Chapter 3 - First Meet
Hannah POV
Nagsidatingan narin ang ibang mga studyante at napaupo sa kanya kanyang mga upuan nila. Napatingin ako sa gawi ko at napnsin kong nakatingin silang lahat sa'kin. Tsk!
"Hi newbie." Epal ng di ko kilalang studyante.
"Nice talking." Saad pa niya ng hindi ko ito pinansin at sumagot man lang.
"Hindi daw makakapunta dito si Teacher Gonzales may ginagawa daw siya. Kaya party party guiz!!" narinig ko na wika ng kaklase ko at sayang sayang naman sila
Imbes na maingayan ako at mairita sakanila ay mas maganda na lumabas muna ako. Lumabas ako ng hindi nila pinapansin. Lumabas ako at nag ikot ikot hanggang sa napadpad ako ng mga paa ko dito sa likod ng paaralan at may nakitang isang malaking computer room at naisipang pumasok doon.
Neithan Luke POV
"Ay! Sh*t talo ako!" Napangisi ako sa pagmura ni Calix.
Andito kami ni Calix sa Computer room ng school namin dahil tinatamad kaming pumasok. Kaya napapadalas kami dito para maglaro.
Isang pang dahilan ng hindi namin pagpasok ay dahil wala naman kaming ibang gagawin kundi Introduce yourself na naman. Do I still need to introduce myself to them eh? They already know about me at alam kung nagkalat na ang pangalan ko sa buong campus. Tsaka hindi ko na kailangan pang kilalalin ang mga kaklase ko dahil hindi ako interesado sa kahit na sino man. It would be boring kung makikinig pa ako.
"Kahit kelan talaga hindi kita matatalo. Lahat nalang ng bagay magaling ka. tsk! Ingit ako sayu!" Napailing iling na sabi nito."Bro hindi pa ba tayo papasok?" nag aalalang wika ng pinsan ko na si Calix.
"Maya na lang." ipinagpatuloy ko ang paglalaro sa computer ng may biglang tumabi sa akin na babae na umagaw sa attensiyon ko.
Napahinto kaming lahat at napatingin sa kanya."Woah may babae dito bro!"
"Makuha nga number niyan!"
"Sexy!"
Hindi ko hilig na makielam pero nang napatingin ako sa kaharap kung lalake na nagsabi nun ay napasama ang tingin ko at dahilan para bumilik silang lahat sa paglalaro.
Walang mga babae ang pumupunta dito dahil sa campus namin iniisip ng mga babae na kapag pumunta sila dito iisipin naming mga lalake na wala silang interest sa pagaaral at baka maturnoff daw kami dahil hindi type ng mga lalake ang ganung klase daw na babae. Tsk! Nonsense! dami nilang alam!
Napatingin ako sa kanya, mukhang bago lang siya dito. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpokus nasa aking paglalaro.
"Mauna na'ko dude" paalam ni Calix kaya tumango ako at lumabas na siya.
Pagkatapos ng ilang oras na paglalaro ko dito ay napansin ko ang pagtayo ng babaeng katabi ko at lumabas. Kaya tinignan ko naman ang relo ko para tignan ang oras at napamura nalang ako."Shit! 10:30am!" agad akong tumayo at tumakbo papunta sa classroom. Naabutan ko yung babaeng nakatabi ko kanina sa computer room na nakatayo sa harap ng nakasaradong pinto ng classroom namin na halatang di pa nito binubuksan. Tinagalan ko ang paglalakad at nang paglapit ko doon ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal ang mukang dragon na guro namin.

BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...