/Chapter 137: Mysterious Call #2/

2.4K 43 0
                                    

A/N: Hi guys! Mambubulabog na naman ang lola niyo. Hihihi. Ita-try kong mag-update every other day ha? Alam kong napapagod din kasi kayong maghintay eh but still thank you for reading my story. Happy 290 followers and sana dumami pa tayo. Fighting Penguinsssssss! :)
------------------------------------------------------

Nyle


Habang nagkakasiyahan kaming magkaka-pamilya ay biglang tumunog ang phone ko. It's the same number again na tumawag din sa akin noong nasa Boston pa kami. Hindi ako pwedeng magkamali. I'm not poor with digits or numbers and I'm pretty sure this is it. Lumabas muna ako papunta sa pool area bago ko ito sinagot. Ang ingay kasi sa loob kasi ang daming tao and the music is so loud.




"Hello?" bungad ko with the expectation na baka this time ay may marinig na akong boses sa kabilang linya








"Hello?" ikalawang beses kong sabi







"Hey. Whoever you are, please stop calling me. You're not funny anymore. Call me again and I'll get your number tracked..." babala ko sa kanya and after I said that call ended na







Natakot yata sa sinabi ko. Syempre sino ba namang matino ang tatawag tapos di magsasalita diba? I don't like this kind of games. Nakakatakot siya and at the same time nakakapraning. What if kriminal 'yun? Geez. Huwag naman sana.






"Dude, okay ka lang?" napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Wafi





"Yep. May tumawag kasi sa 'kin eh and ang weird lang kasi sa tuwing tatawag siya sa'kin hindi naman siya nagsasalita..." sabi ko kay Wafi










"Nakakatakot nga 'yan, bro. Gusto mo ipa-track natin ang number? Magpatulong tayo sa NBI..." sabi pa ni Wafi sabay akbay sa akin




"Actually, matagal ko nang gustong gawin 'yan kaso wala pa akong time eh" ani ko








"Aksyunan na natin bro para mahuli agad kung sino man 'yan. Safety ng family mo ang nakasalalay dito and we can't just sit here and keep on guessing who the prick is that..." tama nga rin naman si Wafi







"Yeah, you're right. Bro, can you do me a favor? Pwede bang sa atin lang muna ito?" sabi ko sa kanya ay mabilis naman siyang tumango







"Sure bro. Walang problema. Tara balik na tayo sa loob. Let's just enjoy for a while and bawal kang uminom ah..." pinaalalahan pa ako ni Dr. Wafi Deloscovo. :)








Habang naglalakad kami pabalik sa loob ng mansion ay marami ng hinala ang pumapasok sa isipan ko. Could it be Sebastian Ferrati or is it Damaris?








Yes, alam ko na ang tungkol sa tunay kong ina. Paano ko nalaman? It was during that time na may hinanap akong document sa closet ni Dad. Nobody was at home then and I found a little box which contains all the reality about me. Syempre nagulat din ako at first and when I found out about my real Mom, I hired a private investigator to find out if she's still alive. And the truth is.......nevermind. I don't wanna talk about it yet.















"There you are! Guys, kanta kayong dalawa ha..." hinila kami ni Illya sa gitna at inabutan ng dalawang microphone






Okay na pala si Illya at Flint since last month pa. Buti naman kasi kinikilig ako sa kanilang mag-jowa eh. HAHAHAHA. Pero seriously, Im glad that they are okay now.







No choice kami ni Wafi kaya nag-duet na lang kami ng Ulan ng Aegis. Lol. Lakas maka-throwback, diba?








Pagkatapos naming kumanta ay hinanap ko agad si Sophie at ang mga anak ko. Kandong-kandong ni Duke si Rave at si Drew naman ang may hawak kay Kael.






"Aheeeemmm. Baka isang araw magulat na lang kami na magkaka-baby na kayo ah. Bagay na bagay na kasi kayo eh. Parang pro na talaga..." ngumiti lang sila pareho and Duke just motioned me to shut my mouth up. Lol. Fine, tatahimik na nga.







Siya pa rin pala ang acting CEO ng VGC kasi on leave pa ako. I don't know when I will be okay to work again pero I'm at ease that the company is in very good hands. Mas tumaas pa ang net worth ng company namin by, if I'm not mistaken, 25%.

------------------------------------------------------

A/N: Happy 96,900 reads and 293 followers, guys! Nakakaiyak na ang support you but still thank youuuu! I love you all. Mwaaaah~

Ps. Marami pang ganap.

10/21/18
1:42 A.M

The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon