Hannah Point of ViewMinulat ko ang mga mata ko pero nandidilim parin ang nakikita ko. Nahihilo ako at hindi ako makabangon. Hindi ko alam kong bakit pero may kakaiba sa nararamdaman ko.
"Ok kana ba?" Tanong ng isang babae sa akin.
Tinignan ko siya pero malabo kong mapagtanto kung sino ito. Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman kong may itinurok sila sa akin. Wala akong maramdamang sakit sa katawan ko at ramdam ko ang panghihina ko.
Pagkatapos nila akong tinurokan ay nakatulog ulit ako at pagkagising ko okay na ang pakiramdam ko. Nakita ko ang mga Nurse na nagbabantay sa akin dito. Madami sila at may kanya kanyang ginagawa.
"Nasaan ako?" Tanong ko sakanila na ikinatuwa nila.
Kitang kita ko ang mga naglalakihang mga ilaw na pang operations siguro ang mga toh at iba pang gamit dito. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit marami ang nagbabantay sa akin?
"Salamat at gising kana, kundi malalagot kami kay-" hindi natuloy na sagot ng isang nurse sa akin dahil tinapik siya ng katabi niyang nurse.
"Kanino?" Tanong ko sakanila pero umiling lang ang mga to ng biglang may pumusak dito.
"Ok na ba siya-" Hindi natuloy na tanong ng nakamaskara ng itim sa kanila.
Nanlaki ang mga mata niya dahil siguro nakita ko ito.
So siya ang nagdala dito sa akin at siya ang tumulong sa akin pero bakit niya yun ginawa. Siguro ay may kapalit ang bawat pagtulong niya sa akin.
Aalis na sana ito pero pinilit kong bumangon at hinabol ko siya.
"Teka lang!" Pagpigil ko sa kanya at huminto naman ito.
Nilingon niya ako kaya lumapit ako sakanya.
"Sino ka at bakit mo ako tinulungan?" Sarkastikong tanong ko sakanya.
Hindi ako basta basta naniniwala sa kung sino man dito pati narin kina Eloisa at Jaz na kahit tinuturin ko na silang kaibigan dahil hindi ako yung tipo ng tao na basta basta nalang naniniwala sa iba.
I don't easily trust a person kaya pag ako nagbigay ng tiwala sa iyo don't waste it bihira lang ako magbigay ng tiwala.
Minsan nang naging demonyo ang angel. Alam niyo ba kung bakit? It all started nong bata ako wala akong naging matinong kaibigan. Lahat sila nagtraydor sa akin kaya simula noon hindi na ako nakipagkaibigan sa kung sino hanggang sa nakilala ko si Eunice ang unang naging matalik kong kaibigan sa loob ng 2 taon pero patay na siya ngayon.
Siya lang ang tumanggap sa akin. Sa problema namin. Kahit alam niyang pwedeng siyang mapahamak. Kaya ayun isinakripisyo niya ang buhay niya ng dahil sa akin. Kasalan ko kung bakit namatay siya sa pagsabog ng gusali sa lugar kung saan kinidnap kami ng mga kalaban ni Dad. Kung kailan nakahanap na ako ng tunay na kaibigan nawala pa ito. Ayokong may madamay ulit ng dahil sa akin.
Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay lumayo ulit ito sa akin. Biglang nanghina ang pakiramdam ko sa paghahabol sa kanya. nang di ko na kinaya at lumalabo na ulit ang mga mata ko ay matutumba na sana ako pero biglang may sumalo sa akin binuhat niya ako papasok sa Operating room.
"Get well soon" Saad niya sa akin tsaka ginulo ang buhok ko at umalis.
Bigla kong naalala ang nangyari sa akin kahapon tsaka ako tuluyang nakatulog
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mistério / SuspenseA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...