Chapter 53 -Calix and Nikki

2.9K 74 4
                                    


Psst! Huwag iplay ang music!

Hannah point of view

Yinakap niya ako at iniharap sa muka niya. Ilang inch lang ang agwat namin ngayon. Parang gusto niyang tanungin kung sino ang naalala ko at kung ano pa pero nginitian ko lang siya bilang sagot. Ayokong maalala siya, kung pwede. He's part of my past, the person who was the reason kung bakit ako nasa pilipinas ngayon.

"I miss you" Sambit niya at umiwas naman ako ng tingin at umatras.

"Alis na tayo baka hinahanap ka na ng girlfriend mo" Saktong tatayo na sana ako ng hinila niya ang braso ko at napaupo ako sa lap niya.

"Gusto kong ikaw lang ang nasa tabi ko ngayon" Sabi niya.

"Is she the reason why you break up with me?" Tanong ko.

Tahimik ang lugar dito at ang lakas ng pintig ng puso ko. Gusto kong umalis sa lap niya pero may gusto ko ng malaman ang sagot ng tanong ko.

"No...I break up with you dahil yun ang tanging paraan ko para hindi ka mapahamak ng dahil sa akin"

"Ang duwag mo Neithan ikaw agad ang sumuko samantalang ako pilit na ipinaglalaban kung anong meron tayo!" I said as my tears fell bago ako tumayo.

"Oo naging duwag ako...but what I just did was a mistake. I can fight you even the rest of my life , even if it costs my death, kahit sa huling patak ng dugo ko at hininga ko ipaglalaban kita Hannah pero paano kung napahamak ka dahil lang sa akin at napabayaan kita...Sa tingin mo ba naging madali lang yun para sa akin. Tiniis ko na lumayo sayo kahit na masakit!" Napahinto ako sa mga sinabi niya. Tinakpan ko ang muka ko sa paghagulgol at yumakap naman siya sa akin mula sa likuran ko.

"I'm sorry if I hurt you. Kahit palagi akong hihiling ng tawad sayo, gagawin ko. Just please forgive me" humarap siya sa akin at yumakap.

"Stop it Neithan hinahanap kana ni Kass-" Hindi natuloy ang sasabihin ko.

"Walang kami ni Kassandra. She is just my ex"

"Pero Mahal ka niya Neithan!"

"Ikaw hindi mo ba ako mahal?" lumuwang ang pagkayakap ko sa kanya.

"I think we should go now!" Wala akong nasagot sa sinabi niya kaya nasabi ko yun. Aalis na sana ako malapit sa kanya nang matapos ng ilang hakbang lang ay nagtanong uli ito

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon