Chapter 63 - Danica's Plan

2.2K 53 5
                                    


A/N: Danica Vilar at Danica Shan. Dalawang Danica ang nasa kwento. Danica Shan yung kaibigan ni Hannah at yung Danica Vilar ay kapatid ni Drake. Medyo nalilito ako sa name na nailalagay ko. Sorry❤

Jane's POV

Inayos ko lahat ng mga documents at ipupunta sa Office ni Madam principal. Neithan asked me para maging secretary muna hanggang hindi pa naaalala ni Hannah ang lahat.

Nasa tapat na ako ng opisina ni Principal pero napahinto ako dahil narinig ko ang pangalan ni Danica. Siya yung kapatid ni Drake diba? At siya ang nakatakas noon! Sh*t sinasabi ko na nga ba may kinalaman si Principal dito!

Inilapit ko ang tenga ko sa pintuan para makinig sa pinag uusapan nila.

"Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob na bumalik pa dito Danica?" Aniya ni Principal.

"I thought you missed me" Danica said and laugh.

"Pagkatapos niyong tumakas dito, naisipan mo pang bumalik...It is because of your brother right?"

"I'm here to study again. Can I sign the contract again?"

"I heard what you had done to Doctor Chen... Binantaan mo ang buhay niya para lang gumawa siya ng paraan para magka amnesia si Hannah diba?"

Kapakanan lahat ng yun ni Danica? Ano ang plinaplano niya? Kailangan ko nang ipaalam kay Neithan bago pa mahuli ang lahat at kung ano pa ang gawin niya kay Hannah.

"Hindi ko alam may pagkachismosa ka pala Madam Evelyn" Patuloy na pakikinig ko sa usapan nila."Yes that's part of my plan!"

"Bakit panandaliang pagkakalimot ang ginawa mo?" Tanong ni Principal.


"Your out of it Madam"

"Mukang magkakasundo tayo para patayin yang Hannah na yan pero huwag mong sasaktan ang anak kong si Neithan, kundi ako ang makakalaban mo"

May alam kaya siya na hindi totoo na anak ni Principal si Neithan? Dapat mag ingat si Neithan mula sakanya!


"I'm deal with it!"


Agad akong umalis sa kinatatayuan ko at lumabas doon nang dumating si Zara.

"Jane kailangan mong pumunta sa BU at may kailangan kang dapat na malaman!" Zara said kaya nagmadali akong lumabas ng maabutan ko ang patay na estudyante sa dinaanan ko.


"Bakit siya namatay?" Nagtatakang tanong ko dahil wala namang Devil's Hour o kaya naman ibang laro ang nagaganap para magpatayan.

"Walang kinalaman dito ang mga gang...Madami narin ang mga biglaan na namamatay dito kaya kailangan nating alamin kung sino ang nasa likod nito" Hindi pwede to, kung patuloy ang ganitong sitwasyon ay mapapalabas sa lahat ng mga estudyante na kami ang gumagawa nito at mas lalayo sa amin ang loob ng bawat estudyante at baka masira ang matagal na naming plinaplano.

.
.

Agad naming tinahak ang meeting ng bawat leader ng gang at naabutan ko silang nag uusap.

Agad naman silang tumayo at nagbigay pugay sa akin. Umupo ako sa chair at humarap sa kanila.

"Base sa Silent Killer Gang may natuklasan sila sa mga nangyayari, sa palihim na pag patay sa mga estudyante without the Devil's Hour" pahayag ng isa sa mga lider.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon