajama siya na terno rin sa sando na suot niya. Naks. Ang sarap tulog kagatin ng baby namin. Nakakagigil. Lol.







Wala si Nyle sa loob ng villa kasi nagmi-meeting siya kasama ang mga empleyado ng resort para sa christmas party nila mamaya. Sa resort kasi nakagawian na namin na gawing iisa na lang ang christmas celebration dito para dito na rin makapag-celebrate ng pasko ang mga empleyadong malalayo sa kani-kanilang pamilya at pati na rin ang mga guests na naisipang pumunta at gumala dito. May pa-raffle din si Nyle every year at last year nga nanalo ng house and lot ang receptionist ng resort na si Beverley. This year ang nasa raffle at pwedeng mapanalunan ay iPhone 6s, laptop, grocery package, pangkabuhayan showcase, 10 sacks of rice, at ang bagong addition na isang motorcycle. Noong una ay nabigla ako sa mga pinamimigay ni Nyle. Sabi ko pa nga sa kanya baka naman maubos lahat ng pera niya pero sabi niya, it's his way daw of giving back and sharing his blessings. Kaya mahal na mahal siya ng mga tao eh. Lumaking mayaman pero may puso para sa mga taong kapos. That's one of those billion things that I like about my husband. :)








Papunta din pala sa resort ang mga parents ni Nyle na sina Daddy Taron at Mommy Elaine na kakagaling lang ng Bali at kasama nilang pupunta dito si Cheska at Jarri. Pinayagan na kasi si Cheska ng mga doctors niya na bumiyahe at mas okay nga kasi malungkot kaya kung dalawa lang sila ni Jarri na magpapasko sa mansion. :)
Sa February na pala manganganak si Cheska and we're all so excited to have a new baby in the family.♡








Biglang may kumatok sa pinto at dahil busy ang mga tao dito ay ako lang ang nakapansin. Si Elmer pala, isa sa mga janitors ng resort.









"Ma'am Sophie, magandang hapon po. Nagluto po kasi si nanay ng suman at dinamihan niya po talaga para po matikman niyo raw. Heto nga po at dinala ko talaga dito..." sabi ni Elmer at amoy pa lang ang sarap na ng suman










"Grabe talaga si Aling Cora. Pakisabi sa kanya na salamat ha. Uubusin talaga namin 'to.." sabi ko at dahil kandong ko si Rave ay si Elmer na ang naglatag ng suman sa center table









"Walang anuman po. Ang cute naman po ni baby Rave. Siguro po siya ang magiging future boss namin balang araw..." sabi niya at natawa ako 'dun









"Hahaha. Tignan na lang natin. Attend ka mamaya sa christmas party ha. Maraming papremyo sa bawat games. Parang gusto ko ngang sumali eh..." biro ko at natawa naman si Elmer








"Hahahaha. Baliw ho talaga kayo. Sige po at mauna na po muna ako. Marami pa kasi akong lilinisang cottage at rooms eh..." sabi niya at nag-wave pa sa'kin








The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon