Epilogue (Second part)

3.1K 71 2
                                    

Xavier's POV

Nakaupo ako ngayon dito sa sofa habang nagbabasa ng newspaper. Nakabalandara na naman ang epilyido namin dito bilang nangunguna sa Business World.

Nagkalat narin pala ang balita tungkol kay Mom, na buhay siya. Ang bilis talagang kumalat ang mga balita ngayon kahit itinago namin ay nakaabot parin sa media.

Nakatala rin dito ang tungkol sa pagmomodel ni Hannah at tungkol sa pagsabak ni Ridge sa World Racing Championship.

Itiniklop ko nalang ang dyaryong binabasa ko dahil puro samin lang pala ang laman nito. Hayst!

May bar kaya dito? yung may ma chiks. Ang boring naman , I want something to play.

Napatingin ako kay Jazlene na kapapasok pero nang makita ako ay agad na tumalikod at babalik na sana nang magsalita ako.

"Natatakot ka bang tumabi sa'kin? Don't worry hindi naman ako nangangain ng tao! ..O kaya naman umiiwas ka lang sa'kin?" tsaka siya humarap.

Kung pwede lang sana kitang maging gf e, pero masyado kang inosente. Gusto ko yung mga babaeng bad girl lang, masaya silang paglaruan tsaka kung balak ko man na lokohin ka, tsk! siguradong patay ako kay Hannah. Kung papatayin niya ako mababawasan na ang pogi sa mundo, tsaka nag iisa nalang ata ako, mamamatay pa.

"Hindi!" Depensa niyang sabi at umupo sa katapat kong sofa.

Napangisi nalang ako dahil nagblublush siya. Hay dami talagang nasisilawan sa kagwapuhan ko.

"May tao ba sa bathroom?" Tanong ni Neithan na kararating lang, may hawak itong twalya at gamit, mukhang maliligo.

Naliligo si Hannah doon dahil walang tubig sa kwarto niya at nasira daw ang tubo. Siguro naliligo naman yung babae ni Neithan sa kwarto niya kaya pumunta dito tsk tsk. Ba't di kaya..alam ko na! Masaya to! I have a bright idea.

"Ahh, walang tao don" Sabi ko kahit meron. Magbabati na kaya sila sa ganitong paraan?

Okay lang na makita niya na si Hannah, ikakasal naman na sila eh diba?

Ipinagpatuloy na ni Neithan ang paglalakad papunta doon at ako naman ay natatawa pero pinipigilan ko lang.

Narinig ko ang sigaw ni Hannah na dahilan ng pagsisilabasan ng mga kapatid kong ugok. Natataranta sila at pinuntahan ahad si Hannah kaya syempre sumunod naman ako habang natatawa parin ng palihim.

"Ano ba! Hindi ka ba marunong kumatok!" Sigaw ni Hannah kay Neithan.

Namumula si Neithan dahil sa gulat. Hayst! Ang inosenteng mga batang to!

"Kasalanan mo Hannah, kung bakit kase hindi mo nilock ang pinto!" balik naman ni Neithan na nakatayo sa harap ng pinto. Sus hindi pinapahalatang apektado siya sa nangyari.

"Kasalanan ko?! What the heck nilock ko ang pinto!" Sigaw ni Hannah sa loob ng bathroom.

"Nilock mo ba talaga? paano ko nabuksan?!" Sigaw naman ni Neithan.

"Hindi ko alam sayo!" Sigaw naman ni Hannah.

"Wtf Hannah matuto kang maglock ng pinto, paano nalang kung ibang tao ang aksidenteng nagbukas nyang pinto at nakita---You should be careful" Naputol niyang sabi pero alam ko kung ano sana ang sasabihin nito.

"Sh*t did you saw every---urgh?!" Binuksan ni Hannah ang pintuan habang nakabathrob at nakahawak ang dalawa niyang kamay sa bewang.

"Wala!" Namumulang sabi ni Neithan at agad na umalis. Galit ang mukha ni Hannah ngayon at nang makita niya kami ay inikot niya lang ang mata niya bago bumalik sa cr.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon