A/N: Kay bilis ng takbo ng panahon ngayon noh? Next week na pasukan at kami naman ay review na for board exam. So I'll try my best to finish this up para happy tayong lahat. Hahaha.♥
------------------------------------------------------Nyle
Mabilis dumaan ang mga araw at hindi ko namalayan na July na pala. Third week of June pa umalis ang mga kapatid ko maliban lang kay Jarri na nagpa-iwan na sa Pilipinas for good. Of course, hindi naman niya pwedeng iwan si Cheska na halos dalawang buwan na ring buntis. Sa mansion sila nakatira ngayon at nadagdagan naman ang bestfriends ni Sophie kasi sobrang vibes sila ni Cheska. Kaya ang ingay lagi sa mansion eh. Ang lakas ng tawanan nila at pareho na rin silang mga hot mommas. Ngayong buwan pa kami makakalipad papuntang Canada kasi naantala ang bakasyon namin nang magka-problema sa NV Textiles. Bukas ng umaga ang flight namin at siyempre kasama sina Jarri at Cheska at si Manang Ludy at Mang Dante. Excited sina Manang kasi first time daw nilang makakapunta sa ibang bansa. Noong nakaraang araw pa nga nakapag-empake si Manang Ludy eh. Hahahaha. Ang cute lang. Susunod naman doon ang mga kapatid ko at si Mommy at Daddy. Libre ko lahat ng gastos kasi minsan lang naman kami magtipon-tipon. Tsaka walang panama ang pera sa mga good memories na mabubuo namin in every vacation. Seeing and making my loved ones happy is a fulfillment for me. :)
"Babe, sabihin mo lang sa'kin kung ano ang mga dadalhin mo ha kasi ako na ang mag-eempake for you..." Sophie is five months pregnant now kaya nakikita kong medyo nahihirapan na siyang gumalaw-galawa. Kahit ano pang gagawin niya ay todo-alalay ako kasi I don't want any thing bad to happen to her.
"Thanks,Babe. Hihiga na lang muna ako sa kama..." sabi niya then kissed me on my left cheek
Oh. We've also delayed our marriage and moved it two months from now. Na-diagnose kasi ang daddy ni Sophie with colon cancer stage 2 last June lang at kailangan pang magpagaling after his operation.
"Babe, alam mo bang gusto na rin ni Ches si Lee Min Ho? Ang gwapo daw kasi eh at ang lakas ng dating..." sabi bigla ni Sophie habang isa-isa kong tinutupi ang mga damit niya at isa-isa ring ipinapasok sa luggage niya
"Talaga? Buti naman babe at hindi mo pa pinakikilala sa kanya si Park Bogum. Baka maadik lalo eh..." Panunuod lang kasi ng kdrama ang pinagkakaabalahan ng mga buntis sa mansion kaya hala naadik na HAHAHAHAHAHA. Kaya mas naging close silang dalawa ni Cheska eh, pareho ng kpop fangirls.
"Oo nga eh. Sa susunod Uncontrollably Fond naman at Hwarang ang panunuorin namin.." sabi niya at napangiti na lang ako. Ang cute ni babe. Parang sweet sixteen lang kapag kinikilig sa mga kpop boyfriends niya
"Hahahahaha. Adik ka na talaga,babe. By the way, how's Tito Armand?" kinamusta ko ang Daddy ni Sophie at agad namang nag-shift ang facial expression niya from happy to sad
"He's...doing okay. Medyo matamlay lang raw sabi ni Mommy at wala raw ganang kumain. I'm worried about him, babe. Sana gumaling na si Dad.." sabi niya at agad ko siyang nilapitan at niyakap. Dama ko ang lungkot niya kahit na lagi niyang sinasabi na okay lang siya.
"We'll be praying for his recovery, babe. Andito lang ako for you. Always..." sabi ko sabay kiss sa noo niya
"Thanks,babe. I love you..." sabi ni Sophie at mas niyakap ko pa siya
"I love you more..." sabi ko sabay ngiti
------------------------------------------------------Sophie
Magkasama kaming nag-lunch nina Nyle, Jarri, at Cheska and as always ay niluto ni Manang Ludy ang paborito namin ni Cheska na steamed bali chicken.
"Soph, OMG! Nag-twitter ako kanina at engaged na raw si Lee Min Ho at Suzy?" biglang sabi ni Cheska at kumunot na naman ang noo ni Jarri sa kanya. Nagseselos kasi ito kay Lee Min Ho. Hahahaha. Kita niyo na, pati kpop pinagseselosan.
"Hon, kumain ka na nga lang. Baka mapano pa si baby kaka-kpop mo diyan eh..." saway sa kanya ni Jarri kaya napatahimik na lang siya
"Dude, gwapo naman si Lee Min Ho ah. Ayaw mo bang maging kamukha siya ng baby niyo?" Nang-aasar pa talaga si Nyle eh. Hahaha. Mas kumunot pa ang noo ni Jarri na parang mag-aalburuto na sa galit.
"NO! Just shut up, bro. Isa ka din eh.." supladong usal ni Jarri sa kapatid niya
Hahahaha. Tinawanan lang namin siya kasi parang nawalan siya ng ganang kumain.
"Hon, don't be mad na please. Idol ko lang naman siya eh at ikaw naman ang love ko..." Naks. Nilambing siya ni Cheska at parang umepekto naman kasi ngumiti ng slight si Jarri
"At mas gwapo ka, Jarri. Kung maliligo ka ng isang bilyong beses..." HAHAHAHAHA. Adik 'tong si Nyle.
"Fuck you, bro.." binelatan lang ni Nyle si Jarri. Ang cute nilang tignan! Parang mga bata lang. Lol
Maaga akong ginising ni Nyle kasi 7:30 A.M ang flight namin. Nagsi-ayos na kami at nang matapos ay isa-isa nang sumakay ng sasakyan papuntang NAIA. Ang kapatid kong si Vince muna ang tatao sa mansion para makasigurado kaming safe lahat. Three weeks din kami doon kaya mas mabuti ng kakilala mo ang magbabantay ng bahay niyo. Wala namang gagawin si Vince eh since interior designer naman siya at wala pa naman siyang clients. Love you Vinsoy!♥
Pagdating namin ng airport ay nag-antay muna kami for almost thirty-minutes kasi delayed na naman ang mga flights.
"Guys, let's go. Flight na natin yun..." inalalayan ako ni Nyle at ganun din si Jarri kay Cheska
Winnipeg, here we come!♥
------------------------------------------------------Hey guys! Natapos ko ang chapter na ito kasi nagising ako bigla sa sobrang intense ng panaginip ko. Keep safe guys and keep reading this baby! Marami pang kapana-panabik na eksena♥
Vote. Comment. Marry A Venereza.♡
Ps. GAME 4, GO WARRIORS!
6/8/10
4:40 A.M
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...