A/N: Namiss niyo ba ang POV ni Sophie? Tulog lang kasi ng tulog eh. Ginising ko na so eto na. HAHAHAHA. :)
------------------------------------------------------Sophie
Pagkatapos ng kantahan ay nauna na akong natulog. Pasado alas-dos na kasi ng umaga at inantok na naman ulit ako. Inalalayan naman ako ni Nyle papunta sa kwarto namin at bago siya umalis ay kinumutan niya muna ako. Ang sarap niyang titigan kasi naka-boxers lang siya at bakat na bakat ang ano niya. Hahahaha. Kung hindi lang ako inaantok ay baka na-romansa ko na 'to. Awts. Lol.
"Sleep well,Babe. Matutulog na rin ako maya-maya. Goodnight. I love you.." sabi niya at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kwarto namin
"Goodnight.." sagot ko at isinara na ang mga mata ko
Tanghali na ako nagising kasi sobrang himbing at sarap ng tulog ko. May laway pa nga eh. Ang baho ko tuloy. Hahaha. Wala na si Nyle sa tabi ko kasi early riser 'yun eh. Iginala ko ang aking mga mata sa bawat sulok ng kwarto namin at may nakita akong isang foodtray na may pancakes, squash shake, at may strawberries pa and cherries. Yum! Ang sarap grabe. Ang sweet ah. Breakfast in bed. Kinilig tuloy ako like dugs dugs dugs my heart. HAHAHAHA♥
"Glad you liked it. Nagpatulong pa ako kay Manang Ludy para gawin 'yang mga 'yan..." nakita ko si Nyle na nakatayo sa may bandang pinto at all-out ang ngiti
"Thanks,Babe. A for effort ka sa'kin.." sabi ko at naglakad na siya papalapit sa akin
"I would do anything for you. Kung gusto mo nga hulihin ko lahat ng bituin eh.." Sus. Ang yabang nito. Hahahaha. Pero kilig aketch.
"Hahaha. Ang ibigin mo lang ako ay sapat na.." sabi ko then he planted a quick kiss on my lips
"Hahahaha. Baka langgamin na tayo dito. You go eat,Babe. Ayokong nagugutom ka at si baby..." sabi ni Nyle na sinubuan pa ako ng pancake
Kahit medyo maasim ang pancake ay kinain ko na lang. It's the effort that matters naman diba? Pinaghirapan 'to ng lalaking mahal ko kaya kakainin ko. Ansabe? :)
Pagkatapos kong kumain ay nagtimpla pa si Nyle ng gatas para inumin ko. Mula sa kwarto ay dinig na dinig ko pa ang sigawan ni Vyke at Kyelus na alam kong nagbabangayan na naman.
"Is Natalie coming over?" tanong ni Nyle and he's talking about my super bestfriend
"Yep. Para makapag-plano na rin tayo for our wedding..." sabi ko at pagkatapos ay sumubo ng cherry
Sa July na ang kasal namin so that means two months from now na. We do lack some preparations pero hindi naman namin gusto ng sobrang garbong kasal at okay na kami basta andiyan ang mga taong mahalaga sa amin. I've known Natalie since high school days at magkaklase kami noon sa Ateneo. Since then ay sobrang naging close kami so we eventually became best of friends. She is a wedding planner at gaya nina Heath at Flint ay bokya din sa lovelife. That's why I'm planning to set her up between those two kasi baka magkagustuhan pa. :)
------------------------------------------------------Heath
Nasa veranda lang ako at may binabasang article about animals when the doorbell rang. It seems na walang nakarinig so ako na lang mismo ang nagbukas ng gate since malapit naman ako.
"Hi! I'm Natalie. Is Sophie here?" Oh my holy guacamole. Napanganga ako sa gulat because it's her. Ka-face to face ko si Mystery Girl na ilang araw ko nang iniisip. Am I dreaming? Oh no, this can't be true.
Sinampal-sampal ko ang magkabila kong pisngi kasi baka nananaginip lang ako ng gising.
"Are you okay? Pwede bang makapasok? Ang init kasi eh..." So totoo nga siya. Totoong siya nga ito. She seems bothered sa inaakto ko ngayon and I know that she's thinking I'm a moron.
"Oh...Ah...I'm sorry. Come in. Si Sophie ang hinahanap mo diba? You need anything from her?" pumasok kami sa resthouse at pinaupo ko muna siya sa sala
"Uhm..yeah. I'm her bestfriend and she knows that I'll be coming over.." sagot niya and gosh, ang ganda ng mata niya. Dyosa ba siya?
"Ahh..you want anything? Tea, juice, name it.." ang yabang ko. Hahaha. What if she'll say she wanna drink milk shake? Paniguradong wala kami 'nun.
"I'm okay. Where's Sophie? We'll gonna plan their wedding eh. I haven't meet Nyle yet so I'm excited to see him.." sakto namang bumaba ng hagdan si Sophie at. Kuya Nyle at agad na tumakbo si Natalie at niyakap si Sophie
"Sophsoph! I miss youuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu..." sobrang higpit ng yakap ni Natalie kay Sophie kaya pati si Nyle ay napatikhim na lang
"I miss you too,Natnat. By the way, this is my fiancé Nyle and his brother Dr.Heath.."pakilala ni Sophie sa amin ni Kuya Nyle
at kumaway lang ako kay Natalie na as if ay hindi kami nagkita mamaya"Hi Natalie. It's so good to have you here. Nice to meet you.." sabi ni Nyle sabay alalay kay Sophie na pinaupo niya
"Ang gwapo niyong magkakapatid. For sure gwapo din si baby.." feeling ko lumapad ang tenga ko sa narinig ko. Gwapo raw ako? Sus. Maliit na bagay. HAHAHAHAHA. :)
"So, shall we start planning?" and that's my cue to leave. Ano naman ang gagawin ko dito?
Bumalik na ako sa veranda to finish what I'm doing earlier. Napatingin muli ako sa kinaroroonan nina Sophie and I was shocked too meet the eyes of Natalie. She smiled at me so I waved at her.
By the way she looks malabong wala siyang boyfriend. So hopia mani popcorn na naman ako. Tss. Asa pa Heath! Asa pa!
------------------------------------------------------Short chapter but I love what I wrote in here. Keep reading guys!
Vote. Comment. Marry A Character. :)
Ps. Pray for Marawi
Pray for the victims of Resorts World Manila6/2/17
7:53 P.M
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...