A/N: Hi guys! Daily na ho ako mag-uupdate since ayokong mawala kayo. Lol. Sorry sa mga times na on hiatus ako. Sadyang matanda na po kasi ang lola niyo kaya nabi-busy sa work lagi. Anyways, thank you sa patuloy na suporta ang I do hope that you'll enjoy the upcoming chapters and explosives. Love yah!
------------------------------------------------------Nyle
Nagdi-dinner kami ngayon kasama ang buong angkan, well maliban lang kay Daddy na pauwi na rin soon. Mamayang 11 PM pa kasi ang flight namin kaya marami pang oras. Nagluto si Manang Ludy ng shrimp rolls at sous chef niya si Kyelus na binibida ngayon ang niluto niyang tinolang manok at ginataas bangus. Masarap magluto si Kyelus kaya kahit na pabayaan mo siya sa kusina ay kayang-kaya niya ang sarili niya.
"Kuya, tikman mo 'tong ginataang bangus ko..." ayan na naman siya. HAHAHA. Sa pagkakatanda ko ay ilang beses na niya akong sinabihan na tikman ang niluto niya
"Fine. I'll just finish my rolls..." sabi ko at isinubo na ang natitirang shrimp rolls ko
Napansin kong parang malamya si Flint at hindi man lang ginagalaw ang pagkain niya. Nag-away kaya sila ni Illya? Super couple ang tawag ko sa kanila kasi super cool lang sila, walang away at parang barkada pa rin.
"Flint, okay ka lang?" tanong ko sa kanya kasi magkaharap lang naman kami
"Ha?" kita mo na hindi niya pa ako narinig
"I'm asking if you're okay. May sakit ka ba? Sabihin mo lang if medyo stressful 'yung trabaho mo sa laboratory kasi tutulungan ka namin..." sabi ko and somehow he managed to smile....fake smile nga lang. 'Yung tipong cover up lang paea kunwari masaya siya
"It's okay, Kuya. It's not about the lab or what, ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam si Illya eh..." sabi niya at parang may radar si Chelsea kasi narinig niya 'yung sinabi ni Flint kahit na nasa dulo siya nakaupo
"Halaaaaaaaaa?! Ano ba 'yan Flint! Bago pa lang kayo pero nanlalamig na siya? That's so sad..." sabi niya and I don't think nakatulong 'yung kay Flint ngayon
"Chels, maybe may reason naman si Illya. Let's just hope na maayos nila kung ano man 'yan..." sabi naman ni Sophie and yeah...that's my girl
Ganito kami dito. Chelsea is like the negative side at si Sophie naman ang ray of sunshine. Haha. I guess it's nice to have a balance of everything gaya 'nung kung paano namin ibina-balance ni Sophie ang parenthood time and sex time. Joke!
"Don't worry bro, you guys will be fine..." sabi naman ni Duke na hanggang ngayon ay binabantayan pa rin si Rave. The best uncle ever. Naks.
"Oo nga bro. If hindi mag-work edi maghanap ka na lang ng iba..." ang walang kwentang payo ni Jarri habang sinusubuan si Hoyle
"Hindi naman siya tulad mo Jars eh. I think Flint and Illya is meant for each other. Parang kami ni Raine. Right babe?" sabi ni Heath na nakuha pang sumeg-way at sabay kindat kay Raine
Kasama din pala namin si Raine Sarmiento since alam naman namin na malapit na ang kasalan ng mga 'to eh. Hahaha. Shy type si Raine kaya medyo nahihiya pang makipagkulitan sa amin.
"Raine, try mo 'tong foods na niluto ni Kyelus..." inalok ni Sophie si Raine ng ginataang bangus
"Thank you..." nahihiyang sabi ni Raine
Anak si Raine ng mayor namin dito and hanggang ngayon ay may mga body guards pa rin siyang kasama which is okay lang naman para sa amin. Raine is a nice person and she and Heath complement each other.
"Sophie, have a safe flight nga pala ah? May mga friends ako sa Boston and if you need some help you can contact them. I'll give you their numbers..." sabi ni Raine at napangiti naman ang asawa ko kasi first time na nagsalita ng mahaba si Raine
"Naku, thank you ah? Sasabihan kita if ever. Thank you..." sabi ni Sophie and she just winked at me
HAHAHAHAHA. She's the cutests. Damn. I'm so inlove with my wife.
------------------------------------------------------
Sophie
10:30 PM
NAIAHinatid na nila kami sa airport at si Duke at Heath na lang ang nandito ngayon. Nakita ko kanina na parang maiiyak na si Nyle 'nung niyakap siya ni Vyke, Kyelus, at Zsolt at sinabi siya ng get well soon and come back to us stronger. Pati nga ako parang iiyak na rin eh buti na lang at napigilan ko pa. I'll miss everyone at home. Nakapag-paalam na rin ako sa mga magulang ko at kay Vince as well as kina Wafi. May hinihintay lang kami and guess who are they?
Sasama ang mga pinsan ko! Yep. Sina Rigx, Sander, Diego, Rafa, at Blake a.k.a Sanchezo boys. Sagot ni Nyle ang plane ticket nila kasi he was the one who insisted na isama raw namin ang mga pinsan ko para may katulong ako. May bahay sila ni Nyle doon kaya doon kami titira for a while. May katiwala rin sila 'dun na kapatid lang din naman ni Manang Ludy. All set na kami at ang mga pinsan ko na lang ang kulang. Where are they na ba?
------------------------------------------------------
Rafael 'Rafa' Sanchezo
Airport na kami at hinahanap na lang namin sina Ate Sophie. Baam! There they are! Agad kaming nag-fistbumps kay Kuya Nyle. He's so cool. Kasundong-kasundo nga namin siya and he's perfect for Ate Sophie. Super saya namin noong sinabihan kami ni Ate Sophie na kung pwede ba kaming sumama sa kanila. Perfect timing din kasi hindi pa naman pasukan sa university namin since sembreak din namin for almost a month at okay din 'yun para may support system si Kuya Nyle as he gets better. We will be his cheerleader. Naks. Hayop! :)
"Ready na ba kayo guys?" tanong ni Kuya Nyle at tinatawag na ang flight namin
"Yes Kuya. Thank you po sa pagsama sa amin..." sabat ni Blake at agad siyang inakbayan ni Kuya Nyle
"No worries boys. Mahal ko kayo eh and I want to get closer to you guys..." sabi ni Kuya habang naglalakad na kami papunta sa plane namin
------------------------------------------------------
A/N: How did you find this chap guys? Ready na ba kayo to get to know the Sanchezo boys even more? More happenings to go!Thanks for reading. Lablablab.♥
9/8/18
6:18 PM.
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomansaMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...