A/N: Hey guys. Kamusta gising niyo? I hope you will like this chapter and please tell me how you feel about it. I accept constructive criticisms naman eh. VOTE!
------------------------------------------------------Sophie
Buti na lang at walang masamang nangyari sa amin ni baby. Akala ko kasi mamamatay na kami dahil sobrang sakit talaga ng tiyan ko kanina. Thank you talaga Lord! Huhuhu. So ngayon, pauwi na kami ni Nyle at kasama namin si Vince kasi sa mansyon daw siya matutulog. Kumalma na sina Mommy at Daddy at hindi na sila galit or what kay Nyle.
"Thank goodness you're okay. Muntik nang awayin ni Dad si Nyle kanina eh..." sabi ni Vince
"Oo nga eh. Nagulat nga ako kanina babe. Pati ako sobrang kinabahan din sa'yo eh. Buti na lang talaga at okay ka na..." sabi naman ni Nyle habang nagda-drive siya
"Lesson learned na Nyle ha. Huwag mo masyadong galitin si Sophie. Teka, ano pala nangyari sa mukha mo? Sana pinagamot mo na rin 'yan kanina..." sabi ni Vince kay Nyle at chill lang ako na nakaupo at nakikinig sa kanila
"Okay lang naman ako, bro. Malayo 'to sa bituka noh and besides mas importante si Sophie kaysa sa 'kin..."sabi ng asawa ko at napangiti ako sa sinabi niya
Alam na alam niya talaga kung paano ako pakikiligin.♥
"Naks. Edi kayo na may forever..." sabi ng kapatid ko at tumawa kami pareho ni Nyle
"Hindi lang forever kundi eternity pa..." dagdag pa ni Nyle
Malapit na kami sa mansyon kaso biglang huminto ang sasakyan at iginilid ito ni Nyle.
"What's wrong?" tanong ko sabay hawak sa tiyan ko
"Everything's okay, babe. Bibili lang ako ng taho. Vince, gusto mo?" sabi ni Nyle sabay tanong kay Vince na mabilis namang tumango
"Okay. Wait lang ha. Bibili lang ako..." sabi ni Nyle at bumaba na ng sasakyan
"Soph, ano nangyari 'dun?" tanong ni Vince habang nasa labas si Nyle
"Nag-away sila ni Duke eh. Umamin kasi si Duke na mahal niya pa rin ako..." sabi ko at napa-'tsk' si Vince
"Problema nga 'yan. Kausapin mo na lang kaya si Duke at sabihin mo na magmove-on na sya..." sabi ng kapatid ko
Actually, ganun din naman ang plano ko eh. Pagkauwi nila Duke galing sa resort ay kakausapin ko siya agad. Nauna kasi kaming umuwi ni Nyle eh. Kaya din sumama si Vince kasi dalawa lang kami ni Nyle 'dun.
"I'll talk to him tomorrow. Sana lang makinig siya sa'kin..." sabi ko at ginulo naman ni Vince ang buhok ko
"Kaya mo 'yan. Si Wonder Woman ka kaya. Ikaw ang pinakamalakas na babaeng kilala ko..." sabi niya pa at kahit papaano ay napawi ang problema na dala-dala ko
"Ang sarap nito..." bumalik na si Nyle sa loob ng sasakyan at may dala-dalang tatlong cup ng taho
Ibinigay niya ang isa kay Vince at itinabi naman ang isa.
"Babe, hindi ako kakain niyan..." sabi ko kay Nyle
"Oo nga babe. Dalawa ang kakainin ko eh..." sabi ni Nyle at binelatan pa ako
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...