A/N: Time check: 12:07 A.M. So Good Morning na guys. Hahaha. Thank you nga pala sa magandang feedbacks na natatanggap ng story kong ito. It means a lot to me. Keep reading lang po and please vote for me as your president...este vote for my story pala. Shucks. HAHAHA.♥
-----------------------------------------------------Nyle
Only an hour left at dadating na sa VGC si Mr. Lagdameo. Magpapabili pa lang ako ng lunch kay Hank kasi malabo yata na makakauwi ako ngayon sa mansion. Kasama ko rin sa office si Duke and guess what...nagpapalibre pa ng pizza. Ako naman bilang butihinh kuya ay magpapabili ng pizza para sa ikasasaya ng mokong na 'to. Tatawagan ko na sana si Hank kaso biglang pumasok sa opisina ko si Sophie kasama si Cheska.
"Hi Babe! Surprise!!!!" pareho kaming nagulat ni Duke nung sumigaw siya
"Girl, 'yung boses mo abot EDSA ha..." sabi naman ni Cheska sa kanya
Agad akong tumayo at kinuha ang paper bag na dala-dala ng asawa ko. Ano na naman kaya ang laman ng mga ito?
"Babe, upo ka muna. Sana nagtext ka man lang na pupunta ka dito..." sabi ko sa asawa ko at tumayo naman si Duke and offered his seat to Cheska
"Babe, may surprise ba na pinapaalam? Ikaw talaga...hindi ka ba masaya na nandito kami? Ang sama mo!" tampo naman agad si misis. Hays ang cute niya talaga. Nakaka-inlove♥
"Hindi naman sa ganon. Ayoko lang kasi na nahihirapan ka. You should be resting at home kasi buntis ka..." sabi ko at wala na...nasira na ang mood ni Sophie
"Ewan ko sa'yo. Nag-effort na nga ako tapos hindi mo man lang na-appreciate..." sabi niya sabay pout na parang batang inagawan ng laruan
Natatawa na lang sina Cheska at Duke. Nilapitan ko si Sophie at inakbayan sabay kiss sa pisngi.
"Huwag na tampo baby ko. Alam mo namang mahal na mahal na mahal kita eh. Please bati na tayo. Please?" nag-babytalk ako kaya napa-smile siya
"Sige na nga. Kainis ka kasi eh..." hinampas pa ako sa balikat
"Buti naman at bati na kayo. Nyle, sinamahan ko na si Sophie kasi baka manganak habang papunta dito eh..." sabi ni Cheska at huli ko na narealize na matching pala ang suot nila ni Sophie
BFFs be like. HAHAHA.
"Oo nga. Sigurado ba kayong in three months pa ang due ni Sophie? Ang laki ng kasi ng tiyan eh. Parang sasabog na anytime..." sabi ni Duke kaya binato ko siya ng ballpen
"Pwede ba huwag niyong aawayin ang baby ko. Lablablab ko 'to eh..." sabi ko sabay kiss sa ulo ni Sophie
"Sobrang dami na ng langgam dito. Kanina pa nangangagat eh..." sabi ni Cheska at ngumiti si Sophie
"Mas sweet pa nga kayo ni Jarri eh..." sabi niya kay Ches at bigla namang nag-blush si Cheska
"Anebe...." at naging pabebe na magsalita HAHAHA
"Edi kayo na may mga lovelife. Change topic na tayo. Ano ba 'tong mga dala niyo?" tanong ni Duke sabay usisa sa mga nilalaman ng paper bag
Isa-isa niyang inilabas ang mga laman nito at biglang nangamoy ng masarap ang buong opisina ko.
"Wow. Mukhang masarap ah..." sabi ko at isa-isang binuksan ang mga food containers
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...