Hannah Point of View
Binuksan na nila ang dormitory at pumasok na lahat ang mga studyante hawak hawak ang mga maleta nila.
Pagkapasok ko dito hinatak ko kaagad ang daan papunta sa Room 112 kung saan dito ang magiging dorm ko sa loob ng impyernong to.
Hanggang sa nasa second floor na ako ng dormitoryong ito at ngayon ay nasa harapan na ako ng pinto ng aking kwarto.
Pumasok ako at inayos ko kaagad ang mga gamit ko, hindi ko alam kong sino kadorm ko dito. At dahil wala pa siya ay napagpasyahan kong lumabas na muna don. Mamaya ko nalang ililigpit ang mga dinala kong mga gamit.
Pagkalabas ko ay naglakad lakad lang ako hanggang sa naabutan ko ang mga studyanteng nasa labas. Lahat sila at mukang may pinagkakaguluhan o ano pa man iyon.
"Excuse me!" Saad ko sa mga studyante at binigyan naman nila ako ng daan.
"Hindi na dapat pa kayo pumasok dito!" Sigaw ng babae na tinatawag nilang baliw.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ng babae na nasa tabi ko.
"Marami nang namatay sa paaralan na ito at kayo ang isusunod nila!" Banta niya.
"Baliw ka lang!" Sigaw ng babae sa kanya.
Maraming natakot sa sinabi niya at pinag usap usapan pa ito. Marami din ang nakampante lang dahil sa isip na nababaliw lang ito.
"Go to your rooms right now!" Utos sa amin ni Nicky na kararating lang at sinunod naman nila ito maliban sa akin.
"Anong ginagawa mo pa dito?" Saad niya at tinasaan ako ng kilay.
"Bulag ka ba? Nakikita mo na ngang nakatayo ako!" Sambit ko sakanya.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa yo Hannah!" sambit niya
"Muka ba akong nagbibiro?"
"Well ganun na nga" Saad ni Nicky bago niya ako sinamaan ng tingin
"Kung lahat sila sumusunod sa yo, pwes, ibahin mo ako!" Sambit ko
"Sa ngayon Oo kase hindi mo pa ako tuluyang kilala at pag nalaman mo na kung sino talaga ako baka mamaya lumuhod ka pa sa harapan ko para magmaka awa!" Sambit niya tsaka ngumisi. At ang mga alalay naman niya ay tuwang tuwa sa inasal ng kanilang boss.
"Na ah, alam mong hinding hindi ko gagawin yun" Palaban na sagot ko sakaniya.
Totoo naman. Wala akong sinasanto sa paaralan nato kahit na sino.
"Sigurado ka?" Lumapit ito at binulong niya sa akin

BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...