Chapter 72 - Katapusan

2.3K 59 3
                                    

Hannah's POV

Nandito parin kami sa Good Christian Academy matapos ang naganap na laban. Sinusundo na ngayon ang mga estudyante ng kanilang mga magulang matapos ang trahedyang naganap dito sa GCA. Ligtas ang ibang estudyante at ang iba naman ay nagdadalamhati sa namatay nilang mga anak.

Natapos narin sa wakas ang masalimoot na labanan. Madami na ang namatay sa lugar na to. Ipapasara narin ito at  makakapagpahinga na ang mga nakaligtas at mamumuhay na ng normal.

Napagtanto nila na kakampi ni Principal ang mga police. Nabuhay nga kami pero ilan ay wala ng mababalikan na pamilya sa labas dahil pinatay na sila ng mga police na kakampi ni Evilyn.

Ito ay dahil noon una palang ay may mga magulang nang nagsimulang nagtaka dahil sa biglaang pagkaputol ng komunikasyon na labis na ipinag alala nila sa kanilang anak.

Hindi naman nila mabisita ang mga anak nila dahil minsan ng ipinagbawal silang pumasok. At dahil narin sa malayo at delikado pa ang daanan papasok dito dulot ng mga sinalanta ng mga bagyo kasama na ang paglindol ay halos hindi na din nila malaman ang daanan papunta dito.

At maliban don ay sigurado akong nagsimula na silang makaramdam kaya nag paimbestiga na sila sa police dahil sa masamang kutob. Pero sa kasamaang palad ay kakampi ni Evilyn ang mga ito at ipinapatay nila ang lahat na magsumbong kaya yung iba ay tumahimik.

Ganun siya kasama at kaimpluwensiya. Madami siyang kayamanan na galing naman sa nakaw, at gusto pa niyang nakawin ang yaman ni Tito Dominico na ginamit niya at pati narin ng kayaman ni Dad. She is totally desperate to possess fame.

Dumating narin sa wakas ang mga secret agent ni Dad para tumulong sa paglilibing ng mga namatay dahil nagkalat na ang mga dugo at bangkay.

Ipinasasara na ang GCA. Sa bawat sulok ay nilagyan nila sa labas ng gate ng paaralan ng malaking yellow tape na may nakasulat na caution.

Pinakiusapan ni Dad na huwag nang ikalat sa media o kanino man ang nangyari dito kundi sa amin amin nalamang para sa ikabubuti.

Pupunta kami ngayon sa bahay nila para sundin sana si Mom. Ilang years na nang hindi namin siya nakita at akala namin ay patay na siya pero iniligtas pa pala siya ni Tito Dominico.

Akala ko kalaban siya pero tinutulungan pala niya kami at nagkamali kami ng hinala sakanya kahit na may nagawa rin siyang mali.

Hindi lahat ng taong nagpapakita ng masama ay masama dahil may mga taong kinakailangan nilang magpakita ng kasamahan para lang tanggapin sila at pagkatiwalaan ng mga kalaban gaya ng ginawa niya kay Evilyn.

Bago kami umalis dito napagpasyahan ko na ikutin sa huling pagkakataon ang paaralan nato. Kahit papaano ito narin ang naging tahanan ko ng mahigit dalawang taon. Madaming masasaya at malulungkot na ala ala ang nabuo dito at hindi ko yun makakalimutan lalong lalo na ang araw na kasama ko si Neithan. Mga masasakit na naranasan namin dito ay magiging alaala na lamang at hindi mabubura sa isipan.

Habang naglalakad ako sa harap ng computer shop na matagal na palang hindi binubuksan at mukhang punong puno narin ng alikabok.

Naalala ko dito ko siya unang nakilala at naalala ko noong unang araw palang namin na late kaming pareho.

For the first time he made me learn to gets serious for a person. To trully love a man. Dahil nung nakita ko siyang seryoso at cold noon ay naging interesado ako na lapitan siya. Kaya ang ginawa ko ay tinulungan ko siyang makaligtas sa pagbibintang ni Principal na kumuha ng pera sa faculty. Speaking of money, si Evilyn lang din naman ang may kagagawan. Nag disguise sila at nag kunwaring walang alam. Plinano nilang kunin ang natitirang pera ng paaralan dahil may pinagkakaabalahan siya at yan ang hindi ko alam.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon