A/N: Kaka-publish ko lang kagabi and since may isang reader na nag-rereklamo na sobrang tagal ko daw mag-update eh eto na nga. Baka kasi hindi 'yun makautot if hindi ako mag-update eh. Peace out! Sadyang may kasamaan ding tinatago ang lola mo. HAHAHA.
------------------------------------------------------Nyle
We're finally here. Nasa labas na kami ng bahay nina Damaris at para na itong haunted house. I wonder kung may nakatira pa ba dito o wala na. Pero sabi naman ng private investigator ko dito sila naninirahan so I guess may tao pa dito. It's like those houses you see in movies na parang sinauna pa at parang may white lady sa loob. Lol. Pero don't judge the book by it's cover nga diba so malay natin sa labas lang pala nakakatakot.
"Bro, let's go? Para matapos na lahat ng 'to..." sabi ni Jarri sabay bukas ng pinto ng kotse at lumabas na
"I'll go out too..." sabi din ni Duke
Lumabas na rin ako and I honestly don't know what I'm feeling right now. Bakit parang ang bigat sa damdamin? Bakit feeling ko hindi na dapat ako pumunta dito? Hays.
"Let's ask that taho vendor..." sabi ni Duke sabay turo sa paparating na nagbebenta ng taho
"Hi Kuya. Pwede po magtanong?" tanong ni Duke sa lalaki
"Sige po..." sagot naman nito
"May nakatira pa po ba sa bahay na 'yan?"itinuro ni Duke ang bahay nina Damaris
"Opo, meron po. Mukha lang po yang haunted pero bigtime po ang mga nakatira diyan..." sabi ni kuyang magtataho
"Ah sige po. Salamat po!" sabi ni Duke at umalis na na 'yung taho vendor
"Bigtime pala ang mga kamag-anak mo, bro..." sabi ni Jarri at naglakad na kami papalapit sa gate
Saktong may doorbell kaya pinindot ko ito and after a few minutes ay may babaeng lumabas sa pinto. Naglakad siya patungo sa amin at parang fini-figure out niya kung sino kami.
"Yes? How can I help you?" tanong niya agad sa amin
I think she's in her 40s and she looks like Damaris so baka kapatid siya ng nanay ko. I don't know.
"We're here to look for Lucia Mondragon, the sister of Damaris. Is she around?" tanong ko sa kanya at parang natigilan siya 'nung tinignan niya ako
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa and it's kinda intimidating. She's like a human scanner or what.
"I'm Lucia Mondragon. May I know who you are?" Ohh. So siya pala ang kapatid ni Damaris? Tama nga ang hinala ko
"I'm Nyle Venereza..." nanlaki ang mga mata niya 'nung sinabi ko ang pangngalan ko
"Nyle?!" parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya
"Yep. I just found out that I'm Damaris' son. I'm here to know if it's true..." sabi ko at agad na binuksan ni Lucia ang gate at niyakap ako
"Thank goodness! Akala namin hindi ka na namin makikita..." sobrang higpit ng yakap niya na parang hindi na ako makahinga
Narealize niya siguro na ang sikip ng pagkakayakap niya kaya bumitaw na siya at kinurot na lang ako sa pisngi.
"Tara sa loob. Magugulat ang mga pinsan mo, hijo..." sabi niya pa at naglakad na kami papunta sa bahay
Sobrang lawak ng garden nila dito at may pa-fountain pa. Maraming sasakyan ang naka-park sa labas and may mini-playground pa. Ang pinagtataka ko lang ay mayaman sila pero ang itsura ng bahay ay parang nakakatakot na. Why didn't they even have it fixed or developed?
Nagulat kami 'nung pumasok kami sa loob ng bahay. Indeed, you shouldn't judge the book by it's cover. Sobrang ganda ng loob na makakalimutan mo kung gaano ka haunted ang labas nito. May maririnig kang nagpi-play ng piano at parang nasa hotel ka. Mas malaki pa rin ang mansion namin but this house looks 'magical'. I don't know. Lahat ng furnitures dito ay gold at mapapa-nganga ka na lang talaga.
"Holy shit bro! You're a billionaire's son..." sabi ni Jarri at napa-smile na lang si Lucia
"Si Damaris ang nag-design ng buong bahay and I am the one in charged of the interiors. Sayang nga eh kasi hindi na 'to nakita ng kapatid ko..." sabi ni Lucia at may lumapit sa amin na isang lalaki. Feeling ko ka-edad ko lang siya or he's younger by 2 years
"Mom, hindi mo naman sinabi na may mga bisita pala tayo dito..." sabi 'nung lalaki at nakipag-shakehands pa sa amin
"Strijd, he's your cousin. Siya ang anak ng Auntie Damaris mo..." sabi ni Lucia sabay turo sa akin
"Oh wow. Where have you been, dude? We've been looking for you for ages!" sabi pa nung Strijd sabay akbay sa akin
"Mom, my phone is broken again. Can I buy a new one?" nagulat ang isang teenager na babae 'nung nakita niya kami
"Sabine, come here. This is my daughter, Sabine. Sab, your cousin is finally here..." pinakilala ni Lucia ang isa niya pang anak at halatang nahihiya ito kasi naka-pambahay lang siya
"Hi Kuya! It's nice to have you back..." sabi nung Sabine na pasimple pang tumingin kay Duke
"Hi..." binati siya ni Duke at kinilig siya
"Join us for lunch..." yaya ni Lucia at hindi na kami tumanggi pa
------------------------------------------------------
Wafi
Panay ang sorry ni Illya sa amin ni Kyle kasi ngayon niya lang daw sinabi ang katotohanan. Hindi kami makapaniwala ni Kyle sa narinig namin but we already expected the worst. So this is why Gertrude is acting weird the past few months. Kakampi pala siya ni Sebastian Ferratti at siya pala ang mata ng demonyong 'yun para bantayan ang mga kilos ng mga Venereza. Kaya niya pala ginamit si Kyle kasi alam niyang may koneksyon kami kay Sophie at kay Nyle.
"Kaya ko nilayuan si Flint kasi ayokong pagtaksilan siya. We promised to be honest with each other kaso inuusig na ako ng konsensya ko. We may be back together now kaso kumukuha lang ako ng bwelo para sabihin 'to sa kanya...." sabi pa ni Illya
"Ills, don't feel bad. Mahirap talagang sabihin ang katotohanan pero you have to be strong, okay? Flint will understand you, believe me..." sabi naman ni Kyle sa kanya
Lastweek lang naghiwalay si Gertrude at Kyle kasi si Gert din ang tumapos. Sabi niya kasi ay pagod na daw siya pero ang totoo pala ay ginagamit niya lang ang pinsan ko. What the hell!
Wazi is no longer here kasi pumayag siyang bumalik sa rehab. Now, we're planning a move para wakasan ang kasamaan ng Sebastian na 'yan.
------------------------------------------------------
A/N: How's this chapter, guys?
How to pronounce Stridj?
(Easy peasy, "Stridge")11/10/18
10:26 AM.
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
Roman d'amourMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...