Chapter 9 - The Last

5.6K 125 0
                                    

Kenneth Han's POV

Kauuwi ko lang galing sa office ni Dad. Hindi kami sabay umuwi dahil nauna pa ito kanina.

"Hi Kuya" Bati sa akin ni Jaylord habang nakahawak ng cookies na pinabili niya sa akin kanina habang nasa biyahe pa ako. Mahilig kasi siya sa mga cookies kaya naman palagi siyang nagpapabili sa amin ni Dad pag uuwi kami galing sa work.

"Andito na ba si Dad?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Wala pa, sinundo niya pa ang kambal dahil matatagalan daw sila sa pag uwi dahil sa schedule nila" sagot nito habang ngumunguya ng Cookie

"Si Kuya Clifford at si bunso nasaan?" Tanong ko sa kanya nang biglang bumukas ang pinto at lumabas dun si Kuya Clifford na nakangiti.

"Wah ganda araw ah?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo" wika nito na mas ikinalawak ng ngiti nito. Ano kaya ang nangyari at mukhang masaya ngayon si Kuya. Hindi naman sa ngayon lang siya ngumiti pero kasi kakaiba ang mga ngiti niya ngayon.

"Andiyan na sila" Jaylord at pumunta sa sala ganun din kami ni Kuya Clifford.

"Dad cookies ko?" Tanong ni Jaylord kay Dad. Ngumiti si Dad at inabot ang isang supot na may lamang mga cookies.

"Si Hannah?" Tanong ni Dad sa amin

"Wala pa siya Dad" sagot ni Jaylord Kay Daddy.

Iniwan ko na muna sila doon at pumunta sa kwarto ko at magpapalit muna ng damit. Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako at naabutan ko naman sila sa sala

"Anong meron" Tanong ko sa kanila dahil nakaayos parin sila ng damit hanggang ngayon. Biglang may nagdoorbell kaya binuksan ito agad ni Nanay Imelda.

"Attorney tuloy po kayo" wika ni nanay Imelda at pinapasok ang bisita ni Dad.

"Musta na kuya!" pangangamusta ni Dad sa kaniya sabay yakap niya dito. Sino siya?

"Ok lang naman sila na ba ang mga anak mo?" Tanong nito kay Dad na tumango lang.

"Hello po, I'm Clifford ang panganay sa aming magkakapatid" pagpapakilala ni Kuya at nakipagshakehands.

"Heto naman si Kenneth Hans, pangalawa sa magkakapatid at ang mga aking kambal, sina Ridge Kane at  Xavier John, sila ang pangatlo" pagpapakilala sa amin ni Dad.

"Binata na sila ah at ang gwagwapo, manang mana sayo" puri nito na ikinalawak naman ang ngiti ni Dad. Bumaba narin si Jaylord galing sa kwarto nito at lumapit sa amin.

"Ito naman si Jaylord, ang pang apat kong anak" patuloy ni Dad at umupo naman si Jaylord sa sofa at ganun din ako.

May biglang nagdoorbell at siguro si Hannah  na iyon kaya agad naman na binuksan ni Nanay Imelda ang gate kaya ipinasok na ni Hannah ang sasakyan. Tsaka dumeretso dito.

"My princess come here" wika ni Dad Kay Hannah at lumapit naman ito

"This is the youngest and the only girl of your family?" Tanong ng Attorney kay Dad.

"Yes this is Hannah Lyn Riley Emmerson" pagpapakilala ni Dad kay Hannah kaya lumapit ito sa kanya.

"Dad who is he?" Tanong ni Hannah kay Dad.

"Ah oo nga pala hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo at tanging si Clifford lang ang nakakakilala sa akin dahil medyo matagal tagal narin akong hindi bumisita sa inyo. Naalala ko nung huling dalaw ko sa inyo ay bata palang si Clifford non" wika nito "I'm Attorney Lukas, kapatid ng Mama niyo" dugtong nito kaya napayakap si Hannah Kay Attorney.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon