Eloisa's POV
Successful ang pagsalakay ng mga gang laban sa grupo ni Drake. Hindi ko inakala na si Drake pala ang pumapatay sa mga secretary pero bakit niya ginagawa yun? Bago namatay si Drake pinahirapan muna siya ni Neithan at mga kasama nito bago ito namatay.
"Hindi namin siya kaya, we need a professional doctor!" pahayag ng nurse dito sa clinic. Isinugod namin si Hannah dahil sa kondisyon niya pagkatapos siya pahirapan ng mga kasamahan ni Drake.
"Bakit siya namumutla?" Agad na tanong ko dahil kanina pa na wala siyang malay at hindi normal ang heartbeat niya kaya naka oxygen siya ngayon.
5:15 am na matapos siya dinala dito. All of us are worried lalong lalo na kay Neithan na nasa tabi lang ni Hannah at nakahawak sa kamay niya, wala kaming tulog ngayon at hindi rin kami makakain.
"She was injected, isang uri ng lason, hindi ko maidentify kung ano to dahil ngayon lang kami nakaexperience nito. It was experimented para patayin ang dugo ng isang tao and it can lead to dea-"
"Fvck! Just do your job!" Sigaw sakanya ni Neithan.
"Per-"
"Speak or I will kill you!" Banta ni Neithan habang nakatutok ang baril niya sa isang nurse.
"Neithan kumalma ka lang" Pag awat sakanya ni Jane na nanginginig ding lumapit kay Neithan. Lahat kami ay takot sakanya ni hindi nga kami makatingin ng maayos ni Jazlene kay Neithan.
Nakatalikod si Neithan kaya hindi ko alam ang expresiyon sa muka niya pero sa tono ng boses niya nakakakilabot.
"Saan tayo kukuha ng doctor? Kung lalabas tayo ay malayo ang lalakbayin natin para kumuha ng doctor at baka matuluyan pa si-" Suggest ni Jazlene.
"Doctor Rogelio Chen...Ang doctor ni Principal ang susi para gumaling si Hannah!" Saad ni Blade sa amin.
Tumayo si Neithan hawak hawak ang baril niya at agad na lumabas dito. Ano kayang plinaplano niyang gawin kay Principal?
Jane's POV
Nagulat ako sa pagsara ng malakas sa pinto. Lumabas si Neithan papunta kay Doctor Chen. Hinila ko si Blade para kontrolin niya ang temper ng kapatid niya.
Hindi ako makapakali habang palapit na palapit kami sa tinutuluyan ni Principal. Alam kung maraming nagbabantay doon at walang kaplano plano ang pagsugod namin, it is just me, Blade and Neithan.
"Sh*t Jane! Kulang nalang maputol ang kamay ko sa panghihila mo!" Angal ni Blade dahil hindi ko na napapansin na malakas na ang paghihila ko.
"Tumahimik ka nga, Just follow us!" Sambit ko.
"Tss. I can go along without you dragging me!" Angal na naman niya kaya binitawan ko na ang kamay nito.
Iniisip ko lang naman ang kapakanan ng kapatid niya tapos ganyan pa umasta, hayss!
"Huwag ng madaming reklamo! Remember I'm older than you, so just shut up your mouth, follow us, don't complain--"
"Pfft. Did you forgot that I am the Emperor and my position is definitely higher than yours!" Sambit niya.
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystère / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...