/Chapter Seventy-Nine: Mama and Dada/

4.2K 46 2
                                    

A/N: Naks naman! So magka-tandem na si Sophie at Duke para malaman ang katotohanan?♥
------------------------------------------------------

Sophie

Hinatid kami ni Mang Dante sa The Trends kung saan mamimili daw si Mommy Elaine at Mommy Lucia. Pagpasok namin ay agad akong binati ng mga salesladies namin dito at nakita ko ang business partner kong si Georgina na inaayos ang isang rack ng mga branded clothes.






"Hi Soph! Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kayo. Hi Tita Lucia! Long time no see..." bumeso si Georgina kay Mommy and it's been a decade already mula noong huling silang nagkita





I wonder if Mom could still recognize her.





"Hello Georgina! Look at you...mas lalo ka pang gumanda ha..." Bingo! So hindi pa pala makakalimutin ang nanay ko




"You look dashing too, Tita! Pili lang po kayo dito kasi si Sophie na ang magbabayad ng mga bibilhin niyo.." sabi niya sabay kindat sa akin





"Girl, mas marami pa ang pera ni Mommy sa 'kin. Back to business na ang company namin eh..." sabi ko and it's all true






Sa tulong ng mga kapatid ni Daddy ay muling nakapagpatayo ng company si Dad. It's now called Sanchezo Group of Companies a.k.a SGC kung saan si Dad ang CEO. Kanina nga lang ay napag-usapan ni Daddy Ed at Daddy Taron na what if ay magsanib-pwersa na lang daw ang VGC at SGC. A merger. Hindi ko pa alam kung magaganap ba 'yun. :)





Umikot-ikot na si Mommy Elaine kasama si Cheska na kandong pa rin si Hoyle. Hands-on mommies kasi kami eh. We just want to make sure na okay ang mga anak namin. Speaking of anak, behave lang si Rave ngayon habang pumipili ako ng mga damit niya at ni Nyle.



"Sophie, okay lang ba talaga si Nyle? May pinagtalunan ba kayo?" out of the blue ay biglang napatanong si Mommy Lucia






"Okay lang po kami. Baka may iba lang siyang iniisip..." sagot ko and she just looked at me, surveying my expression





"You're lying. Anak kita at nanggaling ka sa 'kin kaya alam ko na may hindi ka sinasabi sa'kin. Come on..spill it to me..." sabi niya pa at biglang tumingin sa akin si Rave





Nafi-feel din yata ng anak ko na hindi kami okay ng Daddy niya.
Hays. -_______-




"Sophie dear, sabihin mo sa'kin. Okay ka lang ba?" tanong ni Mum sabay ayos ng damit ni Rave. Medyo tumaas kasi 'yung polo shirt ni Rave kaya ibinaba niya






"Mom, baka po kasi may anak sa iba si Nyle. We'll try to find out if it's true..." sabi ko at niyakap niya kami ni Rave






"Anak, nanggaling na ako sa point na 'yan. Don't worry...maaayos at magiging klaro din ang lahat..." sabi ni Mom nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin






"Paano kung meron nga siyang anak sa iba?" I trust Nyle pero hindi mo rin kasi maiiwasan na kabahan eh





"Hush. Tumahimik ka na at huwag mo ng isipin 'yan. Walang anak sa iba si Nyle. Alam ko na mahal na mahal ka niya..." sabi niya and somehow I felt relieved





"Thanks Mom. I love you..." ngumiti si Mommy at kinurot ako sa pisngi





"I love you too, dear..." sagot ni Mommy at niyakap akong muli

------------------------------------------------------

Nyle

Nasa office lang ako at wala akong ganang kumain. Tinitignan ko kasi sa facebook ang mga picture ni Nikola at ng anak niya. Her son is 11 years old so it means 19 years old siya nang mabuntis. Noong 19 si Nikola ay kami pa kaya mas lalo akong kinabahan kasi baka sa akin nga 'yung bata. Pero the kid doesn't look like me at all. As in malayo talaga ang itsura niya sa 'kin.






The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon