A/N: Mabilis ang takbo ng panahon. Gaya ng kung paano ako na-fall sa'yo. Awts. HAHAHAHAHA. Hope you guys enjoy this one. Hi buong nation!♥
------------------------------------------------------Sophie
Pagkatapos kong pumunta sa VGC ay umuwi na agad ako. Matatagalan pa raw kasi si Nyle kaya maiinip lang daw ako kung hihintayin ko pa siya. Plus, I really need some sleep right now. Medyo kulang kasi eh at alam niyo namang dapat magpahinga kapag buntis. I'm a month and a half pregnant now at pwede na raw malaman ang gender ng baby sabi ng OB ko na si Dra.Palacios. Sobrang excited na ako to know if it is a boy or a girl. Habang pauwi kami ni Mang Dante ay pinatunog niya ang radio ng sasakyan dahil oras na raw para sa paborito niyang segment na Loko Moko Blee ni DJ Fluffy. Tama nga si Mang Dante. Nakakatawa nga 'yung DJ at sumakit ang tiyan ko katatawa. Biglang nag-commercial break at nagbabagang-balita naman ang umeksena.
Son of jewelry designer and hollywood actress Eliona Ferratti to donate relief goods for the victims of Typhoon Oseng in the Mindanao region. Sebastian Ferratti is also here for some business matters and he's hoping to see some of Philippine's tourist attractions.
This is Kate Cruz reporting for DYXZ.
Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ni Seb. Nasa Pilipinas siya? So may posibilidad kaya na sa kanya galing ang mga flowers? Tsk. Malabo naman yata 'yun. Hindi naman niya alam ang address ko eh.
"Ms.Sophie, okay lang po ba kayo? Kanina pa po kasi ako nagtatanong dito..." nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Mang Dante
Traffic pala kaya pansamantala kaming tumigil.
"Naku sorry po. May iniisip lang po ako. Ano nga ho ulit ang tinatanong niyo?" tanong ko agad at gumalaw na ang sasakyan namin
"Pupunta pa po ba tayo sa palengke? Kasi okay lang po kung ako na lang po ang mamili. Masyado po kasing maalinsangan doon at kay rami pang tao..." sabi ni Mang Dante habang papunta kami sa Talipapa Market
Iba kasi kapag sa palengke ka mamimili eh. Sariwa pa ang mga isda at pwede ka pang makahingi ng tawad. Kaso tama si Mang Dante eh, kung hindi lang ako buntis lulusubin ko ang palengke kaso baka pagalitan ako ni Nyle if malaman niyang ako ang namalengke eh.
"Sige po. Pasensya na po ah..." sabi ko kay Mang Dante na ngumiti lang
"Wala pong problema. Siyempre dapat todo-alaga kami sa'yo. Sige po, ako'y babalik din maya-maya..." sabi niya at pumasok na sa loob ng palengke
Pagkabalik ko ng mansion, nasa garden ang mga kapatid ni Nyle except lang kay Heath na may trabaho pa at kay Duke na hindi ko alam kung nasaan, at naglalaro sila ng frisbee. May pa-abs pa sina Flint at Jarri na naka-shorts lang at kumikintab-kintab pa ang six packs nila. Naka-braid naman ang buhok ni Vyke at si Kyelus naman ay nakakasilaw ang kaputian. Sila na grabe. Para lang akong nanunuod ng mall show ng mga celebrities dito. Dala-dala ni Mang Dante ang mga pinamili namin na ipinasok niya agad sa loob ng bahay at ako naman ay naiwan habang pinapanuod ang Venereza boys. Nakita ako ni Kyelus at nag-heart sign siya sa'kin sabay wink.
"Careful guys, nasa premises si Ate Sophie at Baby V. Baka matamaan..." sabi ni Kyelus sa mga kapatid at agad namang napatingin sa akin sina Flint at Jarri
"Hey Soph!" bati ni Jarri sabay punas ng pawis niya
"Hi guys! Tara sa loob. Gagawan ko kayo ng waffles..." sabi ko sa kanila kaya nagsi-tigil sila sa paglalaro
"Ate, can I help you? Gusto ko kasing matuto gumawa 'nun eh..." sabi sa'kin ni Kyelus at tumango naman agad ako
"Sure, why not coconut. Gagawa din ako ng sinigang at fried salmon with garlic and onion soup..." sabi ko at nagsi-pasok na sa mansion ang mga boys
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...