Chapter 51 - Confession

2.5K 84 4
                                    


Hannah Point of view

Hinawakan ni Blade ang kamay ko at hinila ako papunta sa likod ng school namin.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko pero hindi niya ako sinasagot. Binalewala ko nalang ang pagtanong at sumunod sa kanya hanggang sa ang layo na nang nalakad namin at malayo narin kami sa school.

Inilibot ko ang aking mga mata at nakita ang mga naglalakihang mga puno, maputik at delikado na mga daanan.

"Blade saan ba talaga tayo pupuntabakit hindi ka man lang sumasagot sa tanong ko?!" Napataas na boses na tanong ko sakanya at humarap naman ito sakin tsaka lumuhod.

"Trust me... I'll carry you, sumakay ka sa likod ko at bubuhatin kita" Tinignan niya ako at nginisian dahil ayaw ko.

Tumayo ito at nagulat nalang ng buhatin niya ako.

"Blade mabigat ako!" Sabi ko lang para bitawan niya ako.

"You're not babe" Sabit niya at naglakad buhat buhat ako.

Habang naglalakad ay pansin ko na may bumabagabag sa kanya at hindi makatingin ng deretso sa mga mata ko.

Malayo layo narin ang nalakad niya kaya naisipan kong magpahinga muna.

"Blade pahinga ka muna" Sambit ko.

"Hinding hindi ako mapapagod sayo Hannah" Nakangiting sambit niya.

"Please, ibaba muna ko" Utos ko kaya dahan dahan niya akong ibinaba. Pagkababa namin ay umupo kami sa gilid ng puno.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko dahil kanina ko pang napapansin na pinipigilan niyang magsalita.

"Let's go Hannah malapit na tayo" aya niya.

"Saan ba kase tayo pupunta, kanina pa tayo lakad ng lakad sa lugar na to at muntik pa tayong ma aksidente kanina" Angal ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

"Just tell me babe if you're tired, I will carry you" Saad niya at hinawakan ang kamay ko at naglakad na patungo sa pupuntahan namin.

Nang nandito na kami sa isang liblib na lugar at pinakadulo ng bundok na to ay napatanong ako.

"Ano to?" Tanong ko sa isang mataas na pader at parang storage room kung titignan. Malawak ang saklaw nito at may iisang bintana, walang kulay at may dugo dugo pa sa mga pader.

"Psycho's Prison" Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

Naalala ko ang convo namin ni Eloisa noon. Binanggit niya sa akin ang tungkol dito sa Psyco's Prison. So dito pala ito, pero bakit niya ako dinala dito? Ikukulong niya ba ako dito kasama ang mga studyante?

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon