/Chapter Sixty-One: Kalandian in the House/

5.5K 55 5
                                    

A/N: Excited ako sa mga lulutuin ni Nyle. Hahahaha. Masarap kaya ito? Kasing sarap ng ano niya? Djk.♥
------------------------------------------------------

Nyle


Maaga akong nagising para gawin ang task ko. Ang task na siyang tutulong sa akin para tuluyan akong mapatawad ng asawa ko. Hays. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at nagawa kong mag-joke ng ganun? Masakit pa rin ang pisngi ko na nakatanggap lang naman ng maraming sampal mula kay Sophie. Speaking of Sophie, tulog pa sila ni Rave nang lumabas ako sa kwarto namin and hmmmm.....time check! 5:30 A.M pa lang. Ayoko pa sanang bumangon kasi inaantok pa ako pero kailangan eh para maka-iskor na naman tayo kay kumander mamayang gabi. Lol.




Kasama ko si Manang Ludy ngayon sa kusina pero ayaw niya akong tulungan kasi sinabihan daw siya ni Sophie na pabayaan ako. -_______-





Ang ginawa ko kagabi ay magdamag akong nag-internet at tumingin-tingin ng mga recipe na madali lang lutuin pero tiyak na papatok sa mga empleyado ko. I came up with adobong manok, baked oysters, and fried tuna belly. Siguro naman ay sapat na 'to para mabusog ang mga 'yun. For dessert ay gagawa ako ng chocolate cupcake and mocha shake. Paano ko gagawin 'yun kahit na hindi naman ako cook o marunong magluto? Simple lang. Confidence at dasal-dasal lang. :)






"Manang, tandaan mo 'tong araw na 'to ah. Ngayon mo pinatunayan na mas mahal mo si Sophie kesa sa'kin..." sabi ko habang hinahanda ang mga gagamitin ko sa pagluluto






Ngumiti lang si Manang Ludy na nagluluto naman ng breakfast namin. Grabe talaga si Sophie! I swear....kapag ako nag-succeed sa gagawin ko, papatayin ko siya sa sakit at sarap sa kama namin mamaya. HAHAHAHAHAHAHAHA.





Nagsimula na akong magluto at sakto namang pumunta sa kitchen si Kyelus.






"Kye, patulong naman..." sabi ko habang nagcha-chop ng sibuyas






Mabilis siyang umiling na tila na-brief na rin ni Sophie na huwag akong tulungan. -___________-





"Sorry, Kuya. Kabilin-bilinan kasi ni Ate na pabayaan ka namin eh. Kaya mo na 'yan. Pray ka lang..." sabi ni Kye at malapit na akong mabwiset







"Ah ganun? Kahit bigyan kita ng 50 thousand ngayon? Ayaw mo pa rin ba?" tanong ko at alam kong kakagat na ang mokong na 'to





"It's okay. I don't need money naman eh. May savings ako, Kuya..." sabi niya at kumuha lang ng gatas at umalis na






Ah ganun? So pinagkaka-isahan ako ng mga tao dito? Akala yata nila hindi ko kayang gawin 'to. HUH! Pwes, makikita nila mamaya na kaya ko. Grrrrrrrrrr.......






Nagsimula na akong magluto at gabay ko ang mga recipes na nakita ko sa internet. Dedma na kung ayaw nila akong tulungan. I'm gonna cook these by my own. :)

------------------------------------------------------

Flint

Pumunta ako sa guestroom kung saan natutulog si Lucy dala-dala ang foodtray na may lamang mga pagkain for breakfast. It's been my daily regime na to serve Lucy her breakfast at way ko rin ito to make her feel my love. Hindi ako magsasawang pagsilbihan siya at ipadama sa kanya na siya at siya lang ang gusto kong babae.






I'm about to knock on the door when I heard her laughters.





"Ano ba! Huwag nga diyan kasi nakikiliti ako. Huwag nga sabi eh! Hahahahahahaha..." it's as if she's with somebody inside the room






The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon