Eloisa Point of View
Tuluyan na nga kaming iniwasan ni Hannah. Kahit anong gawin namin ni Jaz na paglapit sa kanya ay wala pa din, iniiwasan parin niya kami.
"Eloisa umamin ka nga sa akin! Nag away ba kayo ni Hannah?" tanong niya na nakakunot ang noo.
Hindi ko masabi-sabi sa kanya ang mga bagay na napag usapan namin ni Hannah at kung ano ang nangyari nong absent ito. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong nangyari noong nakatulog ako at hindi ko alam kung bakit may sugat sa leeg si Hannah. Ang alam ko lang kagagawan ito ng isang demonyong babae na si Nicky.
"Hindi nga kami nag away! At kung mag aaway man kami anong rason para awayin ko siya at awayin niya ako" ani ko.
"Pero bakit nga siya iwas ng iwas sa atin?" Nag aalalang tanong nito. "Meron ba akong nagawang masama sa kanya?" Dugtong nito.
" Jaz wala kang ginawang masama sa kanya kaya huwag mong sisihin ang sarli mo" payo ko sakanya.
"Kung hindi yon ano pa bang ibang rason?" Tanong nito. Determinado nang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Jaz sasabihin ko kung anong alam ko!" Ani ko.
Nakukulitan na ako sa kanya dahil kanina pa siyang tanong ng tanong sa akin kaya naman sasabihin ko na kung anong alam ko para matahimik na ang bunganga niya.
"Ano? dali sabihin mo na!' Hindi makapag antay na wika nito at hinihintay kung anong sasabihin ko. "Ang tagal!"
Huminga ako ng malalim at saka ko sinagot ang tanong niya.
"Dahil ayaw niya tayong madamay!" Napahinto ito sa pagtitig sa akin "Dahil ayaw niya tayong mapahamak ng dahil sakanya!"
Natikom niya ang kanyang bibig dahil wala itong masabi. Sakto namang nagring ang phone niya kaya kinuha niya ito sa bulsa niya at sinagot ang tawag. Hindi ko alam kung sinong tumawag at kung anong pinag uusapan nila.
Natapos nadin ang pakikipag usap niya sa phone nito kaya ibinalin na niya ang tingin nito sakin bago naiyak.
"Bakit Jaz?" Tanong ko sa kanya na sunod sunod na ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.
"Tara na Eloisa" wika nito at nagmadaling tumakbo ito papunta sa sundo namin kaya sumunod narin ako sa kanya.
"Jaz ano ba yon?" Tanong ko ulit sa kanya
Hindi pa niya sinasabi kung anong problema nito pero ramdam ko ang sobrang lungkot sa kanyang mga mata at sa bawat paghikbi nito. Hindi parin niya sinasagot ang tanong ko.
"Sa hospital ba tayo?" Tanong ng driver sa amin.
"Sa hospital?" Nagtatakang tanong ko "Anong meron?" Dugtong ko.

BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...