Jazlene's POV
Sa wakas nasabi na namin kay Hannah ang lahat. Naiintindihan ko naman si Eloisa kung bakit ayaw niya sabihin nung una ang tunfkol don eh. Pero mas mabuting malaman na niya kesa naman malaman ni Hannah ang mga kasagutan sa tanong niya sa iba na mas lalo lang niyang ikapapahamak.
Bakit ba andito pa kami sa school na to? Bakit hindi nalang kami umalis? Yan din ang katanongan ko dati sa aking sarili na ngayon ay alam ko na ang sagot.
Ang mga estudyante dito ay gustong gusto nang lumayo dahil naiipit na rin sila sa sitwasyon namin dito sa paaralan na ito, tulad rin namin, pero hindi nila iyon magawa dahil natatakot sila na kapag magtransfer sila ay bangkay ang aabutin nila. Gaya nung isang babaeng noon na nagbalak na magtransfer, pero hindi iyon natuloy dahil namatay siya kasama ang pamilya nito. Hindi man nila sabihin kong sinong pumatay pero alam na namin kung sino ang mga possibleng gagawa non. At nandito lang naman sila sa GCA.
Madaming mga inosenteng tao na gustong mabuhay ng tahimik pero ngayon ay nakakulong sila sa madilim na paaralang ito. Pare pareho kami, dati sobrang saya namin ni Eloisa dahil makakapag aral kami dito pero nang magtagal, nalaman namin ang nasa likod ng paaralan na to pero wala kaming magawa dahil baka mamamatay lang kami sa pag attempt.
"Jazlene nakikinig ka ba?" Jazlene na kanina pa ata nagsasalita pero hindi ko napapansin.
"Huh ano yon?"
"Nakakainis ka nasayang lang ang laway ko sa kasasalita dito, ni kahit isa wala ka man lang ata narinig!"
Wow huh pati narin pala laway nasasayang ngayon hahahaha, naman Eloisa
"Sus ano ba iyon?" Tanong ko sa kanya.
"Wala!" tsaka niya pinaikot ang kanyang mga mata. Ang bilis naman niyang magtampo pero OK lang lilipas din yun.
"Galit na naman siya"
"Hindi ako galit!" Sigaw nito.
"Ay may daga!"
Nagulat siya sa sinabi ko kaya naman napaupo ito sa table niya at itinaas ang mga paa. Tsk parang bata."Nasaan ang daga at papatayin ko!?" matapang na wika nito
"Wala biro lang bati na tayo?"
"No!"
"Daga andito si Eloisa oh nagtatampo" biro ko sa kanya
"You shut up!"
"Ouch sakit naman non" pa epal na singit ni Ms. Lopez. Kahit kailan talaga ang babaeng ito paepal noh!
Inirapan nalang namin siya at ibinaling sa iba ang tingin.
"Wala pa ba si Hannah?" Tanong nito sa akin
"Good morning!" Nakangiting wika ni Hannah na kararating bago lumapit ito sa amin.
"Anong maganda sa morning?" Tanong ni Eloisa
"Siyempre ako!" Proud na sabi ko.
"Talaga lang huh!" Paepal ng isang kaklase namin
"Bakit papalag ka?" tinaasan ko siya ng kilay at nakangiting umiling lang ito. Umayos kami ng upo dahil andiyan na si Teacher Garcia, our homeroom and English teacher.
"Good morning" bati ni ma'am at bumati din kaming lahat sa kanya
"Are all of you present?"
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...