A/N: Hi guys! Happy 9.73K reads! Against all odds talaga todo support pa rin kayo sa story ko. Love y'all!♡
Ps. Special shoutout for Marianne and Shawn! Love you guys. :)
------------------------------------------------------
Kyle Deloscovo
Nakabalik na sa sasakyan si Gertrude at dala-dala niya na ang mga ipinabili sa kanya ni Wafi na mga gamot at stick-o para kay Sophie. Ever since we were kids, alagang-alaga na ni Waf si Sophie. Mabilis kong nalaman na may gusto siya dito kasi ang laging bukambibig niya ay Sophie. Grade school pa lang kami noon sa Ateneo alam ko na na may pagtingin siya dito. Lahat na yata ibinigay niya dito. Tandang-tanda ko pa 'yung mga sandwiches niya dati at 'yung mga tulang isinulat niya kay Sophie. Third grade hanggang sixth grade 'yun ah. Tatlong taong si Sophie lang ang gusto niya. Hindi ko naman alam na hanggang ngayon pala si Sophie pa rin. Well..sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Sophie diba? She's like every man's dream. Aaminin ko na crush ko siya 'nung grade two pero wala na 'yun. Tanggap ko na na hindi kami meant to be and I am happy that I've finally found my better half, si Gert.
"Thanks, Gert! You're the best.." sabi ni Waf nang iabot ni Gertrude and paper bag kay Wafi
"You're welcome, Waf. Anything para sa pinsan ng boyfriend kong mukhang jellyfish..." sabi ni Gert and there she goes again
Hindi naman ako mukhang Jellyfish ah. Duhhhh. May Spanish-Mexican blood kaya kami. Basta gwapo ako. Lol. :)
"Waf, hanggang kailan ka aasa?" biglang napa-preno si Gert nang tanungin ko si Wafi 'nun
"Love! Ano ka ba?! Concern lang si Wafi noh. Huwag mo na ngang gawan ng malisya..." pinagalitan tuloy ako tsk
Tumingin kami pareho kay Wafi at buti na lang at naka-earphones siya. Phew. Muntik na ako 'dun ah.
Nagdrive na ulit si Gert papunta sa mansion ng mga Venereza.
"Ikaw talaga..Why would you ask such question? Alam mo namang mahal na mahal niya si Sophie diba?" walwal ni Gert habang naka-focus ang tingin sa dinadaanan namin
I told her before about Wafi and his longterm feelings for Sophie.
"Love, buti sana kung wala pang asawa si Sophie kasi ako pa mismo ang magchi-cheer para sa kanya. Masaya na 'yung tao sa buhay may asawa niya eh. Wafi needs to move on.." sabi ko at inirapan niya lang ako, proof that she has something else to say
"Alam mo na ngang nasasaktan ang tao pinag-didiinan mo pa. Siyempre alam ni Wafi 'yun. Hindi naman masama na ipadama mo sa tao na mahalaga siya diba?" usal na naman ulit ni Gert
"Masamang-masama. Wafi needs to wake up so he could find someone else!" napasigaw na ako at medyo nagiging intense na ang sagutan namin
"You don't know how it feels kasi hindi naman ikaw si Wafi. We have to understand him as well.." Gert again for threeeee...tsk
"Let's just stop this conversation. Ayokong magtalo pa tayo. Baka imbes na sa altar tayo pumunta baka sa ospital pa. Kalma puso, Love. Let's not fight please..." sabi ko sabay kuha ng kamay niya at hinalikan ito
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...