A/N: Hi guys! Sana ay mapatawad niyo ako sa super delayed updates ko. Busy-busyhan lang talaga sa life pero hindi ko po kayo nakakalimutan. Thank you for reading, Penguins! Madamo nga salamat.♥
------------------------------------------------------Sophie
Napagod si Nyle kaya nakatulog siya. Hating-gabi na at medyo hindi pa ako inaantok kahit na napagod ako kanina. Tulog din si Rave kaya I grabbed the chance at pumuslit sa kusina for a cup of tea. Nakasuot lang ako ng robe at nakaupo lang sa isang stool habang kumakain ng biscuit at iniinom ang tea ko. Bukas pala pupunta ako sa THE TRENDS para kamustahin ang sales namin doon at pupunta din kami ni Nyle sa V Mall para kumuha ng bagong decors for New Year at bibili din siya ng fireworks. December 31 na kasi bukas at alam niyo naman ang ibig sabihin 'nun. Magbabagong taon na naman. Goodbye 2017 at hello 2018 na. I hope the upcoming year will be filled with so much love and blessings to our family. :)
Patuloy lang ako sa pagsubo ng biscuits when I heard the opening of the door. Tulog na naman ang mga tao dito at kung sino man ang kakarating lang ay posibleng isa sa mga kapatid ni Nyle or anyone in this mansion. Bawat isa kasi ay may susi in case na gabihin from work or from any errands. Tumayo ako para tignan kung sino ang kakarating lang at nakita ko si Duke. Nagulat siya nang nakita niya ako at kitang-kitang ko ang paglaki ng mga mata niya.
"So...phie? Bakit gising ka pa?" tanong niya agad sabay sara ng pinto
"Uhmm...I'm just having some tea. Bakit pala ngayon ka lang?" tanong ko at pareho kaming tumungo sa kusina
Kumuha siya ng tubig sa ref at ako naman balik sa pag-inom ng tea ko.
"I went out for a drive. Is Kuya Nyle already asleep?" tanong niya at pagkatapos 'nun ay ininom ang tubig niya
"Yep. Gusto mo ng tea? Pagtitimpla kita..." alok ko na mabilis namang tinanggihan ni Duke
"It's okay. I can manage. Just sit there and let me do it. Ayoko na ng dahil lang sa tea ay mag-away pa kami ni Kuya Nyle..." sabi ni Duke at natahimik na lang ako sa sinabi niya
For the past few weeks ay hindi na kami nagkaka-usap pa ni Duke. It's kinda sad knowing that we used to be super close before at minahal ko siya at minahal niya rin ako. It was right love at a wrong time though. I wonder kung alam niya ba na may gusto din ako sa kanya noon. It doesn't matter kung naibigay ni Georgia ang letter ko para kay Duke. May sarili na kaming buhay ngayon and I have Nyle and Rave with me. :)
"Bakit natahimik ka diyan? Wala ka namang kasalanan sa cold war namin ni Kuya ah. You may be the reason why mainit ang dugo niya sa'kin ngayon but believe me, I don't blame you for anything..." sabi ni Duke sabay upo sa tabi ko
"Thanks, Dukeyy. Thank you kasi iniintindi mo ang kuya mo. Alam mo namang baliw din 'yun minsan eh..." sabi ko at ngumiti lang si Duke
"Mahal ko naman si Kuya kahit na inaaway niya ako lagi. It just shows that mahal na mahal ka niya. No need to worry though, hindi naman kita aagawin eh..." sabi ni Duke sabay kindat sa akin
Pareho kaming tumawa and it just feels good to rekindle our friendship. I just missed having conversations with him and his presence in my life. Sana magtuluy-tuloy na 'to. Sana wala ng away at selosan pa. :)
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...