Hannah Point of View
Ayokong madamay ang mga kaibigan ko sa away namin ni Nicky.
Dapat bang iwasan ko sila para hindi na sila madamay pa? Maybe that is the best thing I can do right now habang maaga pa.
"Eloisa pwede ba kitang makausap?"
"Sige ano yon?"
Lumabas kami sa classroom at pumunta sa lugar kung saan walang tao na makakarinig sa amin. Absent pala si Jaz ngayon kase magpapahinga daw siya.
"Ano ba yon Hannah?"
"Eloisa meron akong favor?"
"Sige ano yon?"
"Pwede bang iwasan niyo na ako"
Masakit man para sa akin na gawin ito pero para sa ikabubuti lang rin naman nila kaya gagawin ko to.
Nakita ko sa kanyang mukha ang pagtutol sa sinabi ko.
"Dahil ba to kay Nicky?"
"Oo"
"Hannah alam mo ba yang sinasabi mo?"
"Eloisa please nagmamakaawa ako sa iyo! layuan niyo na ako bago pa man mahuli ang lahat!"
Hindi ko pa lubusang kilala si Nicky pero alam ko na kaya niyang gawin ulit ang ginawa nito kay Jaz na sana ay para sakin
"Anong sa tingin mo Hannah! gagawin ko ang nais mo?"
"Ayoko lang naman na madamay pa kayo!"
"Madamay?" Hindi ko napansin na umiiyak na pala siya dahil sa akin. Hindi ko akalain na iiyak siya.
"Eloisa sorry" Yinakap ko siya umaasang tumigil ito sa pagiyak.
"Hannah matagal na kami ni Jaz dito at kilala na namin ang babaeng iyon. Kung hindi namin sana ginustong madamay edi sana noon palang lumayo na kami sayo!"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya kaya yinakap ko nalang siya.
"Well, well, well"
Hindi na ako magtataka kong sino ang babaeng umepal dahil wala namang iba tao yun kundi si Nicky na kasama ang mga alalay niya.
"What are you doing here bitch!"
"Naisturbo ko ba ang moment niyong dalawa"
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Misteri / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...