Eloisa's POV
Wala kaming inabutan sa SSG Office dahil narinig namin na wala na sila doon at nabalitaan na nasa clinic si Bryle kaya nakakasiguro kami na nandoon rin si Hannah kaya naglakad kami papunta doon at para magamot na rin ang mga pasa at sugat namin ni Jazlene.
~Flashback~
Pagkaalis ni Danica sa gusali kung saan niya kami kinidnap ay agad agad kaming nag isip ng paraan para makatakas. Mahihirapan kaming makatakas dahil may nagbabantay sa amin dito at nakakadena ang mga paa at kamay namin.
"Makakatakas pa kaya tayo dito? Sa dami nila wala tayong kalaban laban" Natatakot na sabi ni Jazlene.
Alam kong madali siyang panghinaan ng loob at tanging ang mga magulang niya lang ang nagbibigay ng lakas sakanya pero hindi dapat siya panghinaan ng loob dahil kapag nangyari yun hindi niya magagawa ng tama ang dapat niyang gawin.
"Alam ko" Sambit ko.
"Pwede ba akong pumunta sa CR?" Tanong ko sa lalakeng nagbabantay.
"Hindi!"
"Ano?! eh naiihi na ako!" Sigaw ko "Hindi ako tatakas! Sa dami ng nagbabantay sa labas sa tingin niyo makakatakas pa kami?! TANGA! Babae lang kami at mga lalake kayo!" Aniya ko.
"Manahimik ka nalang kung ayaw mon-"
"Pwede ba! Naiihi na talaga ako!" Pagpilit ko at itataas na sana ang skirt ko pero buti nalang agad na lumingon sa ibang direksyon ang lalake tsaka nagsalita. Wala akong balak na ituloy no.
"Huwag!" sigaw nito na napapikit pa daw at namumula. As if. Tsk
Pagkatapos siyang makarecover ay tinanggal niya na ang tali sa paa ko kaya tumayo na ako.
Pagkatayo ko ay napatili ako dahil may pumasok na ipis sa damit ko at perfect timing to. "Pwede bang pakitanggal ang damit ko? Dali!!" Utos ko at mukang ayaw niya pero napilit ko. Unti unti niyang tinanggal ang botones ng damit ko nang biglang dumating si Blade kasama ang nakamascara ng Blue kaya agad ko siyang sinipa ng malakas saka nila ito binaril.
~End~
Pagkapunta namin sa clinic ay agad na ipinagamot namin ang mga pasa namin. Pagkatapos ay pupunta na sana kina Bryle nang naabutan namin si Hannah at Neithan.
"Eloisa?" Tawag niya sa pangalan ko at niyakap ako kasunod ko ay si Jazlene.
"Please forgive me for what I've done to you--" hindi ko na siya pinatuloy dahil ayaw ko na itong pag usapan.
"Naiintindihan namin Hannah. Tapos na yon kaya huwag na nating pag usapan pa" Sambit niya.
Blade already told us about kay Danica kung ano ang pinagdadaan niya. Naiintindihan ko naman pero sana man lang hindi siya nagpadala sa galit.
"Si Bryle? okay na ba siya?" Tanong ko at ngumiti naman si Hannah.
"Yes, he's fine, gusto lang daw niyang mapag isa at magpahinga kaya aalis na muna kami" Sambit niya.
"Bibisitahin sana namin siya pero I guess kailangan niya na talagang mapag isa" Aniya ni Jazlene.
"Hayaan na muna natin siya" Aniya ni Neithan kaya umalis nalang kami doon.

BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...