/Chapter Eighty-Nine: Walang Kaalam-Alam/

3.8K 56 0
                                    

A/N: Hi guys! Kamusta kayong lahat? Pwedeng pa-favor? Vote niyo naman ang every chapters ng TFG. Minsan kasi nakakapagod din mag-effort kapag hindi din ito masusuklian. Just saying lang po. Thank you. :)
------------------------------------------------------

Sophie



Sobrang dungis na ni Rave kaya papunta na kami sa kwarto ngayon kasi kailangan niyang magpalit. Si Jarri naman kasi bakit pa sinubuan ng cake itong si Rave 'yun tuloy nadumihan ang damit ng anak ko.







Pagpasok namin sa kwarto ay naabutan kong nakaupo sa sahig si Nyle, Wafi, at Duke. Nasa harapan nila ang laptop ni Nyle at namumugto ang mga mata nila.





"Babe?! Anong ginagawa mo dito?" napatayo bigla si Nyle at halatang nagulat siya nang makita ako






"Madungis na kasi si Rave kaya papalitan ko ang damit niya. Teka...bakit pala nandito kayong tatlo? Anong nangyari at bakit parang umiyak kayo?" tanong ko sa kanilang tatlo at tumayo naman habang nakangiti si Wafi








"Walang nangyari, Soph. Nanuod kasi kami ng movie. Alam mo 'yung Me Before You? Nakakaiyak diba?" sabi ni Wafi at halatang may hindi sinasabi 'tong mga 'to eh



Nanuod lang ng movie? Talaga? Bakit parehong sabog ang nguso niya at ni Nyle? Siguro nagka-engkwentro ang dalawang 'to. Hays.







"Movie lang talaga? Eh bakit may mga pasa kayo sa mukha?" usisa ko at sa puntong ito ay nagkatinginan na silang tatlo









Bingo! Nagsisinungaling ang mga 'to. Ano kaya ang tinatago nila sa akin?







"Ano kasi...nagkauntugan kami ni Wafi kaya ganito ang nangyari. Babe, huwag ka ng matanong pa. Bihisan mo na si Rave kasi kawawa naman ang anak natin..." sabi ni Nyle at nako nako nako! May araw din itong asawa ko sa'kin










"Okay. Let's go Rave..." sabi ko at pasimple silang sinulyapan habang naglalakad papunta sa closet ni Rave







May sinisenyas si Duke kay Nyle at halatang-halata talaga na merong hindi sinasabi ang mga 'to. Hmmmm. Kung ayaw nilang ipaalam sa akin edi ako na lang mismo ang mag-aalam kung ano ba 'yun.

------------------------------------------------------

Nyle




Sa mga titig pa lang ni Sophie sa amin alam na alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi naming rason. Bakit naman kasi ganun pa ang sinabi ni Wafi? Bakit 'yun pa talaga? Hays. Nahalata tuloy kami. Patay na!







Lumabas na kami ng kwarto at saktong nakasalubong namin si Kyle. Hinila niya si Wafi sa isang sulok at halatang galit na galit siya.







"Bakit hindi mo sinabi na buhay siya?" 'yan ang agad na narinig namin mula kay Kyle








"Bro, it's a long story. Saka ko na lang ipapaliwanag sa'yo. For now, pwede bang lumabas na lang muna tayo? Baka marinig ka pa ni Sophie eh..." sabi ni Wafi at madali namang napaki-usapan si Kyle







Bumalik na kami sa sala kung saan may pa-mini party at kumuha agad ako ng isang bote ng wine at nilaklak ito. Masyado akong na-stress sa nalaman ko kanina. I need to chill.








Lumabas muna ako ng mansion para magpahangin. Nasa bandang pintuan pa lang ako nang mapansin ko ang grupo ng mga lalaking naka-itim na suits na pilit na sumisilip at nakikimatyag sa kaganapan sa mansion. Nagkunwari lang ako na wala akong nakita kahit na nagkalat ang mga naka-black suit na lalaki na may mga tattoo pa sa mukha. May nakalagay na SF sa noo nila at mukha silang mga mamamatay tao.







The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon