/Chapter 100: Pagluluksa/

3.3K 44 1
                                    

A/N: Hi guys! So it's been a week na rin since my last update and I'd like to apologize since masyado akong naging busy kay life. I hope you all will understand. Mianhe~
-------------------------------------------------

Sophie

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala na wala na si Mommy Elaine. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay mahirap tanggapin ang katotohanan na hindi na siya namin makakasama pa o makikita araw-araw. Halos lahat kami ay umuwi na sa mansion maliban lang kina Heath at Flint na nagpaiwan para bantayan si Daddy Taron at para na rin asikasuhin ang burol ni Mommy Elaine. Walang nagsasalita habang pauwi kami ng bahay hanggang sa nakarating na kami dito. Nangingibabaw ang kalungkutan at madadama mo ito sa bawat isa sa amin at pati ang 'atmosphere' sa bahay ay punung-puno ng pagluluksa. Sabi nga ni Heath it was really a shock that we've haven't been prepared for. Kahapon lang nakita ko pa si Mommy sa garden tapos ngayon wala na siya.







"Mga anak, ano ang gusto niyong kainin para sa tanghalian natin?" tanong ni Manang Ludy sa lahat kaso wala ni isa ang kumibo at sumagot sa kanya







Hindi na nagtanong ulit si Manang at pumunta na lang ng kusina para makapagluto na siya. Nakita ko sa isang sulok si Vyke na hindi pa rin tumitigil sa pag-ibig at yakap-yakap siya ni Kyelus. Ganun din si Cheska at Jarri habang nasa terrace naman si Duke at alam kong umiiyak din siya. Hindi niya kasi pinapakita na umiiyak siya eh. Ayaw niyang nakadagdag pa sa sakit na nadarama ng mga kapatid niya. Ganyan siya simula noon pa man din. Si Zsolt naman ay umakyat sa taas kasi sumama daw ang tiyan kaya magbabanyo lang. Nakaakbay lang sa akin si Nyle at hindi niya man pinapakita na malungkot siya, alam na alam ko na durog na durog ang puso niya. Pareho din kasi sila ni Duke eh 'yun nga lang mas matatag si Nyle at palihim na umiiyak din.










"Babe, tahan na. Ayaw na ayaw ni Mommy na nalulungkot tayo. You heard that guys? Alam kong sobrang sakit ng nangyari pero we have to be strong for Dad. We now have an angel in heaven at kahit na hindi na natin makakasama si Mommy ay mananatili pa rin siya sa mga puso natin. She's in a better place now. I know she's happy and at peace...." sabi ni Nyle sa lahat kahit nakikita kong may namumuo ng mga luha sa gilid ng mga mata niya









"We only have Dad and we have to be stronger for him. I know Mom is here and she would say the same thing. It's hard to believe that she's gone but she will always be the best memory in our lives. Halika kayo dito..."dagdag pa ng asawa ko at lumapit sila papalapit sa amin ni Nyle and we all hugged each other. Isang malaking group hug.♥


------------------------------------------------------

Heath


Batay sa report ng mga police ay nabangga daw ng minamanehong sasakyan ni Dad ang isang poste matapos niyang iwasan ang isang sasakyan na para daw nangangarera sa sobrang bilis ng takbo nito. Sa takot ni Dad na baka mabangga sila ay siya na lang ang umiwas kaya naaksidente sila ni Mommy. Iniimbestigahan na raw nila kung sinadya ba ng driver ng sasakyan na 'yun na magdrive ng lampas sa speed limits at tinitignan na rin ang cctv footage para makuha ang plate number ng naturang sasakyan. I swear to God na kapag nalaman ko na sinadya talaga ng taong 'yun ang nangyari, ako mismo ang papatay sa kanya. I will have no mercy in killing him or her. Pasensyahan na lang kami.







Tinext ko kay Raine ang tungkol kay Mommy at mabilis siyang pumunta ng ospital. Nakasuot lang siya ng pajama at isang sobrang mulawag na t-shirt at naka tsinelas lang.









"Heath, I'm so sorry for your loss..."
agad niya akong niyakap nang makita niya ako







"Thanks for coming here. Kailangan na kailangan kita ngayon kasi hindi ko na alam ang gagawin ko..." sabi ko sa kanya and the right that I kissed her forehead









"I'm always here for you, Heath. I love you...." niyakap niya ako ulit so I hugged her tightly








"I love you too..." sabi ko rin sa kanya







Nakita kong lumabas ng hospital room ni Dad si Flint. Me and Raine both look at him.








"Si Dad...." sabi niya at bigla akong kinabahan


------------------------------------------------------

Nyle


Nasa kwarto na kami at pinatulog ko muna si Sophie kasi baka makasama pa sa baby namin kung hindi siya makapagpahinga ng maayos. Nakahiga ako sa tabi niya kasi medyo masakit din ang ulo ko at wala akong ganang kumilos ngayon. Sobrang bilis ng mga kaganapan. Sa isang iglap lang we lost someone so precious in our lives. Wala talagang sinasantong oras ang kamatayan. Kung oras mo oras mo na talaga. Death is the hardest one to deal.









I look at Sophie. She is my strength and my world. Sa kanya ako humuhugot ng lakas sa mga pagkakataong nawawalan na ako ng pag-asa. Sa mga pagkakataong lugmok ako at hindi ko na alam kung kaya ko pa. She's my energizer and the reason why I want to live longer. The reason why I am not giving up in my life yet. I will live for her and for everyone here who needs and loves me.

-----------------------------------------------------

Duke


Nasa library lang ako kasi ayaw na ayaw ko na nakikita nila akong umiiyak. Sobrang iyakin kong tao and losing Mom just crushed the hell out of me. Nakaupo lang ako at kaharap ko ang mga libro ni Kuya Nyle. These were his books noong nasa university pa siya. I tried to reminisce all those days noong magka-college na si Kuya at hindi niya alam kung anong course ang kukunin niya. Gusto ni Dad na mag-law school siya at gusto naman ni Mommy na mag-med school siya kaso ipinaglaban niya talaga na Business Administration ang gusto niya so that's what he studied in univ. Sobrang nalungkot si Mommy 'nun. Hindi niya kinausap si Kuya for almost a month.











May nakita akong isang sobre sa loob ng isang libro ni Kuya at dahil hindi naman ako nosy o pakialamero ay hindi ko siya pinansin 'nung una. Pero parang may kung ano sa loob ko na sinasabihan ako na kunin 'yung sobre at tignan ang nakasulat dito. Minsan totoo ang instincts ko kaya bahala na lang. I grabbed the envelope and opened it right after.








Binasa ko ang nakasulat at nasa last sentence na sana ako when someone touched my shoulder.








"Hindi ka dapat nangingialam ng mga bagay na hindi sa'yo, Duke..." it's Kuya Nyle at bigla niyang inagaw ang sulat kaso too late na kasi nabasa ko na ang dapat kong malaman at mabasa








"Bakit hindi mo 'to sinabi sa amin? Alam ba 'to ni Sophie?" and that's when I saw a tear fell from his eyes







This can't be.



------------------------------------------------------

A/N: Ano kaya ang laman ng sulat noh? Bakit kaya umiyak si Nyle? I hope it's not that serious. Hays. -__-

Anyways, Happy 39.6K, Penguins!
Salamat pa rin sa support and love♥

2/16/17
4:28 A.M








The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon