/Chapter 112 (2): Brave Souls/

3.3K 38 0
                                    

A/N: Hi guys! Maybe you're wondering why bakit may part 2 ang Chap 112. Well ganito kasi 'yun...nagka-problema kasi sa revision ng chap kaya napilitan akong i-publish kahit maikli pa lang 'yun. Babawi ako dito promise. Pupunuuin ko ang mga puso niyo with so much feels and all. Charot. Enjoy! x
------------------------------------------------------
**Sophie

Sinamahan ako ni Duke sa paghahanap kay Nyle kasi kanina ko pa siya hindi makita-kita. Ang paalam niya kasi ay may titignan lang siya na mga files ng resort kaso until now ay hindi pa rin siya nakakabalik. Natatakot lang kasi ako sa mga posible niyang gawin ngayong alam ko na may sakit siya. Minsan kasi nadi-depress ang asawa ko kapag lugmok na lugmok na siya so he needs someone to really look after him and see how he is doing. That's why I'm here to be with him all throughout.



"Hays. Nasaan na kaya si Nyle?" tanong ko kay Duke at halos nalibot na namin lahat ng sulok ng resort



"Hindi ko nga rin alam eh. Nakakapagod nang maglakad. Soph, tara juice muna tayo..." sabi naman ni Duke at niyaya ako sa resto bar niya dito




"Sige na nga. Nauuhaw na rin ako at ang sakit na nitong mga paa ko eh..." I'm 7 months pregnant now by the way




"Yeah. Let's go..." inalalayan ako ni Duke at naglakad na kami papunta sa business niya



Taray ha. Writer na businessman pa. Iba talaga kapag Venereza. Hindi natutulog ang pera kasi kayod pa nang kayod. I hope Rave will be like his Dad and uncles.



Hindi naman kalayuan ang resto bar ni Duke and I don't mind walking at all kasi healthy nga ito eh. We're just a few meters away nang biglang naging weird ang mga kinikilos ni Duke. Namumula siya na hindi mapakali na ewan. Ang hirap ipaliwanag.






"Hoy. Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya habang hinihimas-himas ang bolang kristal este ang tiyan ko





"Ha? Ah....ehhhh..yeah. Sorry Soph ha. 'Yung kapatid kasi ni Dave na classmate natin 'nung grade school papalapit sa 'tin eh..." sabi ni Duke at pasimpleng itinuro ang babaeng sobrang sexy na nakasuot pa ng red na two piece.





Wow...smoking hot. Nahiya tuloy ako sa katawan ko. Hahaha. Biro lang.




"Ohhh. So...anong meron sa kanya at parang apple ka na sa sobrang pula mo ngayon ha?" natatawa na ako kay Duke. HAHAHAHA. Para siyang high school student ngayon




"Wala naman. May kung ano kasi sa kanya na parang kinukuryente ako eh. This is so weird..." sabi niya pa at buti na lang ay lumiko lang si girl kaya hindi kami nagkasalubong






"Omg! Dukey, maybe you're inlove!!!!" napatili ako at hindi ko maitago ang kasiyahan ko para kay Duke





Finallyyyyyy! This is it Dukey! Baka siya na talaga ang para sa'yo. :)



"Inlove? Haha. I don't know yet. Maybe I'm feeling something for her pero I'm so sure that it's not love. Iisang babae lang kaya ang minahal ko sa buong buhay ko..." tinignan niya ako matapos niyang sabihin iyon







Napalunok ako ng laway ng wala sa oras sa sinabi ni Duke. Alam ko naman kasi na ako ang tinutukoy niya eh. Hays. Ang awkward naman nito. Grabeeeee....





"Tignan ko nga sa Reception area kasi baka nanduon si Nyle. Wait lang Dukey ha..." sabi ko kay Duke para na rin makaiwas sa awkward scene ngayon






"Sige. Doon na lang muna ako sa resto bar. If hindi mo pa rin mahanap si Kuya balik ka na lang dito..." sabi naman ni Duke at tumango lang ako bago naglakad paalis



The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon