/Chapter Forty-Five: Back To The Mansion/

6.3K 63 0
                                    

A/N: Weekend na naman,guys! It only means one thing: UPDATE. Hihihi. Nawa'y hindi kayo magsawa kakabasa ng stories ko. :)

Ps. May isa akong kaibigan na sabi no taglish daw, neknek niyang mukha niya. HAHAHAHAHA
------------------------------------------------------

Sophie

Kung sa resort ay sobrang weird ng mga inaasta ni Nyle, sobrang sweet niya naman habang nasa loob kami ng van at nasa biyahe na pauwi ng mansion. Hindi ko lang alam kung may kasalanan ba siyang ginawa o baka naman may gagawin pa lang. He better not do anything kasi mapupugutan ko talaga siya ng ulo. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko ngayon habang kandong-kandong niya si Rave. Terno sila ng suot ngayon, red na polo shirt at kulay itim na shorts. Hahaha. Parang mga binata lang na ang cute.





"Babe, may feeding program pala kami sa Brgy. Maasin bukas. Do you want to come with me?" tanong sa akin ni Nyle while still playing with Rave, kinikiliti niya ito at ngumingiti naman ang anak namin





"I want to pero sino ang magbabantay kay Rave?" tanong ko naman at bigla namang nagsalita si Duke na nasa backseat nakaupo







"I can look after him, Kuya. And besides, marami naman kami sa mansion. You don't have to worry about your son.." sabi ni Duke at parang bingi naman na walang narinig si Nyle










"We can ask Manang Ludy to look after him. So, sasama ka na ba? It will be fun.Kasama ko si Hank and some of my employees.." sabi niya at tumango lang ako though I feel bad para kay Duke na nag-offer ng tulong







"Okay then. Count me in.." sabi ko at humikab si baby Rave







"Inaantok na ang baby namin. Get some sleep, handsome.." sabi ni Nyle kay Rave












The ride home is nothing but fun. May pasahan ng chips na naganap at may kanya-kanyang kwentuhan ang mga loveteams sa loob ng van--Manang Ludy at Mang Dante, Nyle at ako, at sina Heath at Natalie. Ang walang mga ka-loveteam na si Flint, Vyke, Kyelus, at Duke ay busy naman sa kanila-kanilang favorite online games. HAHAHAHA. Gurang na si Flint at Duke pero naglalaro pa rin, ang cute lang. :)






"Bro, so may booksigning ka bukas? Can I come with you?" narinig kong tanong ni Flint kay Duke





"Kung hindi ka busy, sure. Kailangan ko rin naman ng masasakyan. You could give me a lift..." sagot ni Duke








Oo nga pala. Bukas nga pala ang booksigning ni Duke sa isang mall. Ano kaya ang bago niyang libro? Tungkol kaya sa ano ito? For sure naman maganda 'yun. Duke is a great writer kaya no doubt papatok na naman 'yun sa masa. :)







Nakatulog si Nyle at Rave at ako nakatingin lang sa mga punong nadadaanan namin nang biglang nag-flashback ang isang memorya sa akin.













"Sophie, I wrote you a poem. I hope you like it..."





"Sophie, these poems are for you. Goodluck for finals..."











"Sophie, I saw these marigolds on my way here and I thought you might like these. Here, all for you..."









Bigla kong naalala ang mga panahon dati na binibigyan ako ni Duke ng mga poems at marigolds. Magkaibigan lang kami 'nung mga time na 'yun pero feeling ko nililigawan niya ako. I know this is a late confession pero ilang taon ko ring itinago sa kanya ang katotohanan na nagkagusto rin ako sa kanya. Pero nawala iyon nang makilala ko si Sebastian at ngayon na asawa ko na si Nyle. Nyle is my everything and I'd rather die than lose him.♡







The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon