/Chapter Ninety-Eight: Sweetness Overload/

3.7K 49 0
                                    

A/N: Tinatanong ako ng mga students ko kung bakit daw wala akong boyfriend. Sabi ko naman hinihintay ko pa kasi ang Duke Venereza ko. HAHAHA. Syempre dapat may standards tayo noh. Dapat piliin natin ang taong worth it para sa love natin. Syempre ilang beses mo siyang pinagdasal kay Lord kaya dapat 'dun ka sa deserve mo at deserving din sayo. :)
------------------------------------------------------

Sophie

Late na ako nagising kasi medyo napasarap ang tulog ko eh. Agad kong sinilip si Rave sa crib niya at wala na siya 'dun. Ang aga naman nagising ng mag-ama ko. Saan na naman kaya pumunta ang dalawang 'yun? It's now 9:30 A.M at suot-suot ang night gown ko ay lumabas ako ng kwarto para hanapin sila. Bumaba ako ng hagdan at pupunta sana sa garden, sa kitchen, or sa pool area, kaso nakita ko sila ni Rave sa sala. May nakakalat na rose petals sa sahig at nasa stroller niya lang si Rave habang si Nyle naman ay nagpi-play ng piano habang kumakanta ng 'Perfect' ni Ed Sheeran.





Naiyak tuloy ako. Ano ba kasing meron at may pa ganito-ganito pa? Kainis naman eh. HUHUHUHU.



"Darling, you look perfect today.."






Tumayo si Nyle at kinuha ang dalawang bouquet ng bulaklak sa gilid. Lumapit siya sa 'kin at pagkatapos ay lumuhod sa harapan ko.




"Mrs. Venereza, can I have this dance?" tanong niya at grabeeeeeee talaga




"Adik mo talaga, babe. Sige..." sabi ko and then we began dancing




Walang music pero sumasayaw lang kami ni Nyle. Nakayakap lang ako sa kanya habang touched na touched pa rin sa ginawa niya. Binuhat ni Nyle si Rave at pinasali sa amin.





"You're the most wonderful thing that ever happened to me, Babe. I love you so much..." sabi pa ni Nyle at nagnakaw pa ng halik






"Kakainis ka talaga. Ang aga-aga pinaiyak mo na 'ko. Pero I love you too, my Mr. Venereza..." sabat ko at niyakap niya kami ni Rave ng pagkahigpit-higpit

------------------------------------------------------

Kyelus

Nagulat kami sa nakita namin 'nung pumunta kami ni Zsolt sa sala. Wow naman. Hindi kinaya ng heart ko ang ka-sweetan ni Kuya Nyle. Halos mapunit na tuloy ang labi ni Ate Sophie sa kakangiti. :)






"Wow naman Kuya. Ang aga-aga pinapakilig mo na si Ate ha..." sabi ko kay Kuya Nyle pagkatapos nilang sumayaw ni Ate Sophie







"This is how you should treat your lady, guys..." sabi ni Kuya sa amin





"Sure. Roger that, Don Romantiko..." biro naman ni Zsolt kay Kuya





"Whatevs. Where's Vyke? Diba exams week niyo ngayon?" tanong ni Kuya






"Yep. Kaya nga wala pa si Vyke eh. Buong gabi po kasing hindi natulog dahil nag-aral..." sabi ni Zsolt at tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya









"Para daw kasi mapansin din siya ni Maddie..." sabi ko at nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Kuya







"Oh...okay. Pero dapat mag-aral siya para sa future niya at hindi para sa isang babae na hindi naman siya gusto...." ouch naman! Kung narinig 'to ni Vyke magwawala na naman 'yun






"Yeah. Tama ka Kuya. Ako nga hindi crush ng crush ko eh. Sa gwapo kong 'to..." ang hangin grabeeeeeeee. Feeler din 'tong si Zsolt eh. HAHAHAHA






The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon