Eloisa Point of view
Nasa loob kami ng dorm kasama ko si Jazlene na kanina pa naghahalungkat ng mga gamit niya at kung saan saan naring sulok ito naghahanap.
"Ano ba kase ang hinahanap mo?" Hindi ko napigilang magtanong dahil kanina pa siya.
"Did you see my thesis report?" Nag aalalang tanong niya.
"Hindi bakit nawawala ba?" Tanong kahit na obvious naman na nawawala.
"Lagot ako bukas wala akong maipapasa!" Napaupo siya sa tabi ko at mukang bata na iiyak.
Oo alam ko na pinaghandaan niya yun at pinaghirapan ng tatlong araw dahil masipag siya sa pag aaral at nagpupursigi ito.
"Wala ka bang copy nun?" Tanong ko sakanya na problemada.
"Wala!"
"Isipin mo kase saan mo huling nilagay!" Payo sa kanya.
Napatahimik ito sandali tsaka tumayo.
"Alam kona, naiwan ko to sa classroom natin!" Saad niya.
"Tapos?"
"Sasamahan mo ako para kunin yung irereport ko bukas!" Aya niya sa akin.
"Ayoko madilim na sa labas tsaka may multo!"
Tinignan niya ako with matching puppy eyes kaya wala akong nagawa kundi samahan siya.
"Jaz naman kase kung saan mo nilalagay ang mga gamit mo hindi mo alam mag ingat!" Naiinis na sabi ko sakanya.
Lumabas na kami sa dorm dala dala ang flashlight tsaka hinatak ang daan papunta sa main building hanggang sa napahinto kami dahil nasa harap namin ang malaking puno at bench sa baba nito. Ang punong yon ay sinasabing tinitirhan ng multo dahil marami naring studyante ang nakakita mismo nito.
May nakita akong babae doon at mukang nakita rin ni Jaz dahil pareho kaming nakatingin doon at mukang pareho kami ng iniisip.
"Eloisa nakikita mo ba ang nakikita ko?" Tanong niya sa akin habang nakatitig sa bench na may nakaupo.
"Oo yung babae ba?"
"Oo"
"Tsaka maputi na mukang white lady na may dugo dugo sa damit niya!" Sabi ko kaya nagtinginan kaming dalawa. Nagtaasan ang mga balahibo namin at tinakpan ang mga bibig namin dahil ayaw namin na may makarinig sa amin dito sa labas.
Ipinikit namin ang mga mata tsaka iminulat ulit. Nakita namin na wala na ito kaya nagmadaling umalis kami doon at hinatak ang daan papunta sa guard house na malapit sa main gate dito.

BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Gizem / GerilimA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...