Jane's POV
Tumakbo ako para puntuhan ang ibang gang na naunang sumugod. Sa bawat dinadaanan ko ay may patak ng dugo na nakakalat at maraming tauhan ni Principal ang napabagsak at namatay. Napahinto ako nang marinig ko ang malakas na pagkidlat ng kalangitan at malakas na hipo ng hangin. Pinagmasdan ko ang bawat paligid. Merong nakikipaglaban at nagbubuwis ng buhay. Maraming sugatan at meron ding iilan na namatay na mga gang. Hindi ko mapigilang umiyak, napamahal na silang lahat sa'kin at para ko narin silang mga kapatid. Magtatagumpay din tayo at maipaghihiganti namin kayong lahat.
"Ate Jane" Nanghihinang tawag sa'kin ng isang miyembro ng Dirty Gang. May sugat siya sa binti at alalang alala. Tatakbo na sana siya papunta sa'kin pero hindi na niya kinaya at natumba kaya agad ko siyang pinuntahan.
"Kailangan niyong iligtas ngayon din ang mga estudyante, may nagtaksil sa sakanila at ibinunyag lahat ng plinaplano natin" Nag aalalang sambit niya.
Bakit nakuha pa nilang magtaksil sa ganitong sitwasyon? Pinapahamak niya lang ang kapwa niyang estudyante! Nag aalala ako para sa mga estudyanteng hinahangad ng makaalis dito ng ligtas.
Tumango ako at agad na pumunta sa harap ng main building at nandoon na ang mga gang habang ginagamot ang mga sugat nila.
"Nasaan si Blade?" Tanong ko sakanila.
"Hindi namin siya nakita at sa tingin ko nasa loob siya ng dorm at tinutulungan ang ilan sa mga estudyante" Saad ni Jake.
"Simula palang ang labanan at malalang sugat na ang inabot natin. Paano pa kaya kung sumugod lahat ang mga tauhan ni Dominico?"-Jake
"Gawin natin ang lahat na makakaya natin! We need to help the other students na nahawak na ni Evilyn. Pumalpak ang plano natin dahil meron silang kasamang traydor!" Ani ko at tumayo naman sila at kinuha ang mga armas na pwedeng gamitin.
"Siguro natakot ang nagtraydor at inisip ang sariling kapakanan" Sambit naman ng iba.
"Tara" Lead ni Jake at aalis na sana ng pinalibutan kami ng mga sandamakmak na tauhan nila.
Napaatras kaming lahat habang sila ay lumalapit habanag ang mga baril nila'y nakatotok sa amin.
"Kamusta Sabrina?" Demonyong ngiti ni Principal . Kasama nito ang Headmaster at mga kasama nila.
Sh*t kilala na niya ang totoo kong pagkatao!
Ano naman ngayon?, nararapat lang na malaman niya lalong lalo na ang lahat na ginawa niya sa'kin, sa'min!
"Sa tingin mo ba makakatakas pa kayo?" Sarkastikong tanong niya "Madami akong tauhan na nakapaligid sa inyo tsaka anytime and anywhere pwede na kayong magpaalam!" Dugtong niya!
Tama siya. Madami nga sila at abot libo ang bilang nila. Ang lalaki pa ng mga katawan nila na parang mga bouncer at expert din sila sa pakikipaglaban.
"Wala kaming pakealam kung gaano kayo kadami. Ang importante sa'min ay mabigyan namin ng hustiysa ang mga walang awa ninyong pinaslang. Ipinagkait ninyong mabuhay kami ng normal at mapayapa. Ginawa niyong magulo ang lahat kaya't sisiguraduhin namin na kayo ang mawawala dito sa mundo,,at mailalagay sa kabaong o kaya ay susunugin" Galit kong sabi at nakita ko ang pagkasarkastiko sa expresiyon sa mukha niya.
"Ako? Mapapatay niyo? Nakakalimutan niyo ata na mahirap mamatay ang masamang damo" Aniya at tumawa sila.
"Nagkamali ka yata ng binanggit? Mahirap mamatay ang masamang damo kung ang papatay sakanya ay walang kwenta na KAGAYA MO!" Sambit ko at kitang kita sa muka niya ang pagkapahiya at mukang sasabog na ang ugat niya.
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Misterio / SuspensoA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...