Eloisa Point of View
Ngayon na ang araw na kinakatakutan ng marami. Ang araw kung saan maraming buhay ang mawawala at siguradong maraming bakas na dugo ang magkakalat.
Maaga kaming pumasok ni Jaz dahil ayaw namin malate sa klase dahil kamatayan na ang naghihintay sa amin pag nangyari ang araw na yon.
Pagkalabas namin sa dorm nakita namin ang mga studyante na nagmamadali at kagaya namin ay ayaw maabutan ang pangyayaring tatapos sa aming buhay.
Pumunta na kami sa main building ng paaralan na ito at hinatak ang ikalawang palapag papunta sa harap ng classroom namin. Nang andito na kami sa harap ng pintuan ay hinihintay namin na buksan na ng aming guro ang pinto.
Narito na lahat ng mga kaklase namin maliban nalang kina Hannah at Neithan.
Alam namin na nasa loob na ang mga guro namin every class at hindi pa nila binubuksan kaagad ang pinto dahil ayon sa rule saka lang nila bubuksan ang pinto para makapasok kami pag malapit na ang oras ng Devil's Hour.
Ang Devil's Hour ay isang alituntuning sinimulan ng principal ng eskwelahang ito kung saan may patayan sa loob ng campus o labas ng classrooms like sa mga lobbies, hallways, ground o field ...all around wala silang pinipilang lugar. Pwera nalang sa mga classrooms basta siguraduhing naka lock ito dahil kung hindi ay pwedeng pwede kang pasukin ng mga gangs
Ang Devil's Hour ay oras kung saan ay allowed ang pagpatay, it occur during class hours kung saan pag lumabas ka ay mapapatay ka ng mga gangs na pinapalibotan ang buong school. Bawal mag excuse at higit sa lahat bawal malate o mag cutting classes kung ayaw mong mapaaga ang pagtapos ng buhay mo.
Tumunog ng napakalakas ang speaker at maririnig dito ang malakas na paggalaw ng orasan.
"Today is going to be excited!" Saad ng principal sa speaker.
Ano bang nakaka excite sa ganitong sitwasyon? Yan mga patayan ba ang ikinagagalak niya? How rude Madam Evilyn was?
"The Devil's Hour will gonna start for a minute!"
"You only have one minute left more to run to your classroom!" Sunod sunod na sabi niya.
"Tik...tak" sinasabayan pa niya ang paggalaw ng orasan.
Tinignan ko ang relo ko at 30 seconds nalang ay magsisimula na ito pero wala padin sina Hannah.
Sabay sabay na binuksan narin ng mga guro ang mga silid aralan nang malapit na ang isang minuto.
Pagkabukas na pagkabukas nito ay mabilis na pumasok ang mga kasamahan ko. Ako naman ay napatingin sa mga studyante na natataranta sa ibaba at nagtatakbuhan. May mga naapak apakan at may mga umiiyak dahil hindi na nila naabutan ang pagbukas ng pinto dahil agad na naisara ito once na natapos na ang isang minuto. Dahil kapag hinayaan nilang papasukin ang kasamahan nila sa oras ng Devil's Hour ay mamamatay silang lahat sa loob dahil papasok ang mga gang sa silid na yon kaya ganun na lamang ang kahigpit nila.
Di ko namalayang naiwan na pala ako. Hinila ako ni Jaz papasok ng silid namin dahil isasara na nila at mukang kanina pa ako nakatitig sa mga studyante sa baba. Buti nalang ay hindi kami napasokan at hindi nila ako iniwan at sinarhan ng pinto. Siguro ay hinarangan ni Jaz ang pinto at hinintay akong pumasok.
Nang nasa loob na kami ay nagsalita si Jaz.
"Eloisa wala pa si Hannah" Nag aalalang saad niya.
Oo nga wala pa siya. Kailangan ko siyang sunduin.
Hindi ko sinagot ang sinabi niya bagkus ay gumalaw ako paalis sana sa room namin nang magsalita si Jaz.

BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...