/Chapter 133: The Good Doctor/

2.4K 49 1
                                    

A/N: Hi guys! Happy 92,000 reads! Over over kayo ha? As in hindi ko ini-expect na hahantong yung story ko sa ganito ka rami. Anyways, super pagod ako ngayon tapos may mumps pa. Huhuhu. Get well soon self. Lol. Hope you'll like this chapter guys! Mwaaaah. 9/27/18.
------------------------------------------------------

Sophie

Katatapos lang ng meeting namin kasama ang mga doctors ni Nyle. Lahat sila mababait and they assured us na magiging okay ang asawa ko. Thank you Jesus! Salamat po kasi binigyan mo kami ng mga mababait na tao at hindi mo kami pinapahirapan. Sa totoo lang kinakabahan ako noong una pero nang makita at makausap ko ang mga doctors ni babe ay nakampante na ako. I know that he is in good hands. :)




"Doc, bakit nga po pala free ako dito? Wala naman ho akong kakilala and besides I can pay for the medication naman..." sabi ni Nyle habang naglalakad kami sa lobby ng hospital kasama si Dr. Fernandez


Nakabuntot lang sa amin sina Rafa at Blake.




Ngumiti muna si Dr. Fernandez bago niya sinagot si Nyle.





"How about we grab something to eat first before I tell you why?" tinignan ako ni Nyle, waiting for my answer kaya tumango agad ako


"Sure po. This time hayaan niyo po kaming ilibre kayo as our pasasalamat..." sabi ko





"Sure Mrs. Venereza..." sabat ni Doc














Pumunta kami sa isang Greek restaurant at parang may pa-fiesta kasi andami naming inorder. Hahaha. Baliw 'tong si Nyle eh lima lang naman kaming kakain. Kabilang sa mga foods na inorder niya ay :

*Spanakorizo – Spinach and rice cooked in lemon and olive oil sauce

*Taramasalata – A spread made from fish roe

*Tsipoura – Sea bream

*Tzatziki – A sauce made out of strained yogurt, cucumbers and garlic

*Avgolemono – A chicken soup with egg and lemon juice mixed with broth

*Fasolada – A meatless bean soup

*Psarosoupa – A fish soup

*Stifado – A stew, typically made from meat, tomatoes, onions and herbs




At hindi ko na iisa-iisahin pa ulit kasi baka magka-forever tayo dito. Kami lang kasi ni Nyle ang may forever eh. Charot. Hihihi~







Kumakain na kami at sarap na sarap na sa mga dishes na nasa harapan namin when Dr. Fernandes finally spilled the beans or in other words, nagkwento na si Doc.








"Mr. Venereza, you were asking earlier why wala na kayong babayaran sa ospital, right?" tanong ni Doc sabay tingin kay Nyle




Feeling ko matanda lang ng ilang taon si Dr. Fernandez sa kay Nyle. Medyo bata pa kasi siya and I don't think she's married yet.






"Oh yes. Pwede bang sabihin mo kung bakit? May nagbayad ba ng bills namin?" tanong ni Nyle at tahimik lang ako at nakikinig lang







"Actually, walang may nagbayad. The moment I heard that the patient's name or your name is Nyle Venereza, may spark akong naramdaman..." natigilan ako bigla nang marinig ko ang salitang spark






Fudge. Bet niya yata si Nyle eh!






"Spark? What do you mean? Doc, my wife is right beside me and loyal ako sa asawa ko..." sabi ni Nyle sabay hawak sa kamay ko







Biglang natawa si Doc sa sinabi ni Nyle up to the point na namumula na ang buong pisngi niya.







"You're so funny, Mr. Venereza. Don't worry, that's not what I meant. I have a husband and a son too..." sabi niya at parang nabunutan ako ng tinik






Whooo. Akala ko kasi mapapaaway ako ngayon eh.









"Sorry, nagulat kasi ako sa spark eh..." sabi ulit ni Nyle








"My bad. Ganito kasi 'yun...'yung lolo ko kasi ay once upon a time ay natulungan mo..." sabi ni Doc at nagtinginan kami ni Nyle




Wala kasi kaming ideya eh. As in.









"Pardon?" sabi ni Nyle






"Natatandaan mo pa ba 'yung time na may pinakyaw kayo na balut? 'Yung tinda ng isang matandang lalaki sa park? That's my lolo. Actually, hindi niya naman kailangan pa na gawin 'yun eh kaso gusto niya raw na mag-ambag para sa tuition ko habang nag-aaral ako ng medicine dito sa states. May kaya naman kami sa buhay kaso 'yung lolo ko gusto talagang maghanap ng way para makatulong sa akin eh so he did that tapos ayun, binili niyo daw lahat. Alam niyo bang tuwang-tuwa 'yun noong umuwi siya sa bahay kasi may mabait daw na mag-asawa na bumili nung paninda niya. Tapos sabi niya na napapanuod niya daw kayo Mr. Venereza sa news and if ever daw na magkita tayo ay ako naman ang gumanti ng kabutihan sa inyo..."







At bigla kong naalala 'yung time na 'yun at si lolo sa park. Oo nga! Napatingin ako kay Nyle at feeling ko naalala niya na rin.









"Oh gosh. I remember him. Sobrang bait ng lolo mo. How is he now?" tanong ni Nyle kay Doc







"He's in heaven now. Namatay siya a month ago pero alam niyo ba na one of his last words ay hanapin kayo at magpasalamat ulit? Kasi dahil daw sa inyo may naipadala siyang pera sa akin, may naiambag siya kina Mama..." maluha-luha pa si Doc so I handed her some tissue








Tumayo ako at niyakap siya at pati ako naiyak na tuloy. Huhuhu.






"Thank you for being nice to my lolo..." sabi ni Doc at naiyak na rin si Nyle







"We'll visit him once we go back to the Philippines..." sabi ng mister ko






Grabe talaga, as in. What a holy coincidence! Totoo pala talaga na kapag gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo ay susuklian ka rin ng kabutihan. We love you Lolo!

------------------------------------------------------
A/N: Huhuhu. This chap gave me goosebumps. Kamusta kayo guys? I hope you like this one.

Do good to others because you'll be blessed even more♥

9/29/18
11:55 PM.

The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon