Chapter 1: New home
Hannah's POV
"Pwede ba akong lumabas, kahit saglit lang Kuya." Napatingin silang lima sa akin habang nakaupo sila sa sofa at may kanya kanyang ginagawa.
"No, masyadong mapanganib sa labas." Maawtoridad na sabi ni Kuya Clifford bago ito bumalik sa ginagawa niya.
"Pero Kuya?" Gusto kong lumabas ng bahay pero hindi nila ako pinapayagan unless kasama ko sila.
"Bunso tama si Kuya, delikado ang lagay natin at alam mo yun?" Sambit ni Kuya Hans. Feeling ko nga parang kriminal na kami na nagtatago. Maraming ngang gustong pumatay sa'min na mga kaaway ni Dad sa negosyo kaya kahit na gaano ko kagustong mabuhay ng payapa, wala akong magagawa kundi tanggapin nalang ang ganitong kalagayan namin.
Nakarinig kami bigla ng mga sunod sunod na pagputok ng baril sa labas ng bahay. Napahinto ako sa gulat pero buti nalang ay mabilis akong hinila ng Kuya ko para makailag sa bala. Nagmadali kaming pumunta sa sekretong kwarto ng bahay at nagtago. Hindi na bago sa'kin ito at sa katunayan ay naranasan ko narin na humawak ng baril noon palang tsaka naging normal na sa'min ang pagsunod sunod nila sa amin. Kumuha ang mga kapatid ko ng shotgun at nilagyan ng silencer, kinalas nito at nilagyan ng madaming bala. Pinatay naman ni Kuya Ridge ang mga ilaw sa bahay at binuksan ang monitoring system sa buong bahay.
"Sila na naman." Napatingin kami sa cctv monitor at sa first floor ay halos mapuno na ito ng mga tauhan ng kalaban ni Dad.
"Perfect timing." Lumapit si Kuya Xavier dito at ipinahawak niya ang baril nito sa'kin.
"Ako muna diyan." Napaalis si Kuya Ridge sa swivel chair na kaharap ng computer at umupo do'n si Kuya Xavier. Ini-strech niya muna ang leeg nito bago napangisi.
"After I count three ay lalabas na kayo." utos niya.
"Gag* paano kami lalabas eh natrap na tayo. Nando'n ang mga kalaban at paakyat na sila dito!" Mura ni Kuya Jaylord.
"Akala ko ba may utak kayo. Do'n kayo sa bintana dumaan!" Napailing iling siya tsaka naman kami sabay sabay na napatingin sa labas ng bintana. "Hindi rin pwede may nagbabantay do'n." Saad ko nang makita ang mga palakad lakad na mga lalake do'n.
"Sumunod kayo sa'kin." Sambit ni Kuya at binuksan ang maliit na pintuan. Hayst! Meron naman pala dito. Hindi man lang sinabi agad ni Kuya.
"Ito ang sekretong daanan palabas papunta sa likod ng bahay." Nagulat kami nang biglang may sumabog at tumawa naman si Kuya Xavier.
"Fvck sh*t! Yes! Successful ang ginawa nating bomba sa bahay Ridge." Natatawang sabi niya pero imbes na matuwa ay sinamaan namin siya ng tingin.
"Nilagyan niyo ng bomba ang buong buhay!? Paano nalang kung biglang sumabog at nadamay tayong lahat!!" Galit na saad ni Kuya Clifford sakanya.
"Chill lang Kuya, hindi mangyayari 'yun dahil mautak ang kapatid mo, nakalimutan mo na ba?" Nakangising saad niya tsaka tuwang tuwang pinindot ang kulay red na button at may narinig na naman kaming sumasabog. Napapatingin lang kami sa screen at nakikita sila doon na nagsisitakbuhan.
Bago kami bumaba sa maliit na pintuan palabas ng likod ng bahay. Naabutan namin ang mga nakahandusay nang mga kalaban at kasama ang biglaang pagsulpot ni Dad kasama ang mga armadong grupo ng lalake at naglalakihan ang mga katawan. Nakipaglaban rin ata sila dahil mayroong talsik ng dugo sa damit nila. This is not only my first time to encounter them, kilala ko sila, sila lang naman ang isa sa mga tauhan ni Dad.

BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...