A/N: Ready na rin ba kayo? Is it a boy or a girl? :)
------------------------------------------------------Sophie
Kumatok ako ilang beses bago ako pagbuksan ni Duke. Topless siya at naka-boxers lang at may salamin na suot sa mga mata niya. Kung titignan ay parang wala naman siyang sakit kasi hindi naman siya namumutla or matamlay. I guess tama ang hinala ko na it has something to do with me. With us. Kung ano ang meron siya dati para sa akin.
"Duke, may sakit ka raw? Do you need any medicine? How about soup?" tanong ko agad kaso blangko lang ang mukha niya, walang kaemosyon-emosyon na para bang ayaw niya akong makita at maka-usap
"I'm fine..." matabang niyang sagot at isasara na niya sana ang pinto kaso nagkalakas ng loob na ako na magtanong ng bagay na ayaw at pinipigilan kong itanong sa kanya
"May problema ka ba sa'kin?!" medyo napataas ang boses ko kaya kahit siya ay nagulat din
Namilog ang mga mata niya. Akma na siyang sasagot kaso parang pinipigilan niya ang sarili niya.
"Tell me,Duke. Noong pinabigay ko ang letter kay Georgia kung saan nakasulat doon na mahal din kita kaso hindi pa ako ready. Anong ginawa mo? Wala diba? Kasi ang bilis mong naka-move on at ang bilis mong nakahanap ng iba..." sukmat ko at lalo pa siyang nagulat
"WHAT? Anong letter ang sinasabi mo? I didn't receive any letter.." sabi niya and boom nagkaalaman na. Taksil pala iyong si Georgia and it just turned out now na tama ang hinala ko dati na may gusto din siya kay Duke tsk tsk tsk
"Well, si Georgia na ang tanungin mo about 'dun. Basta ang masasabi ko lang ay mahal din kita dati kaso lumipas na eh at dumating si Seb at ngayon si Nyle. Masaya na ako Duke. Please naman maging masaya ka na rin at palayain mo na ang sarili mo sa sakit na 'yan. Hindi natin ginustong mangyari ito pero you deserve someone better than me. 'Yung taong mamahalin ka rin at magpapaligaya sa'yo. Unfortunately hindi ako 'yun..." sabi ko at parang ayaw makinig ni Duke sa mga sinabi ko kasi umiiling-iling lang siya
"Easy for you to say that,Sophie. I tried dating other girls kaso sa tuwing kasama ko sila all I could ever think is you--your smile, your jokes, the way you flip your hair, and the way you make me feel appreciated..." sabi niya na nagpipigil ng luha
"Mahal na mahal kita, Sophie. Alam kong hindi na pwede kasi ikakasal ka na kay Kuya at magkaka-baby na kayo kaso ayaw mawala eh. Ikaw at ikaw pa rin ang laman nito. I tried but I can't help but to love you more..." dagdag niya at hinawakan ang isa kong kamay
"Duke, mahal din kita pero bilang kaibigan na lang. Mahal na mahal ko si Nyle at alam kong nasasaktan ka sa tuwing makikita mo kaming masaya. But please move on not just for me but for yourself as well. Please..." sabi ko at may tumulo ng luha sa mata ko
"I will try, Sophie. I will. You and Kuya deserve each other at kahit alam kong masakit, pipilitin ko na lang na huwag masaktan. As long as makita kitang masaya ay masaya na rin ako..." sabi niya at niyakap ako ng kay higpit
"Thank you,Duke. Sorry din sa lahat ng ginawa ko sa'yo..." sambit ko at ginulo niya ang buhok ko
"It's okay. Basta stay happy lang..." sabi niya and from this very moment ay mas lalo akong humanga sa pagkatao ni Duke
"Ehemmm...So, okay na kayo?" nagulat kami ni Duke nang bigla naming nakita si Nyle kaya kumalas kami sa pagkakayakap ng isa't-isa
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...